Thursday, March 19, 2009

WAIT FOR YOU [2] CH 5

WAIT FOR YOU [2] CH 5


ILANG BUWAN na rin simula nung maging sila ni Vince.Napagisip-isip niya na tuluyan nang kalimutan si Chase.Tutal napamahal na rin sa kanya si Vince,iyon ang sa tingin niya.

Gusto niyang kasama si Vince,masarap kausap.Sigurado na siya nararamdaman niya.Unti-unti na siyang nakamove-on at dahan-dahan ring pumalit ito sa puso niya.Pinupunan siya nito ng pagmamahal na ni minsan hindi niya dinanas mula kay Chase.

`Tsk.Bakit ko ba sila pinagkokompara?Anika,boyfriend mo na si Vince kaya siya lang ang dapat isipin mo.`

Pilit niyang winawaksi sa isip ang pangalang Chase at kung ano-ano pa na nag-uugnay dito.Masisisi mo ba siya,na nasa isang restaurant siya at hinihintay ang nobyo kaya wala siyang ibang magawa kundi ang mag-isip.Ganoon kasi ang habit niya,pag walang magawa,nag-iisip.Kadalasan,ganun naman talaga ang mga tao,diba?

Kanina pa siya nag-aabang kung kailan dadating ang nobyo.Nagtaka siya dahil ngayon lang ito na-late sa usapan nila.Magkasama sila sa iisang bahay,pero may mga iba itong ginagawa kaya minsan di sila nagsasabay.


Itinaas niya ang bisig at tiningnan ang relo.Mga 30 minutes na rin at kanina pa nag-iinit ang pang-upo niya.

“Asan ka na ba Vince?” inis niyang wika.

Nang itaas niya ang paningin ay sa wakas nakahinga ng maluwag ng mamataan ito papasok sa sliding door ng resto.Nagmamadali itong lumapit sa kanya at pinagmasdan na wari nagpapaumanhin.Nakangalumbaba lang siyang pinukol ito ng masamang tingin.

“Babe,I`m sorry.Meron kasi akong dapat asikasuhin e.Pasensiya na talaga” umupo ito kaharap siya.

Itinaas niya ang kilay at di pa rin nagsasalita.Kapag ganoon siya ay natataranta ang nobyo niya.Nagtaka siya nang hindi man lang ito kinabahan or something.Mukhang masaya pa nga eh.

“Order muna tayo.Waiter!” tawag nito sa taong nasa gilid.

Kumakain na sila at umuusok na ang ilong niya nang hindi pa rin nagsasalita ang nobyo.

`Argh.Hoy pansinin mo naman ako,tingnan mo magagalit na ako o?` kinausap nalang niya ng mahina ang sarili.

Nagdadabog-dabog na siya at bumubulong-bulong,pero hindi pa rin siya nito pinansin.Abala ito sa pagkain ng pasta,ang plato naman niya ay parang hindi man lang nabawasan.

Inangat nito ang tingin at kumunot ang noo nang makita ang plato niyang marami pang laman.

“O,bakit di ka kumain?”

Hindi siya umimik.Bahala nang mapanis ang laway niya.Gusto niyang ipakita rito na naiinis na talaga siya at nag-iinit na ang bumbunan niya.

Ginagap nito ang kamay ng dalaga.

“I`m sorry okey.Ang totoo meron akong sorpresa para sayo kaya medyo natagalan ako.Geh na,wag kana magtampo” nakangiti nitong amin at hinawakan ang baba niya.

Pinalis niya ang kamay nito.

“Eto naman nagtampo.Uy,ngingiti na yan” tukso nito.

Pinipigilan niya ang tumawa.Nilalambing talaga nila ang isa`t isa pag galit o nagtatampo.

“Sige ka ngayon.Iki-kiss kita rito,gusto mo yon?Ang dami pa namang tao.” Tukso ulit nito.

Ayaw niyang mangyari yon,may pagka-conservative kaya sa no?Napilitan niya ang sarili na ibuka ang bibig.

“Naman kasi!” hinampas niya ito sa braso na ikinatawa lang nito.

Dumagundong ang dibdib niya ng sumeryoso ang mukha nito.

“Bakit?” tanong ni Anika dito.

“Diba nasabi ko sa`yo na may wish ako na sana makita ko na ang happiness,and finally dumating na.At ikaw yon Anika,kaya di na kita pakakawalan pa”

Lumapit ito sa tabi niya at lumuhod.Kumunot ang noo niya at mas nadagdagan ang mga daga sa loob niya.May hinugot ito sa bulsa at bumulaga sa kanya ang asul na kahita.

Binuksan nito iyon at nalantad ang kumikinang na singsing na tinatamaan ng ilaw ng chandelier sa loob ng resto.
Napasinghap siya ng sinabi nitong “Will You Marry Me Miss Anika Gonzales?”

Naluha siya at tumango.Wala itong pakialam sa mundo nang sumigaw ito sa saya.

Nagyakapan sila doon.Ang mga taong kasama sa loob ng lugar ay napalakpak nila sa tuwa dahil sa eksenang iyon.

“Oh,Vince.I never expected the whole thing.Kaya pala..” umiiyak siyang sinuntok ito.

Umiwas ito at niyakap siya ulit,ang isang kamay nito ay nasa bewang niya at ang isa ay nasa likod ng ulo niya.

“Anika.I am so happy.I love you very much” saka siya nito dinampian ng halik sa noo.

UMUWI silang nakangiti.Nang umibis sila ng sasakyan ay naghawak kamay sila.Papasok na sila ng gate ng may mahagip ang kanyang mata.Pinauna muna niya sa loob ang nobyo at nagpaalam na may titingnan lang sandali.

Tiningnan niya ulit ang pamilyar na pamilyar sa kanyang bulto ng katawan.Sinipat niya iyong mabuti.Bahagya siyang napaatras ng ibaling ang paningin nito sa direksyon niya.
Nang mamukhaan ay bumilis ang tibok ng puso niya.Kinusot niya ang mata at baka nananaginip lang siya.Kinurot niya ang sarili pero nasaktan lang siya dahil totoo lahat yun.Hinabol niya ang hininga nang lumapit ito.

“Anika” lumabas sa bibig nito ang tinig na minsan ay ayaw na niyang marinig pa.

“C-Chase?Anong ginagawa mo dito sa Singapore?”

“Sinundan kita.God knows how much I missed you Nikx” parang may kung anong humaplos sa puso niya ng banggitin nito ang palayaw niya.Eto lang ang tumatawag sa kanya ng ganoon.

“Sinundan?Pero bakit?” nagugulumihanang tanong niya.

Mas lumapit ito sa kanya at kitang-kita niya ang mukha nito na natamaan sa ilaw ng poste.Wala pa ring nagbago sa itsura nito.Ito pa rin ang Chase na nagpapakaba sa kanya ng ganoon katindi.Ginagap nito ang kamay niya.Natataranta siya at panaka-nakang tumitingin sa loob ng bahay at baka maabutan sila ng nobyo niya.

“Bitiwan mo ako!” pabulong ngunit mariin ang pagkasabi niya.

“Anika,makinig ka muna sakin.I just want to say sorry.I never meant to crush your world.Patawarin mo ako sa lahat-lahat ng sakit na naidulot ko sayo.Nawala lang ang atensyon ko sayo nang makipag-balikan si Nadine sa`kin,ang laki kong tanga nung hindi ko man lang napansin na nasasaktan ka na pala.I`m so sorry.Please forgive me?” nagmamakaawa nitong sabi.

Huminga siya ng malalim.Bahagyang itinaas ang baba at ang isang kilay.

“For what?Para saktan ulit ako?Lokohin ulit ako?Ang kapal ng mukha mo para magpakita pa sakin.But don`t worry Chase,dahil hindi na ako ang Anika na nakilala mo noon.Na nagtatanga-tangahan,na nagpapaloko,at nagkakandarapa sayo.Hinding-hindi na ako maniniwala sayo!”

“Anika,pupunta ba ako dito para lang diyan?Ang babaw ko naman kung ganoon.Pero fine,aalis ako kapag napatawad mo na ako.Para matahimik na ang konsensya ko”

Natigilan siya.Tama ito.Mag-aaksaya ba ito ng panahon para lang pumunta dito at humingi ng tawad sa kanya?Hindi niya kayang tiisin ito.

Lumambot ang anyo niya “Okay.Your forgiven kaya umalis ka na”

Napayuko ito at bumuntung-hininga.Hindi pa ito kuntento sa sinabi niya.Ang akala ni Chase na sasalubungin siya nito ng yakap man lang.Pero nadismaya siya ng makita itong masaya habang kasama si Vince.Siguro nga ay wala na itong nararamdaman para sa kanya.Ang sakit-sakit ng kalooban niya at isigaw sa buong mundo na napakalaki niyang tanga.Pinakawalan niya ang isang tulad ni Anika na siya palang magpapasaya sa kanya.
Nakapagdesisyon si Chase na sabihin muna dito ang nasasaloob niya.

“Bago ako umalis may ipagtatapat lang ako”

Lumabas ang mga guhit sa kanyang noo “Ano yun?”

Tinitigan siya nito ng mariin.Wala pa ring kapantay ang mga mata nitong kapag tumingin sa kanya`y parang kinukuha ang lakas niya.

“Mahal na mahal kita Anika.Simula nung umalis ka.Na-realize ko na ikaw pala ang totoong magpapasaya sa akin.Nakipaghiwalay ako kay Nadine nang malaman kong dalawa kaming lalaking pinagsabay niya.Akala ko,totoo ang pagmamahal niya sakin.Napakalaki kong tanga dahil di ko pinahalagahan ang pag-ibig mo.”

Umiyak lang siya sa ipinagtapat ni Chase.Yun na yata ang pinakahihintay niyang kataga na magmumula mismo sa bibig nito.Pero hindi na tama na mahalin pa ito.Magpapakasal na sila ni Vince.Napamahal na rin ito sa kanya kaya mas lalong gumulo ang lahat.Yes,she admitted to herself that she`s still madly inlove with Chase.Ngunit mapagbiro ang pagkakataon,ngayon pa na may Vince na siya.At hindi niya ito kayang saktan,may pagmamahal siya dito pero hindi katulad nang kay Chase.

Pinilit niya ang sarili na patigasin ang boses “I`m sorry but I have my commitment now with Vince.Mahal ko siya and we`re getting married soon.Kaya pwede ba,umalis ka na lang.Paumanhin,dahil hindi ko na kayang tanggapin pa ang pag-ibig mo” hindi niya maiwasang pumiyok dahil sa pagsisinungaling.

Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na huwag itong yakapin at halikan.Na-miss niya ito ng sobra,pero hindi pwede.Kaya pinilit niya ang sariling maging manhid na sa harapan nito.Magpanggap sa harap nito,na hindi na niya ito mahal.But her heart wants him so badly.Si Chase lang ang sinisigaw ng damdamin niya.She kept it to herself,dahil ayaw niyang madagdagan ang sakit na dinadala ni Vince.Iniwan ito ng ama,ng ina,ni Mae,at ayaw niyang sumunod sa mga yapak nito.

Muntikan na siyang bumigay ng makita itong umiiyak.Siya ang mas lalong nasasaktan kapag nakikita itong nahihirapan.

“Goodbye Anika.Pero wag na wag mong kalimutan na mahal na mahal kita” kitang kita ni Anika ang bumalong na lungkot sa mga mata nito.Parang nadagdagan na naman ang sakit ang basag na niyang puso.

Umiiyak pa rin ito at tumalikod na.Doon na niya pina-alpas ang mga luhang kanina pa nagbabantang tumulo.Pinagmasdan niya ang pinakamamahal niya habang naglalakad ito papalayo.Gusto niya itong sugurin at yakapin ng mahigpit.

Dagli na siyang pumasok sa loob.Baka ano pa ang gawin niya at maihakbang niya ang mga paa patungo sa lalakeng totoong minahal niya buong buhay niya.

Tumakbo siya papasok sa kanyang kwarto.Doon siya umiyak ng umiyak.Si Chase lang ang lalaking pinangarap niya,ngunit paano na si Vince?Nang sinabi ni Chase na mahal siya nito ay parang lumambot ang tuhod niya,pero lalambot kaya ang tuhod niya pag maikasal na siya kay Vince?Hindi niya kaya,pero pipilitin niya.

Ang dami niyang tanong sa isip at naghahanap na ng kasagutan.

`Chase,ba`t ngayon pa?`

No comments:

Post a Comment