Friday, March 6, 2009

MUSIC FOR LOVE CH 1

MUSIC FOR LOVE TEASER AND CH 1


glitter-graphics.com

Si Annie.Makulit.Masayahin.Palakaibigan.
Si Greg.Suplado.Laging nakakunot-noo.Minsan lang kung magsalita.

Ibang-iba silang dalawa.Pero may pag-asa bang magkaibigan?
Well,pwede ..

Pero may mangyayari sa hinaharap na di nila inaasahan..

CH 1

First day sa kolehiyo..

Humihikab si Annie habang naglalakad sa corridor habang papunta sa room nila.Madaling araw na kasi siyang nakatulog dahil sa kaka-internet.Medyo masakit pa nga ang ulo niya.Kinukusot niya ang mata dahil minsan napapapikit pa siya dahil sa sobrang antok.

Di niya alam na may papasalubong pala sa kanyang lalake.Nagkabanggaan sila at muntik na siyang mabuwal,pero hindi iyon natuloy dahil sinalo siya ng lalake.Napapikit siya dahil akala niya ay babagsak ang puwet niya sa sahig,pero pasalamat siya at sinalo siya nito.

Inangat niya ang paningin.Nakita niya ang mukha nito at napasinghap siya sa taglay nitong kagwapuhan.

`Woah,sino kaya tong savior ko?` usal niya sa sarili.

“Miss,are you okay?” nakangiti nitong tanong habang lumalabas sa bibig nito ang isang nakakabatubalaning tinig.

“A-ah,i`m okay” ganti niyang ngiti dito na may halo pang kilig.

Pero biglang napalis ang napaskil nitong ngiti sa mga labi at nagsalita ulit..

“Ako?I`m not okay,dahil muntik mo na akong matapakan!” saka siya binagsak sa sahig,una ang puwet.

“Aray!Teka ang sakit non ah?!” sigaw niya rito nang lumakad lang ito na parang walang nangyari.Akala pa naman niya ay savior niya,yun pala..
At bago pa ito mawala sa paningin niya ay sinigawan niya ito ng ..

“YABANG!” .

Tumayo siya at pinagpag ang pantalon at nagpatuloy sa paglalakad para makarating na sa hinahanap na room,habang hawak-hawak ang pang-upong nasaktan.

`PATAY! late na pala ako` ang nasabi lang niya sa sarili nang makarating sa room at nakitang may nagsasalitang guro sa harapan.

Ilang sandali pa ay napansin siya nito na nakatayo malapit sa pintuan.Lumapit ito sa kanya pagkatapos siya nitong sipatin.

“Miss?Do you belong in this class?” tanong ng sa tingin niya ay dalaga pa at magandang guro.

“Ahm,yes maam,i`m so sorry ma`am i`m late,may nangyari lang ho kasi eh” mahina ang boses habang nagpapaliwanag dito.

“Okay,palalampasin ko toh,pero don`t do that next time ha?College ka na and you have to be responsible lalong-lalo na pag involve ang school okay?” mahinahon pero maawtoridad nitong sabi.Tumango naman siya at nagpasalamat dito.

“Right your name and course in a 1/8 sheet of paper,then pass it to me,now” utos nito sa kanya at bumalik ito sa pwesto kanina.

Tumalima naman siya saka kinuha ang papel at bolpen sa bag.Saka siya nag-excuse sa taong nakaupo sa harapan para doon makapagsulat ng maayos.Pagkatapos ay inabot niya sa guro at binasa nito.

“Okay class meet your new classmate Annie Navarro taking up BS in HRM” baling nito sa mga estudyante,saka siya tumango sa mga ito.

“Annie,sit beside Mr.Anceslao” turo nito sa isang bakanteng upuan.Sinundan niya ng tingin ang tinuro nito at awtomatikong naningkit ang mga mata sa nakita.

`At magkaklase pa kami ni yabang huh?` sabi ng isang bahagi ng utak niya.

Hinagod muna niya ng tingin ang buong silid,nagbabakasakaling meron pang mapepwestohan.Ayaw niyang makatabi ito,ngunit wala siyang choice dahil iyon lang ang bakanteng upuan.

Napabuntunghininga na lang siya at saka lumapit at umupo sa tabi nito. Medyo naiilang pa siya. Bakit ba naman kasi sa lahat ng magiging kaklase niya ay ito pa ang magiging katabi niya sa apat na klase nila buong sem. Hindi sana siya magdadalawang isip dahil makalaglag-panty ang kagwapuhan nito kaso nga lang ay suplado at mayabang!

“Small world huh?” parang may halong insulto ang pagkasabi nito sa kanya habang dire-diretsong nakatingin sa labas ng bintana.

Lihim siyang napaismid. `At nakuha pa nitong makipag-usap sa`kin huh? Despite of what he did to me?Ibang klase!`

RECESS na kaya heto at naglalakad siya patungong canteen kasama ang bagong kaibigan na si Sweet.Kanina pa siya nag-iisip ng paraan kung paano siya makakaganti sa binata.Aba!hindi biro ang ginawa nito sa kanya,masakit kaya yung puwet niya kanina at parang namamaga pa,buti nalang at unti-unti na itong nawawala ngayon.

Nang makalapit na sila ni Sweet sa canteen ay drinks na lang ang binili niya,at ito naman ay siopao ang pinili.Sinadya niya talagang iyon ang bilhin dahil may naisip na siyang paraan.

Alam na niya kung saan pupuntahan ang lalaki dahil nakita niya ito habang bumibili sila ni Sweet kanina,at heto na nga sila papalapit dito kasama ang kaibigan nitong sa pagkakaalam niya ay Ken ang pangalan.

Hindi siya lumapit dito para makipag-usap,kung hindi ay dadaanan niya lang ito at saka gagawin ang naisip.Pakunwari siya na nasagi ito at saka niya ibinuhos sa mamahaling t-shirt nito ang iniinom na drink.Pagkatapos niyang magawa ang paghihiganti ay nagmamadali siyang lumayo nang nakangiti.Narinig niya itong nagmumura habang papalayo sila ng kaibigang halatang nabigla sa ginawa niya. Pero hinabol siya nito at pinihit paharap.

“Hoy!Bakit tatakasan mong ginawa mo sakin?Ha?!Tingnan mo,namantsahan na ang t-shirt ko!” galit nitong bulalas habang hawak-hawak nito ang t-shirt.

Tumingin siya sa gwapo nitong mukha at pinag-krus ang braso. “Hmp!Buti nga sa`yo!” pataray niyang sabi dito.

“Anong sabi mo?!” halatang napipikon na ito sa kanya.

“Ang sabi ko buti nga sa`yo!” ulit niya saka nilakasan pa ang boses.Pumihit na siya patalikod at hinawakan sa kamay ang kaibigan na natigilan at pumalayo roon.Pero hinabol na naman siya ng lalake at marahas siyang pinapihit ulit paharap.

Magsasalita na sana ito pero tinuhod niya ito saka ipinagpatuloy ang paglalakad na sinabayan pa niya ng pagkaloko-lokong tawa.Ito nama`y naiwang namumula at halatang sobrang nasaktan sa ginawa niya.

`Hmp!Yan ang bagay sa`yo unggoy ka!` usal sa sarili habang papalayo rito.

“Ann,ba`t mo naman ginawa yun?” may pag-aalalang salita ng kasama niya.

“Sus,huwag ka nang mag-alala dahil simula`t sapul,siya naman talaga ang may kasalanan” sagot niya sa tanong nito.

Napabuntung-hininga nalang si Sweet at tiningnan ulit ang lalaki na inalalayan ng kaibigan nito na namimilipit pa rin sa sakit.

Okay na kay Annie ang ginawa niya,at least nakaganti na siya rito.

No comments:

Post a Comment