Sunday, March 8, 2009

WAIT FOR YOU CH 1

WAIT FOR YOU CH 1


PALAGING napapabuntung-hininga si Anika sa klase.Eh pano naman kasi,hindi siya kuntento sa pagtuturo ng mga guro dito sa kanyang kasulukuyang pinapasukan.
Mas pinapahalagahan kasi ng mga ito ang mga estudyanteng nasa mas mataas na antas kesa sa kanilang section.

Hindi naman ibig sabihin na nasa last section siya,di naman siya ganun katamad mag-aral,hindi lang siya kabilang sa section ng mga estudyanteng maraming matatalino,hindi naman siya bobo pero di naman sobrang talino.Mas pinag-tutuunan ng mga ito ng pansin ang nasa higher levels.

Hindi naman tama yun dibah?Pareho lang silang mga estudyante at dapat pantay-pantay lang ang turing nito sa kanilang lahat.Kung sino pang mas matalino yun pa ang mas pinapatalino.Nasa public school siya at 2nd year high school na.Mababa nga ang tuition fee doon pero hindi naman maganda ang kalidad,kung minsan kasi ay wala silang masyadong natutunan dahil palagi silang walang pasok.Nanghihinayang naman siya sa mga araw na yun,pagkakataon na sana yun na mas marami siyang matututunan.Kaya nagbabalak na siyang lumipat ng ibang school at doon na mag-ti-3rd year.

Lilipat siya sa Immaculate Heart Academy,narinig niya kasi na maganda ang pagtuturo doon,base na rin sa mga sinabi ng kanyang kaklase sa elementary na doon na pumapasok.

Nasa ganun siyang pag-iisip nang kalabitin siya ng kaklase at pinakamalapit niyang kaibigan sa skul,si Kaye.

“Hoy,kanina ka pa nakatunganga diyan ah?Ano bah iniisip mo or should I say sino?” tanong nito na may pagka-malisyoso ang tinig sa huling tinuran.Tumingin siya dito at sumimangot .

“Eh,kasi hindi na ako masaya dito sa school natin,tsaka hoy yung sino na yan,wala yun,eh sino naman iisipin ko aber?Ni wala nga akong nobyo eh” sagot niya sa kaibigan.

“Anong ibig mong sabihin na hindi ka na masaya?” nagtataka nitong tanong.Tumikhim muna siya bago sumagot,alam niya na mabibigla ito sa desisyon niya na lumipat ng ibang school,tiyak malulungkot ito,pero kailangan na niya itong sabihan para maihanda ang sarili nito sa paghihiwalay nila sa hinaharap.Agosto pa kasi kaya medyo matagal pa,pero sasabihin na niya rito para nga malaman na nito agad at makapaghanda na ito.

“Ah,alam ko napapansin mo rin na medyo hindi maganda ang pagtuturo nila sa atin diba?Kaya..m-may balak akong lu-lumipat ng skul” nagkandautal-utal niyang sabi,di niya kasi gustong malungkot ang kaibigan dahil masyado na silang close nito.Kagaya nga ng inaasahan niya,nabigla ito at nalungkot at the same time.

“Hindi naman kita masisisi eh,totoo lahat ng sinabi mo,naiiintindihan ko,eh san mo ba balak lumipat?” Ngumiti rin naman ito pagkatapos.Ito ang nagustuhan niya kay Kaye dahil mabait ito at very understanding.Hindi na siya nagtaka pa kung bakit nagtagal ang pagkakaibigan nilang dalawa.


Ngumiti na rin siya dahil naiiintindihan siya nito. “Sa IHA,maganda daw dun eh,sabi ng mga kakilala ko,at tsaka sabi rin ng kapatid ko” Oo,totoo yun,isa rin yun sa dahilan kaya lilipat siya dahil nag-aaral doon ang kapatid niya,isang taon lang ang agwat niya dito kaya di talaga maitatagong close sila ng kapatid niyang babae.

“Ah,oo nga pala,andun yung kapatid mo,mabuti na rin yun para di ka mahirapang mag-adjust,diba?” sabi nito na naka-ekis ang braso sa dibdib.Mahina lang ang kanilang pag-uusap dahil nag-kaklase pa sila,pero wala ang isip nila doon.Nilagay muna niya sa likod ng tenga ang hibla ng buhok na nahulog sa kanyang pisngi.

”Oo,tsaka andun din yung ibang klasmeyt ko sa elementary,kaya marami-rami na rin akong kakilala.”

Tumango ito at ilang saglit ay natigilan at tinitigan siya ng mariin. “Anika,pano yan,magkakalayo na tayo,at minsan na lang tayo magkita” Malayo kasi ang bahay nito sa kanila at pati na rin ang eskwelahang gusto niyang lipatan sa kasalukuyang pinapasukan.

Napabuntung-hininga siya,nalulungkot rin naman siya,kaya lang importante sa kanya ang pag-aaral at marami siyang pangarap na gustong abutin.Ayaw niyang masayang lang ang pera ng mga magulang niya sa pag-aaral niya na hindi siya sigurado kung maganda ang patutunguhan.Simula`t sapul ay may kasalanan rin naman siya.Sa IHA naman talaga sana siya papasok at ito ang gusto ng mga magulang,pero umiyak siya bago maka-graduate ng elementary dahil gusto niyang kasama ang mga kaibigan,pero nagkamali siya ng desisyon dahil ang iba sa mga ito ay hindi na siya gaanong pinapansin.Ito pa naman ang dahilan niya kaya dito siya pumasok.Pero di naman niya yun pinagsisihan dahil nakilala niya si Kaye.

“Alam mo,mami-miss kita pero dadalaw ako sa`yo pag may vacant ako,ok?Kaya wag ka ng malungkot” tsaka ngumiti sa kaibigan at hinagkan.

“Hus,tama na nga tong drama,nga pala,mamaya may practice sa cheerdance sa city grounds dun sa plaza ha?” pagpapa-alala nito sa kanya.Mahilig talaga kasi siya sa sayawan.Marami siyang talent at nagpapasalamat siya sa Diyos dahil doon.Alam niya na may purpose yun kaya ginagamit niya ito sa tamang paraan.Katulad na lang ng pagkanta na nakuha niya sa ina,pag-guhit naman galing sa kanyang ama.Sabi nga sa sign niyang Scorpio na mahilig talaga ang mga taong nabibilang dito sa art na ipininanganak rin sa taong Sheep na nagsisimbolo rin ng art.Kaya gustong-gusto niyang gawin ang mga bagay na involve dito.

“Aba,siyempre pahuhuli ba naman ako diyan” saka tinuro ang sarili ng hinlalaki.Nabigla siya ng tawagin ang kanyang pangalan ng kanilang guro at pinatatahimik siya.Para naman siyang naupos na kandila at saka tumingin sa kaibigan.Humarap na ulit ang guro sa sinusulat nito sa board saka nila pinalabas ang mahinang tawa.



HAPON sila nagpa-practice ng cheerdance para sa competition nito by year level at ipiniprisinta nila ang second year na nanggaling sa iba`t-ibang sections.Kaya nandito sila ngayon sa city grounds ng plaza para mag-overtime dahil malapit na ang finals ng cheerdance.

May mga high school students din na nanonood sa kanila na nanggaling sa ibang schools.Napapadaan lang dahil malapit lang sa mga eskwelahan nito ang city grounds.Kung baga nasa gitna ang grounds,may stage,may malaking gate na hanggang bewang ni Anika na 5`6 ang height,may mga bulalak na nasa gilid nito at sa gitna ay ang napakalawak na ground,nasa gitna rin ito ng siyudad kaya tinawag itong city grounds.Kaya siyempre marami rin ang motorista ang napapadaan at magkapamilya o magkasintahan ang nandoon dahil bagay ang lugar na yun para sa mga taong gustong mag-unwind,mag-date o picnic.Sa labas ng sementadong kinatatayuan nila Anika na pinagpapa-praktisan nila ay mayroong carabao grass,kaya minsan doon na sila napapaupo.

UMUPO muna si Anika doon para magpahinga dahil binigyan sila ng break ng trainor at saka uminom na rin ng dalang tubig.Habang panay ang tingin niya sa mga taong naroon sa plaza ay panay rin ang lagok niya ng tubig.Pero may nahagip ang kanyang mata.Isang lalake at alam niya na high-school ito base sa dating ng binata.Gwapo ito,matangkad,maporma.Kilala niya ang kasama nitong katabi,si Kirk,sikat na dancer ito sa school nito,dahil kahit sa skul nila ay umaabot ang pangalan nito,pero wala ang atensyon niya rito kundi nasa kasama nito na kanina pa niya pinagmamasdan.

`Sino kaya siya?Siguro klasmeyt sila ni Kirk. Bulong sa sarili.

“Hoy,matutunaw na siya oh?” nasamid siya sa iniinom na tubig saka tumingin sa katabi.

“Ano ka bah,sinong matutunaw?” kunot noong tanong niya rito at pinahid ang nabasang bibig.As usual,pina-ekis na naman nito ang braso.

“Eh sino pa eh di yun” ininguso nito ang labi sa tinitingnan niyang binata kanina pa.Hindi na lang niya ito pinansin at iniwas ang tingin dito.Sadyang napaka-hilig pa naman nitong mang-tukso.Siniko siya nito sa braso at muntikan na siyang mapasubsob sa damuhan.Tinawanan lang ba naman siya.

“Ikaw ha,gagawin mo pa akong kalabaw,muntikan na anong masubsob” galit-galitang sabi niya dito na nakatingin pa rin sa lalakeng tinutukoy nito.Pero hindi nito pinansin ang sinabi niya.Tumingin na lang siya sa ibang direksyon.Ilang segundo ay nagsalita ulit ang kaibigan.

“Alam mo ba,kilala ko yang kasama ni Kirk eh” tukoy nito sa kakilala rin niya,marahil narinig na rin nito ang pangalan niya dahil nga ay sikat dahil sa pagiging magaling na mananayaw ma-hiphop man,pop,o techno,marami na kasi siyang nakilala dahil na rin sa pagiging dancer niya pero di siya sikat,yun ang pagkaka-iba nila.

“Chase ang pangalan niyan sigurado ako,dahil naaalala ko na naging kaklase ko yan nung grade 5 ako eh,muntikan ko nang di makilala,ibang-iba na siya ngayon ah?” dagdag nito sa sinabi kanina.

`Ah,siya pala yung Chase na sinasabi nila,oo sa pagkakarinig ko rin ay magaling din siyang sumayaw` sabi niya sa sarili.Natigilan siya,parang familiar ito sa kanya.

“O,nangunot yang noo mo?” nang mapansin nitong may iniisip siya at pilit na may inaalala.Di siya sumagot at pilit pa rin niyang kinakatkat sa isip kung asan niya nakita ang binata.

“Oo,yan si Chase Montenegro,naaalala mo yung pumunta sa skul natin?Diba magkasama sila nun ni Kirk?” turo nito sa kanya na pilit pina-paalala sa kanya.

“Ah oo,yun nga,pinagkakaguluhan nga sila eh” Naaalala na niya,kaya pala familiar.Hmm,bakit di ito pagkakaguluhan eh gwapo naman talaga ito at ang galing pang sumayaw na nakakapagdagdag sa appeal ng binata.

“Oo,at eto,diyan din siya pumapasok sa Immaculate Heart Academy,na papasukan mo rin next year.” Kinikilig nitong pahayag.Napangiwi siya sa reaksiyon nito.Mahilig ito sa boys kaya ganun na lang ito kung makapag-react,lalo na sa mga gwapo.Sanay na siya rito kaya di na siya nagtataka.Oo nga,magiging ka-skulmate niya ito kung ganon o di naman kaya ay klasmeyt dahil 2nd year rin ito ayon sa narinig niya.

Tiningnan niya si Chase.
`Haay,sana nga.Ang gwapo niya talaga.`

“HOY!Tawag na tayo ni Vaklush,kanina pa ako nagsasalita hindi ka naman nakikinig eh,masyado kasing tinititigan yang si ano megad!,matutunaw na talaga yan friend,lika na nga,baka magalit na yang si Vaklush” yaya ni Kaye sa kanya.

Nahiya naman siya sa sinabi nito,kanina pa ito nagku-kwento pero na kay Chase ang atensyon niya.

Nagpatiuna na itong tumayo.Sumunod na rin siya at lumapit sa grounds.
Tiningnan niya ulit ang kinaroroonan nina Chase at Kirk,pero nanghinayang siya ng di na makita ang mga ito.Wala siyang magawa kundi ang mapubuntung-hininga na lang.

Hindi niya alam pero simula nung umalis na ito doon ay nawalan na siya ng gana sa practice hanggang matapos iyon.Binalewala na lang niya kung bakit nag-iba agad ang pakiramdam nang hapong iyon,hindi naman siya ganun,maganang-magana nga siya kapag nakakasayaw eh.

`Hayy naku,ano bang nangyayari sakin?` tanong sa sarili.



RECOGNITION DAY ..

“Anika,mami-miss kita,love you friend!” sabi nito sa kanya,umiyak ito at niyakap siya.

“Ano ka ba?Magkikita pa naman tayo eh,tsaka tingnan mo ang mga klasmeyt natin o,ang saya-saya nila,pero ikaw nag-iiiyak diyan,tama na nga yan” sabi niya dito kahit pa nga naiiyak na rin siya pero pinigil niya yun,ayaw niyang mas lalo itong malungkot.
Hinimas-himas niya ang likod nito at pinatatahan.

“Halika na nga,kumain na tayo,baka maubusan na tayo ng pagkain o,alam mo naman yan sila,ang tatakaw!” biro niya para matawa ito.

“Loka!Sige na nga” saka nito pinahid ang luha.

No comments:

Post a Comment