Thursday, March 19, 2009

WAIT FOR YOU [2] CH 6

WAIT FOR YOU [2] CH 6

NAGDESISYON si Chase na hindi muna uuwi ng Pilipinas.May kailangan pa siyang gawin.Ipaglalaban niya ang pagmamahal niya para kay Anika.Saka na siya uuwi kapag wala na talaga siyang magagawa pa.Ayaw niyang pagsisihan sa huli na hindi siya gumawa ng effort para ibalik sa buhay niya ang dalaga.

`Babawiin kita Anika`

“BABE?Are you with me?” untag ni Vince sa nobya.

Nabigla naman si Anika “H-ha?”

Bumuntung-hininga ang una. “Kanina pa ako nagsasalita dito ah?”

Yumuko ang dalaga “I`m sorry”

“May problema ba?” nag-aalala nitong tanong.

Umiling siya. “W-wala”

“Ok sabi mo eh.Anyway,that gown really looks good on you.Stunning!” mangha nitong bulalas at hinagod siya ng tingin.Nasa sa isang wedding shop sila.Niyaya kasi siya ni Vince doon para magpasukat na nang trahe de boda.

Ilang linggo na siyang parating balisa simula nung puntahan siya ni Chase.Hindi niya makalimutan ang sinabi nito sa kanya.Iniisip niya kung itutuloy ba ang pagkakasal sa nobyo o umatras na hangga`t maaga pa.

Ngunit hangad niya ang kaligayahan ni Vince kahit ang kapalit ay ang mawalay sa kanya ang taong totoong nilalaman nang puso niya.

Walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha kahit paulit-ulit siyang pinuri nang nobyo.Lumalabas lang sa kabilang tenga niya ang mga pinagsasabi nito.

“Hayy.Thanks God makikilala ko na rin ang mga magulang mo,and your sister” masayang wika ni Vince.Tinawagan na kasi nito ang mga magulang niya na magpapakasal sila.Ito pa ang gagastos sa pamasahe papuntang Singapore sa kanyang magulang at kapatid.

Pilit ang pagngiti ng dalaga.Ayaw niyang makahalata ito sa kung ano man ang nararamdaman niya.

Nang matapos ang sadya nila doon ay pumunta sila sa isang fastfood para kumain.Nang maka-order sila ay iniwan siya sandali ni Vince sa puwesto nila dahil pupunta ito sa CR.
Mariin niyang pinagmasdan ang engagement ring na nasa daliri.
`Hindi na ako pwedeng umatras pa!`

Nanatili lang siyang nakayuko.Nagsalita siya nang maramdam ang presensiya ng katabi.

“O,andiyan ka na pala as-“ naputol ang kanyang pagsasalita nang halikan siya nito sa labi.

Nakakahiya man dahil nasa isang publikong lugar sila.Ngunit hindi niya mapigil ang sariling tugunin ang halik nito.Nagtaka siya dahil ibang-iba ang halik nito sa nakasanyan niya kay Vince.Mas masarap itong humalik ngayon sa isip niya.

Nagulat siya ng may tumawag sa kanya ng pagkalakas-lakas.

“Anika!”

Dagling lumipad ang tingin niya sa nagmamay-ari ng boses.Nanlaki ang kanyang mata dahil si Vince ang kanyang nakita.

“Teka,sinong----“ pagpihit niya paharap sa katabi ay napatda siya.

“C-Chase?Anong ginagawa mo dito?!” naguguluhan niyang tanong.Puno ng kaba ang dibdib niya,dahil nag-aalala siya sa reaksyon ng kanyang fiancee.

Pilit siya nitong hinihila “Halika na!Sumama ka na sakin”

“Teka.Ano ba!Bitiwan mo ako,naloloko ka na ba?” nagpupuniglas siya sa pagkahawak nito sa kanyang kanang braso.

“Oo.Naloloko na ako,dahil mahal kita!” sigaw nito.

Bigla ay lumapit si Vince at binigwasan nito ng suntok si Chase sa panga.Nabuwal ito sa sahig at hinawakan ang nasaktang panga.Nagtiim bagang ito.

“Sino ka ba?Ba`t mo siya pinipilit na sumama sa`yo?!” galit na galit nitong bulalas.

Tumayo muna si Chase at ibinalik ang postura. “Ako lang naman si Chase.Ang totoong mahal nang fiancee mo!” dinuro nito si Vince saka tumingin sa dalaga.

“Bakit?Anong kailangan mo sa kanya?Babawiin mo siya at sasaktan ulit?” naningkit ang mata ni Vince.

“Correction.Babawiin ko siya dahil mahal ko siya” mariin nitong amin.

Hindi makagalaw si Anika sa kanyang kinatatayuan.Hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita.Ang dalawang lalake sa buhay niya ay nagpang-abot na.

“Halika na Anika” hinila siya nito pero pinigilan ito ni Vince.Ang mga kamay nito ay magkahawak sa kaniyang dalawang braso.

“Ano ba?!Nasasaktan na ako!Tama na nga iyan!” galit na niyang bulalas sa dalawa.

Binitawan naman siya ng mga ito at hinarap si Chase habang kumapit sa braso ni Vince.

“Si Vince na ang mahal ko kaya pwede mo na kaming iwanan”

Tumingala siya sa fiancee at nagpaka-sweet dito para ipakita kay Chase na ito na nga ang mahal niya.Nakita niya sa sulok ng kaniyang mata ang pagmamadali nitong umalis.Nang masiguradong wala na ito ay saka niya binitawan si Vince.

HANGGANG makauwi sila ay hindi nag-iimikan ang dalawa.
Naunang pumanhik si Vince sa kwarto nito at sinundan siya ni Anika.

“Vince,I need to talk to you!” wika niya sa fiancee na nagmamadaling pumasok sa kwarto nito at pinagsarhan siya ng pinto.

Katok siya ng katok pero nagmatigas pa rin ang binata.
“Iwan mo muna ako” mahinahong sabi nang nasa kabilang pinto.

“Pero-“

“Ang sabi ko iwan mo muna ako!” napasigaw na ang binata.

Wala nang magawa si Anika kaya pumunta na siya sa sariling kwarto.

Humiga siya sa kama at nilagay ang kanang braso sa noo.

`Sino bang pipiliin ko sa kanila?`

No comments:

Post a Comment