Tuesday, March 10, 2009

MUSIC FOR LOVE CH 6

MUSIC FOR LOVE CH 6

Sa nakalipas na buwan ay agad nagkahulihan ng loob si Annie at Greg.Base sa kanilang status maaari na silang tawaging MU o may mutual understanding at pwede ring tawaging malabong usapan.Kaya ayaw munang magpadalos-dalos ni Annie.

Nasa bench sila ng canteen nang umamin si Annie kay Sweet na mahal na nga niya si Greg.

Sweet`s eyes flew to her. “What?You love him?NO!Don`t you ever tell him!” puno ng disagreement ang tinig nito.
Nangunot ang noo ni Annie nang tumingin dito “Huh?But why?”

“A-ah,What I mean is wag muna,chill ka lang okey?just wait for the right time,remember dalagang Pilipina ka” Sweet lied.Pinagsasabi niya yun but that is not really what`s on her heart and mind.

Annie agreed then.Tumalikod siya at di nito napansin ang pag-taas ng kilay ng kaibigan kuno.

“ANO?Mahal mo siya?” ang tanging nasabi ni Ken ng sinabihan siya ni Greg na mahal nito si Annie.Kumunot naman ang noo niya ng makita ang reaksiyon ng kaibigan.

Inunahan na ito ni Ken sa pagsasalita ng kumunot ang noo nito.Huminga muna siya ng malalim.
“Bro,aaminin ko,gusto ko si Annie,pero don`t worry,ipaparaya ko siya para sa`yo dahil mas mahal kita dahil you’re my friend” At nginitian nito si Greg.

Ginantihan din ito ng ngiti ni Greg.Kaya nga naging matalik niya itong kaibigan dahil sa pagiging maunawain nito.Mas inuuna nito ang mga kaibigan kesa sa sarili.

“Thanks Ken,you are really a true friend,dahil sa sinabi mo mas na-relief ako.Wag kang mag-alala,aalagaan ko siya para sa`yo.Eh paano ko ba siya liligawan?”

Tumaas ang kilay ni Ken at bahagyang napalayo dito “Heck!You don`t know?Dude naman,eh paano naging kayo ni Yas? “ nakataas pa rin ang isang kilay nito.

He scratched his forehead. “Ewan,basta nalaman ko na lang isang araw na kami na pala.I didn`t even remember I courted her” nangunot ang noo ni Greg at tumingin sa kawalan.

Tinapik siya ni Ken sa balikat at napatingin dito “Well maybe I can help you” at itinaas-baba nito ang kilay nang nakangisi.

“SIGE na Ken,mauna ka na sa room,tatawagan ko lang si Annie” aniya ni Greg

“Huh,makikita naman natin siya doon eh,diba classmate natin siya sa next subject?” nakapameywang nitong sabi.

“Ah basta” at iniwas ang tingin sa mapanuring tingin.
Ken chuckled and held his arms to Greg`s shoulders “Hmm,I know you dude,yayayain mo siya sa isang official date tapos your afraid the she would reject you?Tama ba ako?” nakangisi nitong sabi.

Tiningnan niya ito ng matalim at bahagyang sinuntok sa tiyan “Kilala mo nga ako,Aish!Oo na!” at iniwas ulit ang tingin nang nakangiwi.

“Para ka namang di lalake niyan eh,doon ka na lang tumawag kay Annie sa likod ng room,di ka niya makikita dun.And baka kasi dumating na si Teacher tapos mahuhuli ka diba?”

Sumang-ayon siya at sabay nga silang pumunta sa room,pero nag-paiwan siya sa likod at si Ken naman ay naunang pumasok sa loob.

Kinuha ni Greg ang cp sa kanyang bulsa at i-dinayal ang numero ng dalaga.
Sumagot naman agad ang nasa kabilang linya.
“Oh Greg,may nangyari ba?ba`t napatawag ka?magkikita naman tayo dito sa room ah?” sunod sunod na tanong nito.As usual makulit talaga.Pero ikinasiya yun ng binata dahil nasanay na siya dito,at nagpapakita ito ng concern sa kanya.At ang marinig lang ang tinig nito ay sapat na para maging makulay ang bawat araw niya.

“Hindi,ah k-kasi gusto k-ko sana ya-yayain kang mag-date mamaya?” hinintay ni Greg ang sagot mula dito na dahilan kung bakit niya kinagat ang pang-ibabang labi at itinaas ang kilay,bahagyang iniyuko ang ulo.

“Ah,so kaya ka nandiyan eh natatakot kang mapahiya o natatakot ka na hindi ako papayag?” Itinampal ni Greg ang noo at nakangiti.Minsan talaga ay diretsahan kung magsalita si Annie.

Nagsalita ulit ang dalaga. “Dapat ka talagang mahiya dahil hindi ako papayag no?Hinding-hindi ako makikipag-date sa`yo!Akala mo siguro makukuha mo ako sa ganyan –ganyan mo?Hoy!nagkakamali ka!” nasa tinig nito ang pang-iinsulto sa kanya.

Nabigla naman siya sa sinabi nito at siyempre pa ay napipi.Napapikit siya sa sinabi nito,excited pa naman siya ng yayain ito,pero parang masasaktan ulit siya.

Naibuka ni Greg ang mga mata ng marinig ang tawa ng nasa kabilang linya.
“Magaling ba akong umakting?Haha,siyempre papayag ako no!Waa,uto-uto” at tumawa ng mas nakakaloko.

Napabuntung-hininga siya.Ginawa na naman siya nitong katawa-tawa.Naisahan siya at medyo nainis siya sa inasal ng dalaga.Nagmukha talaga siyang tanga.
Pinindot niya ang end button at pumasok na sa room.Pagpasok niya ay nakangiti pa si Annie na parang walang nangyari.Dumiretso na siya sa upuan niya nang di ito pinapansin.He looked out of the window.

She gazed at him with a wicked grin on her lips.Kiniliti niya ang tenga ng binata at iwinaksi naman nito yun.Pero lalo lang ginanahan si Annie na kulitin eto.Mas masarap kasing asarin ang mga taong katulad ni Greg.

“Uyy,nagtampo..” ang sabi niya sa katabi na di pa rin tumitingin sa kanya.

Si Greg naman ay nakapangalumbaba at pinipilit na huwag mangiti.Nang hindi pa rin nagsalita ang binata ay umusod si Annie malapit dito and held his hand that is resting on his lap.

Nagtagumpay si Annie na makuha ang atensyon nito.Pilit pa rin ni Greg na ikunot ang noo kahit pa nga natatawa na.Suddenly,Greg started to caress her hands hanggang sa buong klase silang nagholding-hands.Iyon ang gusto ni Annie kay Greg madali lang palulubagin ang loob nito.Konting lambing lang ay napapangiti na ang binata.

HINDI maiwasang mailang ng dalawa habang pinapanood ang maiinit na eksena sa The Notebook.Kanina pa rin nag-pe-petting at necking ang mga lovers na nasa loob ng moviehouse.Dala ng init ng katawan at sa mga nangyayari sa loob,Greg gazed to Annie na puno ng pagmamahal.Annie is not aware of her feeling,na halos ikasabog na ng kanyang dibdib ng tumingin sa kanya ng pagkadikit-dikit si Greg,gusto niyang halikan ito.

And so she cocked her head at ganun rin ang binata.Pero paurong-sulong,kung titingnan ay para na silang nagtutukaan na manok.Bawat isa`y nahihiya,natatakot na ipadama ang totoong nasasaloob.Annie closed her eyes then,at sumunod naman si Greg..

Papalapit.Papalapit ng papalapit..

TOINK!To their surprise,tumama ang bibig ng dalaga sa ilong ni Greg while his lips were on her chin.

Salamat na lang at madilim sa loob kung kaya`t di nito mahahalata ang pamumula ng kanyang pisngi.Si Greg naman ay umayos ng upo saka ginulo ang buhok.

`BADTRiP. Wika ng isip ng dalawa.

Nang matapos ang palabas ay naglakad-lakad muna sila sa loob ng mall.Nakita ni Greg ang isang kart ng ice cream kaya bumili siya para sa kanilang dalawa.Nagpatiuna nang lumakad si Annie,and Greg was really fond of staring at her.

Humarap ito sa kanya at nag-peace habang dinidilaan nito ang dalang chocolate ice cream.
Ngumiti siya nang bahagya `Hayy,kuleet` He gaved her a wink while sticking his tongue out.

BUSY sa kakatanaw sa mga stalls sa loob ng mall si Annie.Pero may isang bagay ang nagpa-magnet sa kanyang atensyon.Pumasok siya sa stall na may mga naka-display na sapatos,sinundan naman ito ng nagtatakang binata.

Lumapit siya sa kinaroroonan ng white rubber shoes at sinipat iyon.Expensive pero maganda ang quality.Tapos ibinaba ang tingin sa sapatos,malapit na itong matuklap.Matagal-tagal na rin niyang ginagamit ang sapatos na iyon,bigay pa yon sa kanya ng ama kaya di niya yun basta-basta ipinagpapalit.
Pangalawang sira na ito ngayon,nung una okey lang dahil pwedeng pa yong i-ayos,eh ngayon mukhang hindi na dahil sirang-sira na at lumiit na nga yon.

Ibinuklat niya ang dalang wallet.Napabuntung-hininga siya ng mapagtantong hindi man lang nangalahati ang pera niya sa presyo ng magarang sapatos.Bigla may kumuha ng sapatos sa kinalalagyan nito,si Greg.

“Miss,kukunin ko na to” sabay abot nito sa sapatos sa saleslady.

Napairap ang dalaga.Medyo nainsulto siya sa ginawa nito,dahil wala siyang pambili.Samantalang ang dami-dami nitong sapatos nung makita niya sa kwarto nito ang mga yun.Mukhang ang iba pa nga ay di pa nagagamit.Winawaldas lang nito ang pera kahit andami na nitong sapatos.Hindi na naman nito yun susuotin at dagdag lang sa display nito yon.

Nang makalabas na sila sa stall ay napatigil siya sa paghakbang nang walang-anuma`y iniabot nito ang plastic na may lamang sapatos.

Tiningnan niya ang plastic bag at saka tinitigan itong naguguluhan.
Inangat nito ng bahagya ang plastic bag “Oh ayan”

“Bakit ipapadala mo pa yan?Ano ako,alalay?Tsaka ang gaan-gaan niyan ipapadala mo pa sakin?” inis niyang wika dito at pina-ikot ang mata.

“Sino bang may sabing sakin iyan?Sayo yan,tanga!” sabi nito na nakadukwang parin ang braso at hawak-hawak nito ang plastic bag.Tinanggap naman yun ni Annie.

“Sakin talaga toh?Eh pero bakit,di naman ako nagpabili sa`yo ah?” di pa rin makapaniwalang tanong ng dalaga.

“Napansin ko kasi na parang gusto mo nga yan,alam ko wala kang pambili kaya ako na ang nagbayad para sa`yo” mahinahon nitong wika.

Imbes magpasalamat ay lalo pa siyang nainsulto sa tinuran nito.Naitaas niya ang gilid ng labi “Ang yabang mo talaga!Pulubi na ba talagang tingin mo sakin?Hmp!”
Napanganga ang binata sa sinabi niya “Aba!Ang arte mo,ikaw na nga tong binilhan ikaw pa tong maarte.Ayaw mo ata eh,akin na nga yan” Inagaw nito sa dalaga ang plastic bag at itinaas sa ere.

“Hoy!” bulalas ni Annie,matangkad kasi si Greg kaya di niya yon basta lang maaabot.

`Palibhasa kasi Kapre!Pero mautak ako,hmp,humanda ka sakin` At kiniliti ng dalaga sa
tagiliran ang una.Agad naman nitong nabitawan ang plastic na yon,kinuha saka pumalayo
dito at sumigaw ng “SUCCESS!” itinaas pa ang kamao dahil sa tagumpay.


“GEE,thanks,you never fail to make me happy” banggit ni Annie sa palayaw ng binata.Bukal sa loob ang tinuran niyang iyon.

Parang hinaplos naman ang puso ni Greg sa sinabi ng una.Nangiti rin siya ng mabanggit nito ang kanyang palayaw.Mga malalapit na kakilala lang ang tumatawag non sa kanya,ibig sabihin special siya dito.He secretly giggled by the thought.

Nag-goodnight na silang dalawa at papatalikod na sana si Greg para lumapit na sa kanyang sasakyan ng bigla siyang pigilan ni Annie at binigyan siya nito ng smack sa lips.

Nang bumitiw si Annie dito ay kinabig ito pabalik ni Greg at inilapat ang labi nito sa kanya.Mas malalim ang pangalawang halik.Kapwa sila napaungol sa tagpong iyon.

Ang halik na iyon ay sadyang mapusok,maalab.Pero masuyo rin at mapagmahal.Nakakalasing.Nakakaliyo.

*Love moves in mysterious ways,

It’s always so surprising,how love appears
Over the horizon,i`ll love you for the rest Of my days,
it’s always mystery of how you
Ever came to me,which only proves
Love moves in mysterious ways*

Bago pa mapugto ang kani-kaniyang hininga ay saka sila bumitiw.Biglang tumakbo si Annie papasok sa loob at isinara ang gate.Na-amuse naman ang binata sa inasal nito.Pero bago siya tuluyang maka-alis ay narinig niyang tinawag siya nito na siyang ikinalingon niya.

Nakasungaw ang ulo nito sa gate at itinaas ang plastic na may lamang sapatos na ibinili niya para rito. “Salamat” wika ni Annie at ngumiti saka sinara ulit ang gate.

Napapangiti na napapailing na lang ang binata habang naglalakad papalapit sa kanyang sasakyan.
NAPAPANGITI si Greg habang nagmamaneho at hinimas-himas ang mga labi.Paulit-ulit na bumabalik ang eksena kanina sa kanyang utak.Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isip na aggressive ito nung hinalikan siya nito,nabitin nga siya eh kaya hinalikan niya ito ulit.Para paring nakalapat ang mga labi ng dalaga sa kanya.Gusto niyang magsisisigaw sa saya,matagal na niyang gustong halikan ang mga mapupulang labi nito pero ayaw niyang magmadali dahil baka isipin nito na marahas siya at namamantala.Hinding-hindi siya magsasawa sa mga halik nito.Hindi niya alam kung paano makakatulog ng mahimbing kung gayon nakapagkit ito sa kanyang isipan.Hindi na niya mapipigilan pa ang nadarama,magtatapat na siya sa dalaga sa lalong madaling panahon.

Si Annie sa kanyang kwarto ay pabiling-biling sa kanyang higaan.Nahihirapan siyang matulog dahil kahit nakapikit ay mukha ng binata ang kanyang nakikita.Bumangon siya at isinandal ang likod sa headboard.Kinikilig pa siya habang yakap ang unan,at iniisip na si Greg yun.

`Hay,nakuu,ewan ko kung paano ako makakatulog nito.Pero kahit na,masaya pa rin ako dahil nahalikan ko na siya!Ang sarap-sarap niyang humalik,my gosh!Mahal na mahal kita Greg,sana ay mahal mo rin ako` wika ng kabilang bahagi ng kanyang utak.

“Matulog ka na nga Annie,pilitin mo dahil may pasok ka ba bukas” nakangiti niyang sermon sa sarili.

No comments:

Post a Comment