Friday, March 13, 2009

WAIT FOR YOU CH 5

WAIT FOR YOU CH 5

NASA sa isang sulok si Anika nang mag-recess na sila.Hawak hawak niya ang cellphone at naghihintay sa text mula kay Chase.Yumuko siya at tinitigan ang cp,wishing na may lumabas sa screen na `1 message received` mula sa binata.

Naramdaman niya ang presensiya ng ibang tao.Pag-angat niya ng mukha ay si Candice ang nakita niya at ang mga alipores nito.

“Hoy!Sa tingin mo ba makukuha mo si Chase?Kahit wala na kami,alam kong ako pa rin ang gusto niya.Kaya wag kang umaaligid-aligid sa kanya! Transferee ka lang at hindi ka bagay na palitan ang puwesto ko sa puso niya!At .. “

Binitin mo na siya nito at tiningnan siya head to toe “Huh!Mas maganda ako sayo!”
Naniningkit ang mata nitong sabi sa kanya.

Hindi siya nagsalita bagkus ay nangalumbaba lang.Ayaw niyang makipag-away nang dahil lang sa isang lalake,kaya hindi na niya pinansin ang pagpapaputok nito ng butse.

Halos lumipat na ang isang kilay nito sa tuktok ng ulo nito nang irapan siya.Saka ito tumalikod .

“GIRLS! Let`s go..” yaya nito sa mga alipores na panay rin ang irap sa kanya.

Wala siyang pakialam sa mga patutsada nito.Ang mas iniisip niya ay si Chase.Ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanya.Minsan lang din niya ito makita.At kung susubukan niyang kausapin ito,bigla namang umiiwas.Hindi na niya alam kung anong gagawin.Kung mag-text siya,hindi naman nagre-reply ang binata.

Isang araw ay lumapit sa kanya si Joe,kaibigan ni Chase.Nasa loob sila ng room nun at di pa nagsisimula ang second subject kaya nagtsi-tsismisan lang ang mga kaklase niya.Siya naman ay nakatungnga lang at minsan ay nagnanakaw ng tingin kay Chase na nasa kabilang dulo ng room.

“Anika,di ba nanliligaw si Chase sayo?Eh ano na?” nakangising tanong nito.

Mahina lang ang kanyang naging pagsagot “Ewan ko,tanungin mo siya.Di na nga siya nagpaparamdam eh” himutok niya.

Dagli itong lumapit kay Chase at siguro ay nagtanong din dito tulad ng naitanong sa kanya.Sinadya nitong lakasan ang boses ng sumagot at nakayuko dahil may sinusulat ito ..

“Ayoko na!Torpe daw ako eh!” wika nito at pagkatapos ay tiningnan siya ng mga barkada nito na parang ..

`Ikaw kasi eh`.

Iniwas niya ang tingin sa mga ito.Nagsimula ng uminit ang sulok ng kanyang mga mata.Pinigilan niya ang luhang nagbabadyang umalpas at huminga ng malalim,dahil parang may mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib.Masakit para sa kanya na marinig iyon mula sa binata.Ipinikit nalang niya sandali ang mga mata.

Pagbukas niya ng mata ay nakita niya si Candice papalapit sa ex nito.Lantaran nitong pinakita sa kanya ang sweetness nito sa binata,na OBYUSLEH nag-eenjoy naman.Malaking ngiti ang nakabalandra sa mga labi ng bruha at pinagseselos siya.Iniwas niya ulit ang tingin,ayaw niyang tingnan ang mga ito sa ganoong eksena.Aaminin niya sa sarili na nagseselos siya at nagtagumpay itong gawin yon sa kanya.

Nahulog siya sa isang malalim na pag-iisip na siguro nga ay hindi naman talaga ito seryoso sa kanya gaya ng iniisip niya.Pero dumating sa kanya ang isang realisasyong mahal na pala niya ito.Basta,wala siyang alam na sagot kung bakit.Ang alam lang niya ay ito ang itinitibok nang puso niya,ang sinisigaw.She thought that Chase still love that damn Candice.Napag-alaman niya rin kasing ito ang pinakamatagal nitong naging karelasyon.Masakit mang isipin pero siya ang tipong babae na kapag may ibang gusto ang gusto niya ay di na niya ito pakikialaman dito.She is just coward to tell her true feelings.

Akala siguro nitong wala siyang seryosong nararamdaman dito,na it was just plain crush.Noong nagkakausap pa sila nito ay di siya gaanong nagsasalita,magaling lang siya sa text.Pero pag kaharap na ang binata ay di niya alam kung ano ang iku-kuwento dito,awtomatikong umuurong lang ang kanyang dila.She thinks that that`s the reason why he thought she`s an ice queen.Iniisip nitong suplada siya,which is not true.Hindi lang talaga siya eksperto sa pakikitungo sa mga tao.

DAYS,turned into weeks,then turned into months,at malapit na ring mag-iisang taon..

Napagod siya sa kakahintay ng muli nitong pagpaparamdam sa kanya.Pero ni kalingkingan niya ay di nito nahawakan pang muli.Natatakot siyang lapitan ito,dahil baka sumbatan siya nito kung bakit naging ganoon sila sa isa`t isa.Nasasaktan rin siya kapag may iba itong kasamang babae.Lalo pang nadagdagan ang nakadagan sa dibdib niya ng inamin ni Bea sa kanya na marami din daw ang di gusto sa kanya na makatuluyan si Chase.Parang hindi daw siya aabot sa level nito.

Sobrang nalungkot siya na kahit matagal-tagal na rin siya sa nilipatang skul ay di pa siya lubos na tanggap ng mga ito.Siguro ay dahil din sa katotohanang hindi sila mayaman.Ang baba ng tingin ng mga ito sa kaniya.Nakisimpatya naman si Bea sa kanya pero hindi sapat ang pagdamay nito para mawala ang hapdi at kirot sa kanyang puso.


“Anika!Hello?!Earth calling Anika!!” untag sa kanya ni Sara nang makitang siyang nakatitig kay Chase sa malayo.

Tumingin siya dito nang marahan siyang niyugyog nito sa balikat.

“Hayy,salamat naman at nakabalik ka na galing sa outerspace no!” wika nito.Kaharap niya si Bea at Sara at nag-uusap sila ng mga ito sa isang bench sa campus garden nang makita niya si Chase.

Hindi muna siya umimik.Panay lang ang buga niya ng hangin.
“Aminin mo nga samin?Mahal mo na si Chase no?” aniya naman ni Bea.

Pinagmasdan niya lang ito at marahang tumango.
“Nakuu,sinasabi ko na nga ba eh.Napansin ko na yan noon pa” sabi naman ni Sara habang nginunguya nito ang nabiling sandwich.

“Ganon ba ako ka-obvious?” wala sa sariling tanong niya sa mga ito.

Ginagap ni Bea ang mga kamay niyang nakapatong sa hita. “Gurl,action speaks louder than words nga daw diba?And napatunayan mo nga yon sa min”

“Yup,tama si Bea.Kitang-kita namin sa mga mata mo na inlab ka jan kay Chase eh.Hindi mo lang sinasabi pero nararamdaman namin yun.Alam namin kung paano mainlab ang isang tao kahit pa nga sabihin nilang mga bata pa tayo,lalo na pag babae.Naramdaman ko na yan Anika” nilunok muna nito ang kinakaing sandwich saka ulit nagsalita..

“Ewan ko ba kung bakit ang aga-aga ma-inlove ng mga kabataan ngayon” dugtong pa nito.

“Oo nga no?Bonggang-bongga true!” wika naman ni Bea.Nakikinig lang siya sa mga ito at tinitingnan ulit si Chase na masayang nakikipag-kwentuhan kina Kirk at Joe.

“Alam mo Girl,gusto ka sana namin para kay Chase dahil sigurado kaming kaya mo siyang pasayahin.Pero may sasabihin ako sayo,wag kang mabibigla ha?Uhm..nililigawan na niya ngayon si Sandy eh” malungkot na wika ni Bea sa huling tinuran

Bigla ay lumipad ang tingin niya dito na naluluha. “S-sandy?”

“Yup,yung klasmeyt nang kapatid mo” aniya naman ni Sara.

Hindi na niya napigilang bumulalas ng iyak.Itinakip niya ang mga palad sa mukha.Tinabihan naman siya ng mga kaibigan at pilit patigilin sa paghikbi.Ang sakit sakit ng loob niya,may iba na pala itong pinopormahan at siya naman ay panay ang hintay dito.Para siyang pinagsakluban ng langit dahil doon.Feeling niya ay siya na ang pinaka-estupidang babae sa balat ng lupa.Kung bakit kasi hindi niya pinahaba pa ang pasensiya sa paghihintay dito na ligawan siya ng personal.Tuloy nakakita na ito ng iba.

“Hay naku.Kung bakit ko pa kasi sinabi sayo eh” guilty`ng wika ni Bea.Hinimas ng hinimas nito ang likod niya.

“Sige Anika.Iiyak mo lang yan.Masarap magmahal pero kakambal din nito ang labis na sakit kapag ika`y nasaktan” malungkot namang turan ni Sara,dahil gaya ng sinabi nito kanina.Naranasan na rin nitong magmahal at masaktan sa huli.

Si Anika ay di pa rin matigil sa pag-iyak.Parang gusto niyang kumuha ng pala at ituon yun sa dibdib niya.Huhukayin niya ang kirot na nakabaon sa dibdib niya.Kung pwede lang na gawin niya yon,sana kanina pa.

No comments:

Post a Comment