Friday, March 13, 2009

WAIT FOR YOU CH 4

WAIT FOR YOU CH 4

NAKATINGIN siya sa guro pero wala doon ang isip niya.Kung saan saan kasi lumilipad ang utak niya.Lalo na yung nangyari kagabi.Bumalik lang huwisyo niya at napaigtad ng maramdaman ang kiliti sa kanyang kanang hita.

Cellphone pala niya ang nag-va-vibrate.Hudyat na may nag-text sa kanya.Palihim niyang tiningnan ang cellphone para di makahalata ang teacher nila.Nangunot ang noo niya dahil hindi naka-save sa phonebook niya ang numero ng nag-text.Binasa niya yun.

*HI! ZUP? :]

Ni-replyan niya ito . *HUZ DiS PLZ?
Kaagad din naman itong nag-reply


*CHASE TO` HUMINGI AKO KAY KUYA NG SIM,I-SAVE MO NO. KO HA?

Bigla ang pagsibol ng kanyang damdamin.Agad siyang nagtipa sa keypad
*WER DD U G8 MY DIGITS?

C:kay BEA
A:Ah,I see.Ba`t ka nga pala napa-txt?
C:Wala lng.Boring ni teacher no?Hehe :DD
A:yah ryt. :]
yun lang ang tanging naisagot niya.Wala siyang maisip na magiging topic nila.Isi-nend nalang niya yun.

C:Hmm,I love you! <3

Di na talaga matigil sa pagrigodon ng kanyang puso.Siguro ay nagbibiro lang naisip niya.Tumingin siya dito at nagtama ang paningin nilang dalawa.Tinipa niya ang keypad.Gusto niyang maka-sigurado.

A: Huh? Wat u min?
C:I love you ..as a friend :]


Di naman siya na-dismaya sa naging reply nito.Imposible naman na ma-inlove ito sa kanya.Or sabihin nalang nating `KAAGAD` .

Tinapos na muna niya ang pag-te-text dahil dapat siyang mag-focus sa nagsasalitang guro sa harapan.Kaya siya lumipat doon at nag-aral ay para matuto at matupad ang mga pangarap.Hindi para makipag-landian.

ILANG buwan din silang nag-te-text,pero wala pa rin itong inaamin sa totoong nararamdaman para sa kanya.Nasa bahay na siya at nagpapahinga galing sa skul nang tumunog ang cp niya.Si Chase.

C: Anika,I wnt 2 tell u dat I lyk u.


Bigla ay nawala ang pagod niya.Para siyang maloloka dahil wala na siyang load,kaya humiram muna siya sa mama niya ng pera.Agad siyang nagpunta ng tindahan at nagpa-load.Naglalakad na siya pauwi habang tipa-tipa ang keypad ng cellphone.

A: Really? `Niwala ako.

Yun ang na-reply niya.Nakalimutan niya na yun ang isa sa mga hindi gusto ng mga lalake kapag tinatanong silang mga babae ng ganoon at hindi pa maniniwala.Eh sa napag-alaman niyang playboy ito eh.Kaya ayaw niyang magpabilog sa bitag nito kung binibiro lang siya ng binata.

C: Grabe,hnd nb tlga ako pwdng pgktiwalaan? :[

Medyo na-guilty siya dahil sa sinabi nito.Tumipa ulit siya sa keypad ng cp habang papasok na sa kanilang bahay.

A:D nmn sa ganon.Ayaw ko lng na nilo2ko ako Chase.

Totoo niyang sabi yun.Marami na kasi siyang naririnig na nasasaktang kabaro niya,lalo pa`t playboy ang nagiging boyfriend nang mga ito.

C: Hnd nmn kita nilo2ko ah.22o lahat ng cnsb ko sau.Nd I wnt 2 ask u dis.Cn I cort u?

May sumundot na kilig sa kanyang puso.Papayag ba siya?Syempre!

A: Ok,bt atleast show me dat u rili lyk me.en aukong dinadaan s txt ang panliligaw.Hnd ako k2lad ng iba.Dpt sa tmang paraan pa rin dmadaan ang proseso ng corting :]

C: Yaa,I noe.Ganun nmn tlga ako.Ang pang8 nmn kng sa txt lng db?prng hnd nmn sryoso ang taong nanllgaw kpg gnun .


Napangiti siya sa sinabi nito.Sana nga ay totoo lahat ng sinasabi nito.Ayaw muna niyang lubusang magtiwala sa mga pa-sweet talk nito,dahil baka sa huli,siya rin ang masaktan.

ILANG araw na siyang naghihintay sa panliligaw ni Chase sa kanya pero ang palagi nitong sabi sa text ay ..

*2MOROW NA LANG AKO MANLILIGAW SAU HA?

*BUKAS NA LANG TALAGA PROMISE.


*Anika kasi,ewan ko ba nahihiya kasi akong manligaw ng personal sayo.

Ewan ba niya.Pero nawalan na siya ng tiwala at pasensiya dito.Imbes ito ang maghihintay sa kung ano ang magiging sagot niya ay siya pa itong laging nag-aabang sa text nito kung kelan siya liligawan.

Meron bang nanliligaw na ipagpabukas?Kakaiba naman siya kung ganon.Hindi na niya alam kung maniniwala pa dito o hindi.

Gabi na ng mag-text ulit ang binata.

C: Anika,bukas na lng tlaga ako mnllgaw sau

Nag-reply kaagad siya,sasabihin na niya talaga niya ang tunay na nasasaloob.

A: Chase gs2 kta,pro aucong mghnty s wla.Hnd co alm kng mnnwla p ako sau.Dhl prng gngwa m lng biro ang pnllgw skn.Sbhn mo nga,nilo2ko m lng ako no?


Ilang minuto din ang hinintay niya sa reply nito.Siguro ay nabigla ito sa tinext niya.Hindi mo naman masisisi si Anika dahil hindi siya binigyan nito ng assurance kung totoong panliligaw nga ang ginawa nito.Nang sumunod na sandali ay tumunog ang cp niya.

C: 1st dpt mng mnwala dhl 22ong gs2 kta.2nd hnd ko gngwang biro ang pnllgaw sau.3rd d kta nlo2ko

Binalik lang nito ang tanong niya pero nagbigay na ito ng assurance.

A:Hnd mko mccc,tngurian kang isng plyboy kya d mo maaals s icp ko na mgduda.Kng snay nhhya ka png humrp skn,d m nlng sna cnb n llgwan m tlga ako sa prsonal.Chase,may limitaxon dn ang pasensya ko.Hnd k aklain na ang isang ka2lad mng playboy ay 2rpe pala.


Hindi niya alam kung saan nakuha ang lakas ng loob para sabihin yun dito.Kaagad itong nag-reply pero maiksi na kpg nag-reresponse.Siguro ay nasaktan ang ego nito.Gusto sana niyang bawiin ang sinabi dito pero isiniksik niya sa utak na dahil dito ang pinag-kakaganoon niya.

C:Hnd ako torpe. Hmhanp lng ako ng tiympo.

Hindi na siya nag-abala pa na replyan ang binata.Baka ano pa ang masabi niya at ayaw niyang matuloy yun sa isang malalim na argumento.Itinulog na lang niya ang pagka-inis at sakit na bumalong sa bata niyang puso.

No comments:

Post a Comment