Monday, August 17, 2009

SANA`Y AKO NA LANG.

SANA`Y AKO NA LANGSimula pa noon ay naging matalik na magkakaibigan na sina Arkin,Chi,at Jefferson. Hindi biro ang pinagsamahan ng tatlo kung kaya`t ganoon na lang ang tibay ng kanilang samahan. Ngunit nanganganib yung mabuwag nang dahil lang sa pag-ibig.Will they let love rule over them or just let it slipped away?CHAPTER 1:Panay ang ngiti ni Chi habang nakaupo sa isang malaking bato sa tapat ng kanilang bahay, at para bang isang di mapalagay na kiti-kiti. Nangunot ang noo ni Jefferson o Jepot sa mga malalapit na kaibigan, nang makita ang una na panay ang hagikgik. Unti-unti ay lumapit siya sa likod ni Chi at ..“Bang!” sundot ni Jepot sa pisngi ng kaibigan nang lumingon ito nang mapansing merong ibang tao.“Panira ka naman eh! Nagmo-moment yung tao tapos bigla ka nalang ..” nguso ni Chi.“Eh,ano ba kasing nangyayari sayo? Para kang sinapian nang kiti-kiti diyan ah?” taas-kilay naming sabi ng kaharap.“Sekretong malupet!” sabay tawa ni Chi. “Halika na nga, kanina pa ako naghihintay sa`yo ah, male-late na tayo oh?” dugtong nito at tumingin sa relong pambisig.Nagkamot-ulo naman ang binata, at luminga-linga. “Asan na ba kasi si Arkin?”“Oh,ayan na pala eh” turo ni Chi sa paparating na si Arkin.“Tara,guys!” sabi nito,at nagsimula nang maglakad patungo sa school nila. Sumunod naman ang dalawa. Mga ilang metro lang kasi ang layo niyon kaya mas pinili nalang nilang maglakad para makatipid sa pamasahe. Araw-araw nilang ginagawa yun kung hindi man umuulan. Sila na talaga ang parating magkasama. Magkaibigan na kasi sila at magkapitbahay simula pa noong elementarya. Kahit nga mga magulang nila`y malalapit rin sa isa`t isa. Kilalang-kilala na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa. At ngayon nga`y nasa highshool na sila. Si Chi ay third year at sina Arkin at Jepot naman ay parehong nasa fourth year sa pinapasukang paaralan.“Ah,Chi!” tawag ni Arkin nang magkahiwa-hiwalay na silang tatlo para pumasok sa kanilang room. Bigla ay lumapit uli ang binata sa kaibigan.“Pahiram muna ng ballpen oh,nawala nga pala kasi yung sakin eh. Hindi pa ako nakakabili ulit. Isasauli ko mamaya,pramis” nakataas-kamay pa ang isang kamay nito tanda ng panunumpa.Ngumisi si Chi “Ikaw naman,kahit di mo na isauli. Para namang hindi tayo magkaibigan niyan eh” tapos ay kinuha nito ang bolpen sa bulsa ng sariling bag at iniabot agad iyon sa kaharap.Ngayon lang nakakita si Jepot ng ganoong klaseng ngiti mula kay Chi. Pati mga mata nito ay palaging nakangiti na para nang walang bukas. Blooming? Hmm, hindi nalang niya binigyang pansin iyon at sakto namang nag-ring ang bell kaya nagmadali na ang tatlo patungo sa kani-kanilang silid-aralan.



Nagkatinginan sina Tammy at Mika, at panay ang kunot ng noo , mga kaklase ni Chi. Kanina pa kasi palaging ngumingiting mag-isa ang huli kung kaya`t ganoon nalang ang reaksyon ng dalawa. Tinabihan siya ng dalawa, recess nung mga oras na iyon kaya libre silang makipag-tsismisan.

“Tsk tsk. Delikado na `tong isang `to.” Sabi ni Mika.

“Oo nga! May sira na atang ulo nito eh” nakatawa naming dugtong ni Tammy.

Bigla ay napalingon si Chi sa dalawa at bahagyang napasimangot.

“Alam mo Chi,baka hindi mo lang napapansin ah? Pero para ka nang luka-luka diyan” si Mika. “Ano ba kasing ini-ngisi-ngisi mo diyan?”

Tumungo ang dalaga na para bang nahihiya. “Alam niyo kasi girls, parang .. parang inlab na yata ako eh”

Napamulagat ang dalawa at niyugyog ang balikat niya “ Kanino? Sabihin mo na sa`min dali!” sabay pa nitong sabi.

Ibinulong naman iyon ni Chi sa mga ito at lumaki ang mga mata nito pagkatapos. Sumenyas ang una na huwag iyong ibanggit sa iba.

“Eh pero paano iyon. Diba matagal na kayong magkaibigan?” si Tammy.



KANINA pa nagpabaling-baling si Chi sa kanyang higaan. Hindi pa rin matanggal sa isipan niya ang sinabi sa kanya ni Tammy. Kung hindi lang sana hadlang ang pagkakaibigan, disin sana`y matagal na niya iyong sinabi sa itinatangi. Hindi niya alam kung saan o kung paano. Basta isang araw, pag-gising niya`y naramdaman nalang niya ang hindi maipaliwanag na saya. Bigla nalang itong mas lalong gumwapo sa paningin niya, na ang sa totoo`y para namang walang nagbago dito. Kumpleto na ang araw niya, masilayan lang ang binata. Noong una`y, palagi niyang itinatanggi sa sarili na isang paghanga lang ang kanyang naramdaman, pero nitong mga huling araw ay tanggap na niyang isa iyong pag-ibig. Ang kanyang unang pag-ibig.


Matagal na silang magkaibigan ni Arkin pero ayaw niyang masira iyon kung saali mang wala itong pagtangi para sa kanya. Tiyak,magugulo ang sitwasyon. Tapos aabot pa sa puntong magkaka-ilangan sila, tapos malalayo ang loob sa isa`t isa. Tapos .. Ah! Ang daming tanong na sumulpot sa utak niya. Kinuha nalang niya ang librong nasa side table at binasa iyon para makatulog. Ngunit hindi pa rin siya dinadalaw ng antok.

Lumabas siya ng kwarto at tumungo sa kusina para ipagtimpla ang sarili ng gatas. Ganoon talaga siya kapag hindi nakakatulog. Iinumin na sana niya ang gatas ng makarinig ng kaluskos sa labas ng kanilang bahay. Pagsilip niya sa bintana ay may kung anong anino na naglalakad dahilan para siya`y kabahan. Pero biglang naglaho iyon at may kung anong bagay ang bumagsak.

Dagli siyang lumabas ng bahay para tingnan kung ano iyong nakita niya. Sigurado siyang malapit lang sa bahay nila naglaho ang anino. Pinagpapawisan siya habang mahinang binuksan ang gate. Madilim-dilim sa labas kaya wala siyang nakita at huminga nang malalim. Baka guni-guni lang niya iyon. Papasok na sana siya nang may kung anong bagay ang pumulupot sa paa niya. Ibubuka na niya ang bibig ngunit natigil nang makitang meron nga palang tao. Sigurado siyang lasing ito dahil sa amoy palang nito.

Nang mapagsino iyon ay ganoon na lang ang kanyang pagtataka. Si Arkin. Hindi nito ugali ang uminom. Sigurado siyang may problema ito, pero hindi nito sinasabi sa kanila. Masayang-masaya pa nga ito ng makita niya sa eskwelahan. Pero ano ito ngayon?
Tumingin siya sa loob ng kanilang bahay. Nahihimbing sa pagtulog ang mga taong naroon. Napabuga siya ng hangin. Mukhang dadalhin pa niyang mag-isa ang mokong. Tinapik niya ang pisngi nito.

“Arkin. Hoy! Gumising ka nga diyan. Naman oh, di mo pa ata kilala kung anong kama eh”

Umungol lang ito. “Patay” kagat-labi ni Chi.


SHE was fond of gazing him. Habang dinadampi niya ang basang bimpo sa mukha nito`y hindi niya mapigilang damhin iyon, na para bang inukit iyon ng isang napakagaling na iskultor. Bumaba ang kamay niya sa maninipis na labi nito.

“Isa lang pramis” bulong ni Chi. Lumunok muna siya at dahan-dahang inilapit ang mukha dito. Binigyan niya nang mabilis na halik ang labi nito. Ngumiti siya pagkatapos. Naalimpungatan si Arkin at umungol ito. Bumukas ang mga mata nito at nakita siya. Matinding kaba ang naramdaman ng dalaga, kinabig siya ni Arkin at ikinulong ang mukha niya sa mga maiinit na kamay nito. Ngumiti ito kay Chi, at ..

Hindi niya maipaliwanag ang sensasyong dulot ng halik na iyon. It was her official first kiss at kahit pa nga iyon ang pinaka-una`y sigurado siyang magaling talaga itong humali. Hindi niya alam kung sino ang bumitaw. Kahit hindi na magkadikit ang kanilang mga labi ay parang nanatili pa rin iyong nakadikit sa kanya. Ah. Ganiyan pala ang first kiss at masaya siyang ito ang unang nakahalik sa kanya. Walang pagsidlan ang kanyang saya.


Inangat ni Arkin ang isang kamay sa kanyang mukha. His eyes were half open. “Lexy,bakit?” parang hirap na hirap pa nitong sabi.


Para siyang binuhusan ng nagyeyelong tubig. Hinalikan siya nito pero iba pala ang nasa isip nito? At sino si Lexy? Wala siyang alam na may girlfriend ito sa ngayon,oo may mga nagugustuhan si Arkin pero ngayon lang niya ito nakita ng ganoon. Nasasaktan ito, siguro nga`y mahal na mahal nito iyon. Iniisip pa lang niya iyo`y para nang sinaksak ang puso niya.

Tumayo si Chi at humarap sa bintana. Doo`y pinalaya ang mga luha. Buti nalang at nakatulog ulit si Arkin. Hindi pa nga nagsisimula ang laban pero mukhang talo na siya.

SANA`Y AKO NA LANG

SANA`Y AKO NA LANG


Simula pa noon ay naging matalik na magkakaibigan na sina Arkin,Chi,at Jefferson. Hindi biro ang pinagsamahan ng tatlo kung kaya`t ganoon na lang ang tibay ng kanilang samahan. Ngunit nanganganib yung mabuwag nang dahil lang sa pag-ibig.

Will they let love rule over them or just let it slipped away?



CHAPTER 1:

Panay ang ngiti ni Chi habang nakaupo sa isang malaking bato sa tapat ng kanilang bahay, at para bang isang di mapalagay na kiti-kiti. Nangunot ang noo ni Jefferson o Jepot sa mga malalapit na kaibigan, nang makita ang una na panay ang hagikgik. Unti-unti ay lumapit siya sa likod ni Chi at ..

“Bang!” sundot ni Jepot sa pisngi ng kaibigan nang lumingon ito nang mapansing merong ibang tao.

“Panira ka naman eh! Nagmo-moment yung tao tapos bigla ka nalang ..” nguso ni Chi.

“Eh,ano ba kasing nangyayari sayo? Para kang sinapian nang kiti-kiti diyan ah?” taas-kilay naming sabi ng kaharap.

“Sekretong malupet!” sabay tawa ni Chi. “Halika na nga, kanina pa ako naghihintay sa`yo ah, male-late na tayo oh?” dugtong nito at tumingin sa relong pambisig.

Nagkamot-ulo naman ang binata, at luminga-linga. “Asan na ba kasi si Arkin?”

“Oh,ayan na pala eh” turo ni Chi sa paparating na si Arkin.

“Tara,guys!” sabi nito,at nagsimula nang maglakad patungo sa school nila. Sumunod naman ang dalawa. Mga ilang metro lang kasi ang layo niyon kaya mas pinili nalang nilang maglakad para makatipid sa pamasahe. Araw-araw nilang ginagawa yun kung hindi man umuulan. Sila na talaga ang parating magkasama. Magkaibigan na kasi sila at magkapitbahay simula pa noong elementarya. Kahit nga mga magulang nila`y malalapit rin sa isa`t isa. Kilalang-kilala na nila ang likaw ng bituka ng bawat isa. At ngayon nga`y nasa highshool na sila. Si Chi ay third year at sina Arkin at Jepot naman ay parehong nasa fourth year sa pinapasukang paaralan.



“Ah,Chi!” tawag ni Arkin nang magkahiwa-hiwalay na silang tatlo para pumasok sa kanilang room. Bigla ay lumapit uli ang binata sa kaibigan.
“Pahiram muna ng ballpen oh,nawala nga pala kasi yung sakin eh. Hindi pa ako nakakabili ulit. Isasauli ko mamaya,pramis” nakataas-kamay pa ang isang kamay nito tanda ng panunumpa.

Ngumisi si Chi “Ikaw naman,kahit di mo na isauli. Para namang hindi tayo magkaibigan niyan eh” tapos ay kinuha nito ang bolpen sa bulsa ng sariling bag at iniabot agad iyon sa kaharap.

Ngayon lang nakakita si Jepot ng ganoong klaseng ngiti mula kay Chi. Pati mga mata nito ay palaging nakangiti na para nang walang bukas. Blooming? Hmm, hindi nalang niya binigyang pansin iyon at sakto namang nag-ring ang bell kaya nagmadali na ang tatlo patungo sa kani-kanilang silid-aralan.

Monday, May 11, 2009

KO NO OCHIRU CH 3

KOI NO OCHIRU CHAPTER 3

SINUNDAN ni Ken ang papalayong babae. Naabutan niya itong umiiyak sa gilid ng kanyang kotse. Nilapitan niya ito at inabutan ng panyo. Nag-angat ito ng mukha at tila napahiya pa ito dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Siya na mismo ang nag-abot niyon sa kamay nito nang hindi man lang ito kumilos.

“A-arigatou” mahinhin nitong pasalamat.

“Doo-itashi-mashite” nakangiti namang ganti ni Ken.

“What happened?” dugtong niya.

Hindi siya sumagot bagkus ay sinipat muna niya ang kabuuan nito. She`s right. He`s one hell of a hunk at matangkad nga. And then she cleared her throat.

“I don`t talk to strangers” simpleng tugon niya.

Tiningnan siya nito na parang hindi makapaniwala. “Oh,I see. You don`t talk to strangers but you just kiss,right?” pinakita pa nito ang nakakalokong ngiti. Nag-init ang pisngi ng dalaga. Pinatatamaan siya nito. Naisahan siya dun ah?

Tumingin siya sa ibang direksyon. Naramdaman niya ang init ng katawan nito ng tabihan siya. Bahagya pa siyang napa-kislot. Hm, matindi ang dala nitong epekto sa sistema niya. Hindi niya maipaliwanag. Maybe because he`s something?

“Daijobu ?” tanong ulit nito.

“Shirimasen”

“Anong hindi mo alam?” usisa ulit nito.

“Basta. Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon” sabay pahid ulit sa mga luha niya.

Umungol lang ang binata. Bumuga ito ng hangin na siyang nagpalingon ng dalaga dito. Nakatingin ito sa kawalan. Mukhang tama siyang may lungkot din itong nadarama.

“He don`t love you?” mahinang tanong ng binata at isinandal ang likod sa gilid ng kotse.

Nangunot ang noo ni Hazel. Mukhang nabasa nito ang iniisip niya. Kahit hindi sila magkakakilala ay magaan ang loob niya sa estranghero. Gusto niyang mahingahan ng sama ng loob at ito lang ang kasama niya. Wala naman sigurong problema doon. Marahil ay narinig nito ang lahat ng pinag-usapan nila kanina ni Jeff.

Tumango siya at malungkot na ngumiti “Hindi ba ako maganda?” wala sa sariling naitanong iyon dito.

“Bulag lang ang magsasabing hindi. Wala sa`yo ang problema,nasa kanya. Marami ka pang makikitang mas karapat-dapat sa kanya. Huwag mo nang aksayahin ang oras sa isang katulad niya” pangongonsola nito.

“Alam mo, parehong pareho kayo ng bestfriend ko. Eh, ikaw? Napansin ko rin na malungkot ka ah?”

Napabuntung-hininga ito ng malalim “Uh-huh. Ikinasal na iyong taong mahal ko sa bestfriend ko”

“Oh!” bulalas ni Hazel.

“It`s hard I know. Eh di sana kinalimutan mo nalang siya. Ang lakas ng loob mong mag-advice sakin na maghanap na ng iba,eh ni ikaw nga hindi maibaling ang pagtingin sa iba” natatawa niyang sabi.

Bahagya rin itong napangiti sa sinabi niya. Oo,nga naman. Tama ang sinabi ni Hazel. Bakit sa mga kaibigan at kakilala niya`y nakakapag-advice siya, pero ang sarili niya`y hindi niya naaasikaso? Hindi lang talaga madaling kalimutan si Annie. Isa itong napaka-espesyal na babae.

“May point ka diyan!” si Ken.

Natawa ulit ang dalaga at natigil lang nang may naalala “T-teka. Ngayon ko lang napansin na nagtatalog ka ah?!” nanlaki ang mata nito.

Tumawa lang din ito.

“Wow, you`re so fluent” mangha nitong wika.

“Yeah. Dito kasi ako lumaki sa Pilipinas kaya ayun” amin niya.

“Oh, suteki!” napa-hapon ang dalaga dahil sa mangha.

Naputol lang ang tawanan nila nang mag-ring ang cellphone ng huli.

“What?! O-okay. I`m coming!” taranta nitong wika sa kabilang linya. Pagkatapos nitong magpaalam sa kausap ay hinarap siya.

“Uhm, I gotta go. I enjoyed your company. Thanks” nakangiti nitong wika.

Mabilis ang naging paghakbang ni Hazel palayo sa binata at nag-abang ng taxi. Naging mabilis din ang pagsakay nito sa sasakyan. Ni hindi na nga nito napansin ang pagkaway niya dahil sa pagmamadali nito.

PAUWI na siya ng may maalala. Umingit tuloy ang gulong ng kanyang Mercedes Benz dahil sa pabiglang diin niya sa preno. Naitampal niya ang sariling noo. Nawala sa isip niyang itanong doon sa babae ang pangalan nito.

Ang ipinagtataka lang niya`y hindi naman siya ganoon. Sa tuwing may makikitang babae,kahit gaano pa kaganda ay kung minsan hindi naman siya nag-aabalang magtanong pa. Sabagay,ang mga babae naman ang lumalapit sa kanya. And if they introduce themselves or,he don`t care that much.

Oo nga,ang babaeng iyon ang lumapit sa kanya pero sadyang nabighani siya dito kung kaya`t siguro`y ang pangalan nito ay nalimutan niyang itanong. Damn! He need to get to know that beautiful stranger.

“POP,are you okay now?” malambing na tanong ni Hazel sa ama. Nakaupo siya sa gilid ng kama nito at magkahawak-kamay. Tarantang-taranta talaga siya nang tumawag ang mama niya na inatake ito sa puso.

He nodded smiling. “Your pop is so much fine now,Iha. Look! I`m strong” nakatawa pa nitong wika. Nag-posing pa itong parang isang body-builder.

She laughed. Pero hindi pa rin maalis-alis sa kanya ang pag-aalala. Mild heart attack lang daw iyon sabi ng kanilang family doctor nang makausap niya ito kanina. But that couldn`t stop her from being paranoid,well in a good way. Baka kasi maulit na naman iyon at ayaw niyang mangyari iyon.

“Yup,I know pop. But you need to be more stronger. Ayaw mo niyon? Mag-exercise ka kasi,tapos panay pa ang kain niyo ng matataba. Ayan tuloy. Ha? You could do jogging outside every morning para na rin maarawan ka. Hindi ka na lumalabas ng bahay eh” si Hazel.

“Labas ng bahay. Bakit pa? I just go outside when I have my work” malungkot nitong wika. Ilang araw na itong nananatili sa bahay. Nalugi ang kompanya nila kaya nagging matamlay na rin ito. Simula pa kasing hindi pa siya napanganak ay doon na ito nagtatrabaho. Pamana pa ito ng kanyang grandparents niya kaya ganoon na lang ang panghihinayang nito . Sinisisi nito ang sarili dahil doon na sa tingin naman niya`y hindi dapat. His father loves his work. He puts dedication on it everytime.

Naapektuhan lang talaga ang kompanya nila at naisara ito nang ganun ganun lang dahil sa global recession. Hindi nakayanan pa ng magulang niya ang pagpapatakbo sa negosyo nila na nag-eexport ng furnitures patungo sa iba`t ibang panig ng kontinente. Sa China,Singapore,Korea,Japan at iba pa. Pero nag-back out ang mga dealers at buyers nang magsimula ang recession. Lumipat na rin sila sa mas maliit na bahay.

Kung kaya`t ngayon ay nahihiya na itong lumabas ng bahay. Hindi ito makapaniwalang nagging pabaya ito sa negosyo nila. Pero taliwas iyon sa iniisi niya. Kilala niya ang ama at hindi nito ugali ang ganoon.

“Work” si Hazel at pina-ikot ang eyeballs. “Pop,you don`t have a work now but it doesn`t mean that you have to stay here. Dito sa apat na sulok ng bahay. Dito sa loob ng kwarto. Your life doesn`t end here. We can put up a small business and i`m trying to find work. So don`t worry okay?” pangungumbinsi niya.

Umiling ito. Ibig sabihin lang ay tutol ito sa pagtatrabaho niya. Kung maari ay hindi siya nito papayagan. Mahal na mahal kasi siya nito at nasanay na rin siyang mamuhay nang maginhawa, walang iniisip na problema,kung baga buhay prinsesa.

She sighed. Kahit naman happy go lucky siya ay open minded naman siya. Kung ganito na ang pamumuhay nila`y kailangan niyang magsikap. Hindi habambuhay na aasa siya sa iba. Sa mga magulang. Noon pa man ay gusto na rin niyang maging independent pero ang papa lang niya ang hadlang. Gusto nitong manatili lang siya sa bahay. Walang inaatupag na trabaho. Dahil nga daw sa meron namang trabaho ang papa niya. Eh ano ngayon? Kaya hindi pwedeng tatanga siya at sitting pretty lang. Kailangan niyang kumilos.

“Oo nga naman Ben. Imbes na magmukmok ay kumilos ka. Mas ngayon natin kailangang magsikap lalo pa`t wala na ang kompanya natin” sita ng kanyang mama pagpasok nito sa kwarto. Dala dala nito ang isang mangkok na may lamang umuusok pang sopas. Umupo rin ito sa kabilang gilid ng kama.

Natigil saglit si Ben at malalim ang naging paghinga. “Well, I guess your right” ang nasabi nalang nito.

Napaisip si Hazel. Bukas na bukas din ay maghahanap na siya ng trabaho. Nae-excite rin siya sa gagawin. Sana naman ay suwertehin siya dahil kating-kati na siyang may ginagawa. Kahit pa tutol ang kanyang ama, siya ang masusunod this time.

Tuesday, May 5, 2009

To my fellow tagalog pocketbook lovers.

Nakita ko ang site na ito. Just want to share. It`s quite a new forum though.You can share your stories,who knows? Makilala kayo diber? :)

http://frnovel.forumotion.net/forum.htm

AND visit this too:
http://tagalogonlinepocketbook.com/bago-ka/

KONNICHIWA MINA-SAN :)

I`ve been very busy these days. So,i update my blog very often too. But i`m still working and thinking what to do next for my novels. Ugh,my brain is densed you may say. I have lots of thinking to do to continue the stories. And well,honestly i sometimes get bored to write stuffs related to doing novels,that`s why sometimes i hate it. It`s not good to write if your tired. NAKAKA-WALANG GANA * xDD . really,but since i miss it,yea i`ll continue it now.

ONGOING:
Koi No Ochiru
Alipin

I hope my blog and TOP readers can have more patience,teehee. Ok,for now i`ll leave you a nice and inspiring quotes. Ah,really love it. It lifts and cheers me up when reading this. It`s quite short though but meaningful. I am a dreamer and so many things that i want to do in life so this fits my thoughts. :)


*Oh,this was given by my chatmate. Thanks psadz btw! *smooch .


Go confidently in the direction of your dreams. Live the life you have imagined. - henry david thoreau

"In order to succeed, your desire for success should be greater than your fear of failure."

NICE!

miss you guys.
SHOUTOUT TO MY GURLS:
Precious,Sweet,Mitch,Jane,Princess,and Jo. ~BAX rox!

Wednesday, April 8, 2009

KOI NO OCHIRU CH 2

KOI NO OCHIRU CHAPTER 2


HINDI na napigil pa ni Aki ang kaibigan sa pagpunta niya sa bar kung saan naroroon daw si Jeff kasama si Stacey. Hindi naman ito tutol sa pagka-loka niya sa binata ngunit ito na rin mismo ang nagsabing tigilan na niya ang kahibangan. Kung anu-ano kasi ang ginagawa niya para maging sablay ang panliligaw ni Jeff sa mga nagugustuhan na lingid sa kaalaman nito.

Aki and Hazel we`re bestfriends since high school kaya alam nito ang pagka-gusto niya kay Jeff. Halos mawala ang itim na parte ng eyeballs ni Aki nang itirik sa kisame ang mga mata nito. Sinabi niya ditong pupuntahan niya ang binata sa Grecko`s bar kung saan ito makikita. Noong una ay kinukunsinti lang siya ng kaibigan ngunit nang maglaon ay nawalan na rin ito ng pasensiya sa mga ginagawa niya at sa patuloy na pag-asang iibigin rin siya ni Jeff.

Palagi siya nitong inaabisuhang maghanap na ng ibang magugustuhang. Tutal, naman daw ay maganda siya. Mas lalo siyang naging kaakit-akit ngayong dalagang-dalaga na siya. Ang ganda niya`y pwede ipang-tapat sa mga models or she could pass to have the Miss Universe title. Gaya ng pinangako sa sarili ay magiging sopistikada siya para lang kay Jeff.

Marami na rin ang umakyat ng ligaw sa kanya ngunit si Jeff lang ang gusto niya. At sapat nang dahilang iyon kung bakit hanggang ngayon ay wala pa siyang nagiging boyfriend after three failed relationships.

NANG huminto sa isang bar ang sinasakyang taxi ay kaagad sinipat ni Hazel ang sarili sa salamin.

`Perfect!

Umibis na siya at mabilis na tumungo sa naturang gusali. Ni wala siyang pakialam nang mabangga ang isang matangkad na lalake. She had actually intended to say sorry but it slipped on her mind dahil sa pananabik na makita ang kababata.

Pagpasok niya`y maraming tao. Hindi na niya kailangan isa-isahin pa ang mga mukha nito para makita ang hinahanap. She immediately recognized the lateral profile of Jeff.

Nakakabighaning ngiti ang ibinungad niya rito.

“Hi Jeff!” bati niya rito.

Ngunit tila nabalewala ang pagpapa-cute niya rito nang wala itong kagana-ganang gumanti ng bati sa kanya nang malingunan siya. Naiirita na kasi ito sa kanya kung minsan dahil sa pangungulit. Para kasing siya na mismo ang nanliligaw dito.

Ha! Siya kaya si Hazel Montemayor. What you see is what you get. Iyon ang motto niya. At wala siyang inuurungan.

Subalit hindi siya na-discourage dahil nakakita siya ng pag-asa nang mabanaag sa mga mata nito ang paghanga sa kanya. Lalo pa`t nag-ayos talaga siya. Ngunit dagli din iyong nawala.

“Honey” malambing na wika ng babae na hindi niya napansing katabi pala nito. Marahil ay ito nga si Stacey. Maganda naman ang babae, pero tila mahinhin. Siguro ay dinala lang ng binata ito doon dahil makikisaya sa mga kabarkada. Doon lang din niya napansin ang napaka-ingay na mga kasama ng mga ito. Sa pagkaka-alam niya`y nagkaroon ang mga ito ng isang unofficial reunion.

Hinapit ni Jeff ang babae sa bewang at kinintalan ito ng mabilis na halik. Wari ay pinagseselos siya sa eksenang iyon. Hinampas ito ni Stacey sa braso.

“Ano ka ba,nakakahiya!” mahina nitong wika.

Napatiim-bagang si Hazel. Isang malutong na sampal ang ibinigay niya rito. Ngunit hindi nito ininda ang sakit na idinulot noon sa pisngi nito.

“What is your problem?” in his most calm voice.

She laughed sarcastically. “Problem? Ikaw! Wala ka bang pakialam sa nararamdaman ko?! Siguro nga tama si Aki, bakit ba kasi nagtitiyaga pa ako sa isang katulad mo?! Okay, kung ganoon. Makakakita naman ako ng ipapalit ko sa iyo agad , kung gusto mo pa ngayon na eh!” galit niyang bulalas.

“Talaga?” sa tinig nitong naghahamon.

“O-oo! Sige, pagtalikod ko sayo`y makakakita agad ako ng iba at hahalikan ko siya sa harap mo! Manood ka!” she confidently stated.

Tumalikod siya at pumikit. Hinga ng malalim. Kailangan niyang panindigan ang sinabi pero paano kung ang makaharap naman niya`y isang mataba, o pangit, o isang gurang?! Nyay! Wala nang atrasan ito.

Dahan-dahang niyang ibinuka ang mga mata. Sana naman ay pwedeng ipantapat kay Jeff ang kagwapuhan nito. Parang may kung anong invinsible pathway ang ginawa ng itaas para makita ang isang napaka-gwapong hapon. Diretso kasi ang paningin niya dito mula sa pagbukas ng kanyang mga mata, at parang ang mga tao`y nasa gilid lang ng pathway na iyon.


`Bingo!

Expressive ang mga mata ng binata na nalalambungan ng malalantik na pilik, makapal ang mga kilay na lalong nagbigay rito ng aura na suplado, matangos ang ilong, at mapupula ang mga labi na magkalapat. Noon ay ayaw niya sa mga lalakeng mapuputi, mas gusto niya ang tall,dark,and handsome. Ngunit nagbago iyon ng makita ang lalakeng ito. Alam niyang hapon ito, base na rin sa mga mata pero nang makalapit ay mukhang may iba pang lahi ito base sa features. Irish?

Damn! He was gorgeous. Walang pwedeng tumutol sa pronouncement na iyon. Kahit pa sigurong ipagtabi niya ito kay Jeff ay mapapahiya lang ang kababata.

`Pag sinusuwerte ka nga naman Hazel!

Magkasalubong ang kilay nito ng makita siyang nakangiti at palapit dito. Iniisip siguro nitong feeling close siya. Kapal ng mukha ang pinanlaban niya para panindigan ang sinabi kay Jeff.


No more words . She automatically drew her body close to his. Hinawakan niya ito sa batok. Mabuti na lang at nakaupo ito, dahil sigurado siyang matangkad ang binata. Wala siyang inaksayang oras at hinalikan ito. She hesitated at first to stop pero nawala sa isip niya iyon nang tumugon ito sa ginawang pag-halik niya. The kiss became torrid. He`s enjoying, she`s sure of it nang maramdaman ang marahang paghaplos nito sa kanyang likod. Muntikan na siyang mapaigtad dahil sa init na dala ng palad nito, kahit pa nga may suot siya ay parang tumatagos iyon sa balat niya.

Hindi niya alam kung sino ang unang bumitaw. They were breathless afterwards. Nagkasalubong ang kanilang mga paningin. Malamlam ang mga mata nito nang pinagmasdan iyon ni Hazel kahit pa nga hindi ganoong maliwanag ang lugar.

Was it lust? No! Ibang-iba ang kahulugan niyon doon sa nababanaag niya sa mga mata ng binata. Loneliness? Maybe. But why? Kahit ngayon pa lang niya nakita ito ay parang gusto niya itong damayan sa kung anuman ang naging problema nito. Hindi siya magdadalawang isip na tulungan ito. Though she have also seen admiration.

Nagtigil lang ang pagmumuni niya nang marahas siyang pinihit paharap ng kung sino man. And then the guy she just kissed came out of the picture. Hindi na niya ito napansin pa.

“You brat! Wha-What are you doing?!” sita ni Jeff na siyang nabungaran niya.

Pagalit din niyang binawi ang braso niyang hawak nito. Sinabayan pa niya ng pagtaas ng kilay.

“Ano?! Nakalimutan mo na bang sinabi ko sa`yo? Hm? Diba sabi ko sayong makakakita na ako ng kapalit mo? So, dapat wala ka ng pakialam sakin. And what is it now Jeff? Hindi ba, ito naman ang gusto mo?” taas noo niyang wika. Gusto niyang ipamukha rito na madali lang itong kalimutan.

Sumingkit ang mga mata ng una. “But not this way Hazel. I`m sorry okay. At alam mo bang nakakahiya iyong ginawa mo. Parang hindi ka nanggaling sa isang matinong pamilya!” halos pabulong ang pagkasabi nito sa huling tinuran.


Parang nag-flare pa ata ang ilong niya dahil sa sinabi nito. “How dare you?! Ibig mo bang sabihin na isa akong mababang uri ng babae?! At bakit ka nagagalit? Drop the act Jeff, because you`re not my brother! And please stop acting like one.” She said,teary eyed.

“No. It`s not what I meant! Oo, hindi mo ako tunay na kapatid pero itinuring na kitang kadugo. Zel, I hope it will not end this way.” Nagsusumamo nitong sabi.

Lumambot ang anyo ni Hazel pero hindi ang damdamin niya. Masyadong nasaktan nito ang pride niya. Aba`t may gana pa itong pagsalitaan siya ng ganoon? Tumaas ang gilid ng labi ng dalaga.

“Kapatid? The hell with that! Jeff, you knew what I am feeling towards you. Ano pa bang kulang sa`kin? Bakit di mo ako magustuhan?” garalgal na ang boses niya.

Ibubuka na sana ni Jeff ang bibig para magsalita pero inunahan niya ito.

“Huwag ka munang magpapakita sakin” at mabilis itong tinalikuran. Wala siyang pakialam kung makita man siya ng mga tao doon na parang isang ugly duckling. Nasira ang make-up niya dahil sa likidong dumadaloy mula sa kanyang mga mata.

It broke her heart when he said he treated her as a sister. Hindi ba pwedeng lumawig pa doon ang relasyon nila? Siguro nga ay hindi na pwede dahil hindi naman siya ang itinitibok ng puso nito. How could destiny be so cruel?

Tuesday, April 7, 2009

KOI NO OCHIRU

TEASER:

Kenichi is trying to move on from his love for Annie. Lalo pa`t ikinasal na ito sa kanyang matalik na kaibigan.

Pumunta siya sa isang bar upang uminom mag-isa. There he met Hazel. A gorgeous woman,whose kiss melted his knees. Yes,a stranger kissed him, still he enjoyed it. Pero kahit naguguluhan ay nag-enjoy siya sa ginawa nito.

Simula noong gabing iyon ay hindi na ito maiwaksi sa isipan niya. And he feels that he`s slowly falling inlove again.

Ang magandang estranghera na nga kaya ang babaeng nakalaan para sa kanya?


KOI NO OCHIRU CHAPTER 1

“MABUHAY ang bagong kasal!” sigaw ng mga taong nasa loob ng reception hall,kung saan idinaos ang kasiyahan pagkatapos ng pag-iisang dibdib nina Annie at Greg.

Pawang nakangiti ang lahat maliban kay Ken na nasa isang sulok lang nakamasid. Parehong malapit sa kanya ang bagong kasal. Even if he`s not smiling, doesn`t mean he`s not happy for the both of them.

Marahil ay napansin ni Max ang pananamlay niya. Isa rin ito sa mga kaibigan nila ni Greg. Siniko siya nito.

“Dude,aren`t you happy?” tanong nito at ibinalik ang tingin sa gawi ng bagong kasal. Kahit nagtataka sa ikinilos niya`y hindi pa rin maitatagong masaya ito para sa kaibigang bagong mag-asawa.

Inilapit ni Ken sa bibig ang hawak na kopita at sinimsim ang laman niyon.

“Ano bang klaseng tanong iyan? Syempre masaya” mahinahon niyang wika. Totoo iyon. Masaya siya but at the same time, malungkot.

Since the first time he held his eyes on Annie, nagkagusto na siya rito. Then he realized that he`s slowly falling inlove with her. Iyon nga lang ay naunahan siya. Worst,sa bestfriend pa niya ito na-inlove.

Max chuckled . “Wala lang. Kanina ka pa kasi tahimik. Dude, dapat magsaya tayo pero bakit parang biyernes santo iyang itsura mo diyan ? Tsaka parang ang lalim ng iniisip mo ah?”

Wala itong kaalam-alam sa nararamdaman niya ng mga oras na iyon. All of his closest friends didn`t know about his love for Annie, especially Greg .Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila. Luckily,he was able to burst it out to her when Greg had an amnesia. Kahit man lang doon ay maging aware ito sa feelings niya. Though he assured her not to worry about it. He`s that type of man, that if he loves someone but can`t love him back, he`ll just keep it that way. Kapag may pagkakataon siyang sabihin ang nararamdaman ay gagawin niya. Ayaw niyang matulad sa iba na kapag nagmahal ay saka lang magkalakas-loob na ipaalam ang tunay na nasasaloob.

He let out a sigh “Nah. Medyo hindi lang kasi maganda ang pakiramdam ko” pagsisinungaling niya.

Max just shrugged .Ibinulsa nito ang isang kamay habang ang isa`y nakahawak sa kopitang may lamang wine. Inalis ni Ken ang tingin nang wala siyang marinig na salita mula rito. And then he looked out of the window. He shrinked his eyes. Nagkukulay kahel na ang langit. Malapit nang dumilim.

Naagaw lang ang atensyon niya nang may tumapik sa kanyang balikat. Si David ang nalingunan niya. Kanina lang ay nagsasaya ito malapit sa bagong kasal na hindi niya namalayang nakalapit na pala sa kanila ni Max.

Agad siyang inakbayan nito. “I still can`t believe it. Isa sa mga kaibigan natin ay ikinasal na!” pailing-iling nitong bulalas,nakangiti.

“Sino kayang susunod sa atin no?” tanong nito. Palingon-lingon sa kanilang dalawa ni Max. Humalakhak lang ang huli .

“Naku! Dude,wala iyan sa isip ko. Pass ako diyan” wika nito.

Kahit tatawa-tawa lang si Max ay nababanaag sa mga mata nito ang kalungkutan. May laman ang sinabi nito. Max never believed about marriage that involves two persons inlove. Simula pagkabata nito`y iyon na ang kinamulatan nang magkahiwalay ang mga magulang nito. That was when he was 5 years old. Ngayon ay nasa pangangalaga na ito ng lola`t lolo. Iniwan siya ng mga magulang sa mga ito. Ang ina niya`y nagpakasal na sa iba at tumira na rin sa ibang bansa. Ang ama naman niya`y hindi na niya namukhaan pa simula nung iwan siya nito.

Tahimik na tumango lang si David at saka ibinaling ang tingin sa kanya.

“Eh ikaw Kenichi?” tanong naman nito sa kanya.

Yumuko siya at inikot-ikot ang kopitang hawak. He stared at it.
“How, when she`s already happy with someone else?” mahina at makahulugan niyang sabi.

Max and David stared at each other. Wari`y nahihiwagaan sa mga sinabi niya. Inalis ni David ang kamay nitong nakapatong sa balikat niya. Hinarap at mariin siyang tinitigan.

“What do you mean?” usisa pa nito.

Inubos ni Ken ang inumin. “Nothing. Pakisabi nalang sa kanilanh umalis na ako, na masama ang pakiramdam ko” saka niya ipinatong ang kopita sa mesa. Wala na ulit lumabas na salita sa bibig niyang tinalikuran ang mga ito.

‘T-teka--- “ ang tangi lang nasabi ni David nang mabilis siyang nakalabas sa hall. Kunot noong tiningnan nito si Max na nagkibit-balikat lang din. Wala itong anumang ideya sa ikinikilos ng kanilang papalayong kaibigan.


NAGPASYA muna si Ken na pumunta sa isang bar. Ipinarada niya ang kotse sa pinakadulo at nag-iisang bakanteng parking space sa tapat ng naturang gusali.


Saktong pag-ibis niya ay nabangga siya ng isang babae. Nakatalikod na ito nang malingunan niya. Iling ang tangi niyang nagawa nang makitang nahulog ang wallet ng babae. Mabilis niya itong sinundan sa loob ng bar.


Hindi biro ang bilang ng mga tao ang nabungaran ni Kenichi. This was their favorite place,especially past-time nilang magkakaibigan. O kapag may problema ang isa sa kanila. Grecko`s is the only place to be. It wasn`t a surprise for him kung bakit marami din ang pumupunta doon. Subalit timing naman ang pagkakataon ngayon na mas maraming nagkakasayahan at nag-iinuman kung saan ay mayroon siyang hinahanap.


Hindi ganun kadaling makita ang nagmamay-ari ng napulot niyang pitaka. Bukod pa sa kapal ng tao`y madilim-dilim din ang buong lugar. Neon at disco lights lang ang tanging nakasinding ilaw sa loob. Iniwaglit nalang muna niya sa isip ang paghahanap sa babae. Pasasaan ba`t makikita rin niya ito. Tutal ay nasa kanya naman ang wallet nito.


What`s important is how will he get Annie out of his system. Kahit man lang saglit, sa gabing iyon. And he needs a drink. Hard drink.

Umupo siya sa isang mataas na stool at umorder ng beer. Kaagad niyang ininom iyon nang maibigay na ng waiter sa kanya. Humarap siya sa mga taong nagkakasayahan. They were wild and crazy. But what caught his attention was the girl walking towards him. Big smile were on her lips. Time stood still, he thought. The girl was indeed beautiful nang tuluyang makalapit ito.

`Who is she?


“JEFF is having a good time with Stacey” mahinahong wika ni Aki sa kaibigan.


Kasalukuyang naglilinis ang dalawang dalaga sa kwarto ni Hazel nang kanilang kuko sa paa. Bigla ang pagbaba ng huli sa nail polish nang marinig ang sinabi ng kaibigan kasabay ng paglaki ng mata at tumingin dito.

“W-what?! No. No way!” bulalas niya.

Kababata niya si Jeff. Simula pagkabata nila ay malaki na ang tiwala ng mga magulang niya rito. Wala siyang kapatid kaya ito na rin ang tumatayo niyang kuya. Pero para sa kanya`y iba ang tingin niya sa kababata. Hindi isang kuya kundi isang boyfriend . She`s crazy for him. Mahal niya ito.

Kaya sa tuwing may nililigawan ito ay malaki ang pagtutol niya. Gusto niyang sa kanya lang ito parating nakatingin, ang atensyon nito. At dahil na rin siguro sa pagiging spoiled brat ay nagawa niyang aminin ang batang pag-ibig niya rito noong siya ay high school pa lamang. She was sixteen back then and he`s twenty years old .

Ngunit tinawanan lang ni Jeff iyon.

“ ZEL,you`re too young. I`m older than you kaya i`m sure that`s only infatuation. I`ve experienced that kaya I`m sure of it” natatawang sabi nito sa dalagita.

Pagalit na inalis ni Hazel ang kamay nitong nakapatong sa ulo niya.

“Young? Oo bata pa ako, pero hindi ba ako pwedeng makaramdam ng pag-ibig?! Jeff, I love you!” naluluha niyang wika. Masakit sa kanyang pinagtatawanan lang nito ang nararamdam niya . Dahil sigurado siyang umiibig na siya dito. Sa palaging pagpi-prisinta nitong ihatid sundo siya sa eskwelahan, sa tuwing bumibisita ito sa bahay nila, sa tuwing lagi niya itong kasama ay unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya sa pekeng kuya. At ngayon nga`y naglakas-loob siyang magtapat rito.

Kasalukuyan silang nag-uusap sa park. Siya pa ang pumunta sa bahay nito para yayaing pumunta doon. Nangako naman ito sa kanyang sumama pero saglit lang daw dahil pupuntahan pa nito ang nililigawan na ka-eskwela . Kahit lihim na napa-aray ay ipinagpatuloy pa rin niya ang ginawang pag-amin.


“Okay,listen.” Yumuko ito at ngumiti. Isa sa mga nagustuhan niya rito ang nakakalambot na ngiti nito, pero hindi iyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.

“Hazel,bata ka pa. Marami ka pang makikitang iba na mas karapat-dapat sa iyo. And what you`re feeling towards me is love, love for a brother. At kapatid lang din ang tingin ko sa iyo. Don`t worry, kakalimutan ko na lang ang sinabi mo okay?” mahinahong wika nito.

Napatungo lang ang dalagita. Tahimik siyang umiyak dahil sa mala-bombang sumabog sa pandinig nang sinabi nito iyon. Hiyang-hiya siya. Ang akala pa naman niya`y matutuwa ito. Nakikita naman niya kasing maalaga ito sa kanya, siya nama`y binigyan iyon ng malalim na kahulugan. Ginagawa lang nito iyon dahil pala sa itinuturing lang talaga siyang isang kapatid. Gaya kasi niya`y only child lang din ito.


Jeff hugged her tightly. “It`s okay my angel. It`s better that we will keep it this way diba? Sa tingin mo ba kapag naging tayo`y walang katapusan iyon? Mas maganda kapag we`re just friends, mag-kapatid kuno. I`d rather have you as a sister than lost you after a boyfriend-girlfriend relationship. Remember, mas matimbang ang friendship kesa sa doon,aight? Sigurado naman ako na it`s brotherly love” pangongonsola nito, pagkatapos nitong sabihin iyon ay hinarap siya.

Pinahid ni Jeff ang mga luhang nasa pisngi niya. He smiled at her. At kung may nararamdaman man siyang galit ay tuluyang naglaho sa ngiting iyon. Jeff was both handsome and charming.

“It`s alright my angel. We`re not perfect so I guess mali ang akala mo sa nararamdaman mo” malambing nitong sabi.

Yumuko ito at pinagmasdan ang relong pambisig. “Oh, kailangan ko na palang umalis.”

She eyed him,ngunit saya ang nakita niya sa mga mata nito. Tila sabik na sabik na itong makita ang ka-date. Lalo lang siyang nakaramdam ng panibugho.

“Ano? Ihahatid na kita” yaya nito.

Tila wala sariling napailing si Hazel. “No. I can manage. Magpapasundo nalang ako kay Manong Elmo. Mauna ka na, baka naiinip na sa kahihintay iyong ka-date mo. Sige ka” pilit na pinasigla niya ang tinig para hindi na ito mag-alala pa.

“Sure ka ha?” paninigurado nito.

Ngumiti siya ng pagkalaki-laki para ipakita ritong ayos na siya. “Oo naman!”

ILANG minuto na ring nakatingin sa dinaanan ni Jeff kanina si Hazel, na para bang naroon pa ito. Saka lang niya ipinagpatuloy ang naudlot na pagluha. Pero kahit sinabi ng binata ang lahat ng iyon pagkatapos niyang aminin ang nararamdaman para dito`y hindi siya nag-isip na sumuko man lang. Mas lalo pa siyang nagkalakas-loob na patunayan ditong hindi lang pag-ibig para sa isang kuya ang nararamdaman niya.

Bata pa siya. Iyon ang sabi nito. Baka iyon nga ang kulang sa kanya kung bakit hindi siya nito magawang mahalin bilang isang babae. She wanted to run home, lock herself in her room, hide under the covers of her bed, and never come out till she had come into her own and become sophisticated. Maganda naman siya pero mukhang hindi pa iyon sapat para mahulog ang loob sa kanya ng kababata.

`You`re mine Jeff!`

Wednesday, March 25, 2009

ALIPIN CH 5

ALIPIN CH 5

HINAYAAN ni Sydney ang pagdampi ng mga labi nito against her lips.Nahigit niya ang paghinga.Mas nakakaliyo ang halik ngayon kesa nung unang nasa kotse sila.Dala na rin ng kalasingan,maya-maya ay naging very torrid na iyon.

Noon naman tila nagbalik ang kanyang katinuan. “D-Dwight,lasing ka lang” mahina niyang wika.

Ngumiti ito at minsan pa ay napapapikit “Hmm,mahal kita” he whispered.

“Ha?” paulit niya sa sinabi nito,masyado kasing malakas ang volume ng tv.

“Tagay lang!” wika nito at itinaas sa ere ang canned beer.

Inangat rin niya ang kanyang inumin “Cheers!”

HIMALANG una pang bumigay si Sydney,samantalang si Dwight ang mas maraming nainom.

He`s fond of gazing her whole face.On her chinky eyes,ang mga kilay nitong halos perpekto sa pagkakaarko,ang matangos niyang ilong.But what really caught his attention were her lips.Napakanipis niyon at sa tuwing mahahalikan niya ito ay hindi niya maiwasang maliyo.

Akma niyang hahawakan ang makinis nitong pisngi pero nabitin yun sa ere.

“Mahal na mahal kita but I don`t want to ruin our friendship Syd” may pait sa labi niyang bulong at bumuga ng hangin.

Pinangko niya ito papunta sa kanyang kwarto.Dahan dahan niyang inilapat ang katawan nito sa kama.Pinagmasdan niya ito saglit,hiling niya na sana`y wala siyang magawa dito.Tumabi nalang siya sa dalaga at patalikod na humiga.

Naalimpungatan siya kaya nagising si Dwight.Pagmulat niya ay nasalubong agad ng mata niya ang bintana.Umaga na.Lilingon na sana siya sa katabi kaso may malamig na bagay na nasa kanang pisngi at malamang paa pala iyon ni Sydney.Inilayo niya yun pero sadyang malikot ang babae.

“Arg!Ano ba!” sigaw niya at sinipa ito kung kaya`t nahulog ito sa kama.

Doon naman nagising si Sydney nang maramdaman ang sakit sa kanyang tadyang.Naimulat niya ang mata at nabungaran ang mukha ng binata.Nakadapa ito sa kama at nakangising pinagmamasdan siya.

“Good Morning” masiglang bati nito.
Sinipa niya sa mukha ito pero naiwasan nito yun.Lukot na lukot ang mukha niya dahil sa sakit na inabot sa kanyang katawan.Uminit na naman ang ulo niya.

“Anong bang good sa morning?” galit niyang wika.Tumayo siya at nakapameywang.Tiningnan niya itong nang matalim.

Tumawa lang ito na lalo pa niyang ikina-inis.Lumapit siya dito at sumakay sa likod nito,sinabunutan niya nang buhok.Ginawa niya itong kabayo.

“Ayan!Bagay yan sa`yo!Ang sakit sakit ng katawan ko!” galit na galit na sigaw niya.

Panay naman ang sigaw ng binata na tama na.Nang hindi siya tumigil ay pilit nitong bumangon at pinatihaya siya sa kama at binigyan siya ng mabilis na halik sa labi.Tumakbo na ito patungo sa cr at tinapunan niya ito ng unan pero naisara na nito ang pinto niyon.Pati sa loob ay dinig na dinig niya ang nakakalokong tawa nito.

Kahit naasar ay lumapit nalang siya sa cabinet nito kung asan nakatago ang mga damit ng binata.Binuksan niya iyon at naghanda ng susuotin nito para sa opisina.Kumuha rin siya nang red necktie.Inilapag niya yun sa kama.Isasara na sana niya ang cabinet ngunit may napansin siyang picture frame na nasa gilid ng mga damit nito.Out of curiosity ay kinuha niya iyon.

Nagtaka siya kung bakit may litrato niyang nakatago doon.Agad niya yung ibinalik nang marinig ang mahinang click sa pinto.Ini-unlock ng binata yun at lumabas ng paliguan.Kaagad niyang isinara ang cabinet at tinapunan lang ito ng nagtatanong na tingin.Nakita niyang tuwalya lang ang nakatapis sa ibabang parte ng katawan nito.Ladlad na ladlad nitong tiyan.May six packs pa!

She swallowed hard and just stare at him.Droplets of water dripping on his body.Bumaba ang mata niya sa maumbok nitong ….

Mabilis siyang nag-angat ng mukha,and to her horror she realized that he was steadily gazing at her,na may nakakalokong ngiti sa mga labi.

“May pagnanasa ka ba sakin?” nakangisi pa rin nitong tanong.

“T-tse!” singhal niya.Umaasang hindi nito mahahalata ang pagkapahiya niya.Tumalikod na siya at lalabas na sana ng kwarto.Tumigil siya sa paghakbang nang maalala ang larawan niyang nasa mga gamit nito.Bigla siyang pumihit ulit paharap para sana tanungin ito.

But damn!Nadagdagan pa ang pagkapahiya niya nang makita itong hubo`t hubad,kaya dagli siyang tumalikod.

“S-sorry!” nagkandautal niyang paumanhin.

“Shit!Akala ko ba nakalabas ka na?!” inis na bulalas nito.

Itinuloy na niya ang paglabas ng kwartong iyon at tinungo ang kusina.Napasandal siya sa tiles dahil parang nanlalambot ang tuhod niya.Nasapo niya ang ulo at naramdamang basa yun.

`My god.Pinagpapawisan ako!Ganun na ba katindi ang epekto niya sa sistema ko?!`

“Jeez!” mahinang bulalas niya.

Sa kabila ng panlalambot ay lumapit siya sa kinaroroonan ng ref at doo`y tiningnan ang laman sa loob. Maghahanda siya ng agahan. Nakumbinsi na niya si Dwight na marunong naman talagang siyang magluto. Sadyang ginawa lang talaga niya na sunogin ang pagkain na niluto para dito noon dahil sa inis.

Kumuha siya ng apat na itlog at hotdog. Meron naman kasing wheat bread na bagay na ipam-pares doon. Niluto niya iyon at pagkatapos ay isinunod ang mag-init ng tubig para magtimpla ng tsokolate. Inihanda niya ang lahat ng mga iyon sa mesa para makapag-almusal na. Habang papalabas ng bahay para kunin ang newspaper na iniwan doon ng boy ay tinawag niya si Dwight upang yayaing mag-almusal.

Naabutan ito ni Sydney na naka-upo na sa hapag-kainan at hinihintay siya. Umupo na rin siya dahil alam niyang gusto nitong magkasabay sila sa pagkain. Inabot niya dito ang nakuha ng newspaper. Iminuwestra nito ang kamay sa mga pagkain.

“Kain na” simpleng wika nito.

Tumango siya at tumalima. Baka sa pamamagitan niyon ay mabawasan ang pagkailang niya dahil sa nangyari kanina. Nakatungo siya habang walang kaimik-imik na kumain. Parang gusto na talaga niyang matunaw sa kinauupuan nang maalala lahat iyon. Ang katawan nitong mala-adonis, pababa ng pababa. Ah! Nag-iinit na ang pisngi niya. Wala sa sariling naidikit niya ng madiin ang mga hita.

Nakatungo si Sydney kaya hindi niya napansin ang mga panakaw na tingin sa kaniya ng kaharap. Kunwaring nagbabasa nga ito ng newspaper habang humihigop ng tsokolate pero lagpas doon ang tingin nito patungo sa kanya. Naku-kyutan siya sa inaakto nito ngayon.

Alam niyang naiilang itong kaharap siya dahil sa tagpong nakita nito kanina. But she ran away because of embarassement. At siya nama`y naggagalitan. But honestly, he want to ran after her and make love right there and then. Of course, he wouldn`t do that. As usual,because of friendship. At hanggang tanaw lang siya sa pinakamamahal.

Tuesday, March 24, 2009

ALIPIN CH 4

ALIPIN CH 4

“OH labhan mo iyan.Magluto ka ng maayos mamaya ha,dito ako magla-lunch” ani Dwight at tinuro sa kanya ang laundry bag na puno ng gamit nang damit ng binata.Lumabi siya kasi hindi siya marunong maglaba.Ang dami-dami pa!
Nagpaalam na ito sa kanya dahil pupunta na ito ng opisina.

Bumuntung-hininga siya at tamad na kinuha ang laundry bag.Dinala niya yun sa likod bahay.Buti nalang at may washing machine pero meron pa ring mga damit na kinakailangan talagang kusotin.

She sighed “Naman o!”

Isa-isa na niyang pinaghiwalay ang de-kolor sa mga puti.She don`t understand but she had this urge to smell his clothes.Kung minsan pa ay hinahagkan niya yun.Nakadikit pa kasi ang gamit nitong pabango.

Maya-maya ay nakita niya ang underwear nito.Napahagikgik siya.Kadalasan hindi na dapat pinalalabhan ang underwear sa ibang tao.Siguro ay nalimutan nito yung ihiwalay sa mga dapat niyang labhan.

Umandar ang pagkaloka-loka niya at sinuot niya ang brief nito sa ulo niya.Kaagad siyang tumakbo sa salamin at tawang-tawa sa itsura niya nang makita ang repleksiyon.Hindi na siya nag-abala pang kunin iyon dahil naging busy siya sa paglalaba.

MALAPIT na sana si Dwight sa opisina nang maalala ang files na naiwan sa bahay.Importante ang mga iyon kaya binalikan niya kaagad.

`Tok.Tok.Tok.`

Nang marinig ni Sydney ang mahinang katok sa pinto ay iniwan na muna niya ang labahin at binuksan iyon.

“Oh Dwight” pasimpleng banggit niya sa pangalan nito.

Nanlaki ang mata at pulang-pula ang pisngi.Nangunot ang noo.

“Oh bakit ka namumula diyan?” ani Syd.

“Bakit nasa ulo mo iyan?!” nahihiyang naiinis na bulalas nito.

“Ang alin?” maang niyang tanong.

Bumuntung-hininga ito at kaagad hinablot ang underwear nitong nasa ulo niya.
Pumasok ito sa loob at marahil ay tinago nito yun sa kwarto .

Nag-init ang pisngi ni Sydney nang maalalang nilagay niya pala yun sa ulo niya.Nalimutan niyang tanggalin yun dahil nasa labahin nakatuon ang kanyang pansin.

Lumabas ito ng kwarto at pulang-pula pa rin sa hiya.But he regained his composure afterwards.Hindi napigilan ni Sydney na humagalpak ng tawa.

“Siguro,pinagpapantasyahan mo ako no?” walang kangiti-ngiti nitong salita na mababanaag sa tinig ang malisya.

Natahimik siya sandali at lumapit.Taas-kilay at sinabing “Kapal mo ha?Sinasabi mo lang iyan dahil napahiya ka!Eh kasalanan ko ba kung bakit mo nilagay yun doon?” ngisi niya.

Lumabi ito.

“See?Hindi ka makapagsalita!Alam mo ang kyut mo pala kapag nahihiya no?” piningot ng dalaga ang pisngi ni Dwight.

“Tsk.Tigilan mo nga ako!Ano bang pumasok sa kukote mo at isinuot mo iyon sa ulo mo?” galit na tanong nito na di tumitingin sa kanya.

Imbes na sumagot ay tumawa lang siya ng tumawa.

“Pilya ka talaga!” natatawa na ring wika nito.

Nang umalis ito ay pinagpatuloy niya ang paglalaba.

SUMAPIT ang lunch time at nakapagluto na siya,dumating na rin si Dwight.Nagpatiuna na itong umupo sa hapagkainan habang siya ay naghahanda.Para talaga siyang asawa nito na ikinagaan naman ng loob ng binata.

Nang kumakain sila ay napansin nito ang mga sugat niya sa kamay.Hinablot ni Dwight yun at sinipat ng mabuti.Tila nag-alala naman ito at kagyat na pumunta sa kwarto nito.Pagbalik ay may dala nang gamot para sa sugat niya.

“Ano ka ba?Ok lang iyan no.Malayo naman yan sa bituka eh” ani Sydney.

“Anong ok ka diyan?Ang tanga mo talaga!Hindi mo ba ginamit yung washing machine?” alala nitong wika.Nasa mga kamay niya ang mata nito at ginagamot ang sugat doon.Napaka-caring nito.Isa iyon sa mga traits nito na ngayon lang niya nakita.Habang tumatagal mas marami siyang magagandang bagay na nalalaman tungkol sa binata.Akala niya nung una na kapag tumira siya sa bahay nito ay giyera ang mangyayari araw-araw.Nakakapanibago pero masaya siya.

“Ginamit ko naman pero meron kasing mga damit na kailangang kusotin” she explained.

Inangat nito ang paningin sa kanya at tinitigan siya nang mariin “Then don`t do that next time if it means hurting yourself” mahinang wika na tila makahulugan ang bawat binibigkas nito.Para siyang batang napatango.She was like hypnotized when he eyed her.

Tumikhim ito at bumalik na sa upuan.Parang gusto naman niyang kurotin ang sarili nang mapagtantong nanigas siya sa harap nito.Kumain na lang siya at wala silang ibang narinig kundi mga kutsara`t tinidor na tumatama sa platong pinagkainan.



KINAGABIHAN ay hindi pa rin makatulog si Sydney kaya naisipan muna niyang manood ng tv.Si Dwight naman ay nasa kwarto nito.Busy sa mga papeles na kailangang permahan.Napakalakas ng tawa niya at abot na abot sa kwarto habang nanonood ng palabas.

“What the----“ ani Dwight at lumabas ng kwarto.

“Hoy!Pwede ba hinaan mo yang volume ng tv?Nakaka-istorbo ka eh!” reklamo nito at bumalik na sa kwarto.

“Bahala ka diyan” bulong niya.

Panay ang kati ng binata sa batok niya at lumabas ulit ng kwarto.Lumapit sa tv at pinatay iyon.

Napatanga si Sydney “Ano ba!Bakit mo pinatay?!” aniya at binato ito ng unan.

Naiwasan nito yun at pinagkrus ang braso.Tumingin ito sa kanyang nakataas-kilay.

“Sarap na sarap ako sa kapapanood eh!” singhal niya.

“Tabi nga diyan!” dugtong niya at lumapit sa kinaroroonan ng tv.Binugaw niya ang binata dahil nakaharang ito doon.

“Akala mo kung sino ka ah?Bakit bahay mo ba to?”

“Hindi nga pero gusto kong manood!Kasalanan mo iyan kung bakit pinatira mo pa ako dito” wika niyang papilosopa at sumalampak ulit sa sofa para manood ng tv.

Napabuntung-hininga nalang ang binata.Minsan talaga ay talo siya rito.Ayaw niyang makipag-away sa walang kakwenta-kwentang diskusyon.Bumalik nalang siya sa kwarto.

“MAS MASARAP manood ng tv pag may kinakain” ani Sydney.Pinuntahan niya si Dwight.

“Dwight,pa-deliver tayo ng pizza?” aniya at humiga sa kama nito.Tinulak siya nito.

“Wag kang humiga-higa dito at baka may buni ka pa!” anito na pinapagpag ang bedsheet.
Lumabi siya “Alam mo ang O.A. mo!Daig mo pa ang babae nakuu!Kung di ka lang gwapo”

“Ano?!”

“Wala.Hmm,sige na midnight snack tayo” malambing niyang wika at kumapit sa braso nito.

Pumiksi ito at muntikan na siyang mahulog sa kama nito “Ayoko!May trabaho pa ako” si Dwight.

“Sige na.Tapos inuman rin tayo.” Nakanguso niyang wika.

`yeah,I think it`s a good idea` piping usal ng binata.

“Okay” matipid niyang sagot.Lumundag ito sa kama at dagling tumawag sa telepono na nasa side table niya.

Tila natutuwa naman si Dwight at umiling `Para talaga tong bata`.

“YUM!matagal na rin akong di kumakain ng pizza ah?” wika ng dalaga at sabik na sabik na kumuha ng isang slice niyon.Tumabi naman si Dwight dito na kakakuha lang nang malamig na canned beer.Umupo ito sa bean bag at kumuha na rin ng pizza.Masaya nilang pinapanood ang Superhero Movie na pinalabas sa HBO.

Hanggang sa di nila namalayan na medyo nalalasing na silang dalawa.Hindi rin nila napansin na iisang slice nalang ang naiwan.Nasa tv nakatutok ang mga mata nila kaya ng kukuha na sila ng pizza ay nagtama ang kamay nila.Sabay silang napayuko at nang makitang iisa nalang ang naiwan doon ay nagkatinginan sila.Pinasingkit nilang dalawa ang mga mata.Pareho kasi nilang gusto ang pagkain na iyon.

Sinipa nito ang kinalalagyan ng pizza para ilayo sa kanya.

“Woah!Basagan na ng bungo to!” sigaw niya kay Dwight at dagling inabot ang karton pero pinigil siya nito at tinakpan ang kanyang mukha ng palad nito.

Malaya ang isang kamay niya kaya tinakpan niya rin ang mukha nito.

“Akin lang iyan!” sigaw niya.

Natanggal nito ang palad niya sa mukha nito at nasa mukha pa rin niya ang kamay nito.Lumundag pa sa saya si Dwight nang finally!nakuha nito ang last piece of pizza.

Pa-fake siyang umiyak at nagdadabog nang malapit na nitong kainin iyon.

“Aahhhh!” sigaw niya. “Huhu,ang pizza ko!”

Tumawa pa ito na lalong ikinainis niya habang nginunguya nito iyon.Tumalikod siya dito at niyakap ang throw pillow.Asar na asar talaga siya.Pagdating kasi sa pizza ay matakaw siya.

`Mabilaukan ka sana!`

Nagdilang-anghel siya ng nauubo ito.Ngumisi siyang humarap dito.Pulang-pula ang binata at hawak hawak ang leeg.Parang mawawalan ng hininga.Kinuha niya ang root beer at inilapit sa bibig nito.

“Here o.Ikaw kasi eh ang takaw mo.Nakuu!” buong lambing na wika niya dito na inilapit ang beer sa bibig nito upang mapilitang uminom,kahit sumesenyas itong hindi dahil puno ang bibig nito.Pakunwari naman siyang hindi naiintindihan.Ngunit mapilit talaga siya kaya nang sa wakas na ibinuka nito ang bibig ay napainom ito.Nahimasmasan ito subalit nahagod ang adam`s apple.Mukhang humapdi ang lalamunan nito.

`Buti nga sayo!`

Nang matapos sila sa panonood ay mukhang wala pang plano ang dalawa na matulog.Namumula na sila dahil sa mga nainom.Nakahiga lang sila sa carpetted floor.

“Hoy,mahal mo ba si Mary?” aniya.

“Hindi” matipid nitong sagot.

“Huh?Bakit hindi?” tanong niya at lumingon dito.

“Basta.I just go out with them because they don`t want any commitments.And kapag we need each other in bed,that`s it.Hindi sila naghahabol.It`s just ..for fun” simpleng pag-amin nito.

“Ganun?So,kabilang lang din si Mary dun?”

Hindi ito sumagot. “Bakit mo ba natanong?” bagkus ay tanong nito.

`Oo nga,ba`t ko ba natanong iyon?` parang gusto niya batukan ang sarili dahil siya pa mismo nag-open up tungkol doon.

“W-wala.Bigla lang pumasok sa isip niya” sabi nalang niya.


Hindi ito sumagot.Umusod ito papalapit sa kanya.Pinapungay nito ang mga mata.

Iiwas ba siya o hindi?--yun ang tumatakbo sa isipan niya.Pero parang siyang hinihigop palapit pa dito.

Maya-maya ay dumampi ang mainit nitong palad sa kanyang pisngi.Bahagya siyang nagulantang dahil doon.

"Nasabi ko na ba kung gaano ka kahalaga sa`kin?" may lumakip na lambing sa tinig ni Dwight.Dala na rin siguro ng kalasingan kaya nasabi nito yun.

Isang buntung-hininga ang hinugot niya sa dibdib upang pawiin ang tila nag-aalimpuyong damdamin.Hindi maunawaan ni Sydney kung bakit siya nakadama ng ganoong klaseng pakiramdam at kaba.Naiilang siya sa paraan nang pagtitig nito sa kanya.

`Ano bang pinagsasabi ng unggoy na `to?

Ilang dipa na ang layo nito sa kanya,tila handa handang-handa naman siya kung hahalikan siya nito.

"Anong ginagawa mo?" bagama`t patuloy sa mabilis na pagtibok ang kaniyang pulso dahil sa makahulugang titig ni Dwight ay nagawa niyang itanong.

Hindi ito sumagot bagkus ay inilapit ang mukha sa kanya at hinawakan ang kanyang mga kamay.


(naku,ano kaya mangyayari?hmm)

Monday, March 23, 2009

ALIPIN CH 3

ALIPIN CH 3

MALAYO pa sa mall naka-park ang kotse ni Dwight.Marami kasing tao nang araw na iyon kaya maraming sasakyang nakahimpil sa palibot niyon.Tinignan ni Dwight ang dalaga.Tumigil sila sandali sa paghakbang.Tumalikod siya at lumuhod.

“Sakay na” simpleng wika nito.Nangunot ang noo ng dalaga.

“T-teka.Diyan sa likod mo?Naka-park sa malayo ang kotse mo tapos andami mo pang dala.Kaya ko na to.Huwag na,mahihirapan ka lang” tanggi niya.

Pero mapilit ang binata,kaya napilit din siya nito sa huli.Nakaramdam siya ng guilt ngunit kailangan niyang panindigan ang kalokohan.Ang sarap ng pakiramdam niya na hindi niya mawari.Kahit palagi siyang inaasar nito,may good side naman pala ang loko!

Panaka-naka ay sinusulyapan niya ang mukha nitong naka-side view.Mas hinigpitan niya ang pagyakap sa leeg nito.Tirik na tirik ang araw kaya pinagpapawisan sila,mas –lang nga kay Dwight.Bukod sa dala-dala siya nito ay may mga bitbit pa itong malalaking plastic bags.

`Ayan.Naman kasi andami mong pinamili`

Pinunasan niya ang gamit ang kamay ang namumuong pawis nito sa noo.Napalingon ito sa kanya at muntikan nang magdampi ang mga labi nila.Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya.Napalunok ito.Bigla ang paglakas ng kabog ng dibdib niya.Iniwas niya ang tingin dito,dahil sa tinding pagkailang.

Nang makarating na sila sa kinaroroonan ng kotse nito ay inalalayan pa siya papasok doon.Pagkatapos ay pumunta ito sa driver`s seat at nilagay ang mga pinamila sa likod.

Parang naisip nitong naloloka na siya nang bigla siyang humagalpak ng tawa.

“O ano?Mabigat ba ako?Ang galing ko talagang umakting no,akalain mong nauto kita?” tatawa-tawang niyang wika.

Bigla ang pagguhit ng mga linya sa noo ni Dwight “What are you saying?You mean,hindi totoong masakit ang paa mo?!” inis na wika nito.

Tumango lang siya.Hindi na niya kayang magsalita pa dahil sa sakit ng tiyan sa kakatawa.Kumulot ang labi ng binata at nanlaki ang mata.

“Ikaw!Alam mo bang nahirapan ako?Buti nalang at mabait ako no?!Hindi ka man lang naawa sakin” pa-drama effect nito na inis na inis pa rin sa kanya.He shrinked his eyes.

“Mananagot ka sakin!” anito at bigla siyang kinabig at sinibasib ng halik.

Nabigla si Sydney.Marahas ang naging paghalik nito.Ngunit hindi niya iyon ininda.Unti-unting namigat ang talukap niya at tinugon ito.Kung ganito kasarap ang parusa niya,hindi siya magdadalawang isip na gumawa ng kasalanan ng paulit-ulit dito.

Mabuti nalang at tinted ang bintana ng kotse nito at lingid sa kaalaman ng mga tao sa labas ang ginagawa nilang misteryo.

`Her lips tastes so sweet` piping usal ni Dwight.Matagal na niya yung gusto gawin dito.Ang hagkan ang babaeng matagal na siyang may lihim na pagtingin.

`No!We`re just friends at may nobya na siya!` si Sydney naman sa kanyang sarili.Nang rumehistro yun sa utak niya ay tinulak niya ito sa dibdib.Tila nabuhusan naman ito ng nagyeyelong tubig nang gawin niya iyon.Nag-iwas sila ng tingin sa isa`t-isa.

Walang naglakas-loob ni isa man sa kanila na magsalita.Nakakabinging katahimikan ang pumagitan sa dalawa hanggang makauwi.


“ITAGO mo muna iyan sa baul mo” ani Dwight at binigay sa kanya ang mga pinamili kanina.

“Sakin lahat to?” taka niyang wika.

Tumango ang una “Oo,kanino pa ba?” simpleng wika ng binata.

Magsasalita pa sana siya nang magpaalam itong magpapahinga muna.

“Napagod ako sa kakakarga sa`yo” pangongonsensya nito at agad tumalikod patungo sa kwarto.Nakagat niya ang pang-ibabang labi.Akala niya kasi ay para lahat yun kay Mary.Nainis kasi siya kanina.

`Bakit naman ako maiinis?Ibig sabihin nagseselos ako?` ipinilig niya ang ulo.A friend is a friend,ang lagi niyang tinatandaan.At isa pa,hindi ang katulad niya ang tipo nito.


KINABUKASAN..
“Dwight,pupunta lang ako sa bahay.Kukumustahin ko lang sina Mama`t Papa” pagpapaalam niya dito.

“Okay” anito na nakatutok lang ang mata sa pinapanood sa flat screen tv.

Akma na siyang lalabas sa pinto ng lumapit ito at hinatak siya pabalik.Humarap ito sa kanya.

“Umuwi ka kaagad ha?” he said boyishly.

Tumaas ang kilay niya “Alam mo,kung makaasta ka para kitang asawa”

Lumabi ito “Ah basta umuwi ka ng maaga”

Hinalikan siya nito sa noo na ipinagtaka niya. `Kailangan pa ba yun?`

“Ingat” matipid nitong paalala at marahan siyang tinulak palabas.

Nasa labas na siya at naguguluhan pa rin kung bakit nito ginawa yun.Hindi naman ganoon ang kaibigan sa kanya.Nagkibit-balikat na lang si Sydney at umalis na.

NANG hindi na marinig ni Dwight ang papalayong yabag ng dalaga ay tumanaw siya sa labas ng bintana.Nang makasiguradong wala na ito ay para siyang nasiraan ng bait nang bigla siyang napangiti.Tinungo niya ang drawer at kinuha doon ang picture frame na may larawan ng dalaga.

Sumalampak siya ng upo sa sofa at tinitigan ang imahe doon ni Sydney.Nang malaman niya ang tungkol sa problema nito.He is more than willing to help her.Kahit pa walang kapalit iyon.Pero biglang pumasok sa isip niya na pwede rin yung maging daan para mas lalo pa silang mapalapit sa isa`t isa.He felt disgusted on himself on taking advantage of that to get her near.

He`s happy,though.But at the same time he`s afraid.Natatakot na baka sa paglalapit nila ay mainlove sa kanya ang dalaga or worse may magawa siya rito.Yes,he go for girls that don`t want commitments,no strings attached.Yun bang tipong,gusto lang siyang makasama “in bed”.Sex has a big part on his life,and ayaw niyang matulad si Sydney sa mga babaeng yun.Pero the worst thing is,they are friends.Natatakot siya na baka masira ang pagkakaibigan nila.Ayaw niyang magkaroon sila ng relasyon na magsisimula sa “friends” and then babagsak sa “we`re just friends” .It was sad but he was willing to take the friendship than losing her completely.

Kaya hanggang tanaw lang siya sa babaeng una pa lang niyang nakita ay inalipin na ang puso niya.Yup,since high school pa siya inlove kay Syd.Pero,friends—hanggang doon lang sila dapat.Kaya madalas niya itong inaasar para nasa kanya lang ang atensyon nito.It broke his heart when he knew Rick was courting her,his bestfriend.Buti na lang at hindi sineryoso nang dalawa yun.For Sydney and Rick,it was just a game.Huh,high school life.Mga immature.Hindi alam ng mga ito that he was madly,deeply inlove with his girl friend.

It was like a dream come true for him when they kissed yesterday.Her lips is like candy,so sweet, he can`t get enough of it.Muntikan na siyang sumabog nang dumampi ang labi niya dito.Matagal na talaga niyang gustong hagkan ito.

`Control,control,control` ang palagi niyang iniisip.

NAGLUTO ng masarap na lunch si Dwight.Naghanda talaga siya para dito,because he wanted to surprise Syd.Nag-text na siya sa dalaga.Sinabi niya ditong umuwi na dahil may hinanda siya.Sinadya pa talaga niyang lutuin ang mga paborito nitong putahe.Hindi mawala-wala ang nakapagkit na ngiti sa kanyang mga labi.Pumayag naman ito at pauwi na raw.

Nababagot na siya sa kakahintay ngunit hindi niya inalis ang ngiti.Tiningnan niya ang relong pambisig.It`s almost 1:00,at gutom na gutom na siya.Bigla ay nag-ring ang cellphone niya at kaagad niyang sinagot yun nang makita ang pangalan ng dalaga sa screen.

“Asan ka na ba?” inis na tanong niya,deep inside nasasabik siyang marinig ang tinig nito.

“Dwight kasi,pumunta si Rick sa bahay.He invited me out for lunch so maya-maya pa ang uwi ko.Bye” agad na nitong pinutol ang pag-uusap nila.

Naikuyom niya ang kamao at wala sa sariling tinapon ang cellphone sa sofa.His full effort turned into nothing.Worst,si Rick pa ang kasama nito.He felt jealousy.Ginulo niya ang buong bahay.Pahihirapan niya ito pagdating doon.

“ANDITO NA ME!” masiglang wika ni Sydney nang makapasok sa bahay ni Dwight.Nag-isang linya ang kilay niya nang maabutan niya ang buong bahay na makalat.Lumingon siya sa sofa at nakitang nakaupo si Dwight doon at abala sa panonood ng tv.Nilapitan niya ito.

“Anong nangyari?May dumaan bang bagyo dito?” tanong niya sa binata.

Nakakunot lang ang noo nito na parang may kinakaharap na giyera.Minsan pa ay lumalaki ang butas ng ilong nito at palaging nakatiim-bagang.

He sighed “Maglinis ka na” anitong di parin tumitingin sa kanya.

Tumalima naman siya at baka siya pa ang mapagbuntunan ng galit nito.

Nagbihis muna siya nang pambahay at isa-isang dinampot ang mga nakakalat sa sahig.Inayos din niya ang mga throw pillows sa sofa.Nilinis niya ang mga duming nakadikit sa ibang bagay na nakadisplay sa sala,na mukhang sinadyang lagyan ng buhangin at lupa.Nagwalis rin siya at nag-mop sa sahig na may mga putik.Labis talaga siya nagugulumihanan sa nangyari sa loob ng bahay.Parang sinadya nga talaga.Inisip na lang niyang baka may nakaaway ito.

Pagod na pagod na siya sa kakalinis.Pabalik-balik siya sa pagma-mop sa harap nito.Pero patuloy pa ring nakatutok ang mga mata nito sa tv screen at di umiimik.Medyo nainis siya dahil sana man lang kahit konti ay tinulungan siya nito.Lumapit siya sa harap nito at pinakitang hinihingal na siya.Imbes mainis dahil may pinapanood ito ay kinuha nalang nito ang newspaper na katabi at kunwari ay binabasa yun.

`Ano bang problema ng lalaking to?My god ha,pagod na ako.Hmp!` lumabi siya at umalis na sa harap nito para maligo.Tagaktak kasi ang pawis niya.


Pina-ikot ni Dwight ang mga mata ng maka-alis ang una.Tama nga siguro na bigyan niya ito ng gagawin sa bahay.Kaya nga kinuha niya itong maging alipin diba? At baka makahalata pa ito sa totoong intensyon niya.

Sunday, March 22, 2009

ALIPIN CHAPTER 2

ALIPIN CH 2

NAPAGKASUNDUAN na nila na tumigil siya sa pagtatrabaho sa kompanya ng pamilya ni Dwight at doon na lang tumira pansamantala sa bahay ng binata.Nag-paalam siya sa mga magulang niya na doon muna sa bahay nito dahil may tatapusin silang trabaho.Of course that was a lie!Kung hindi dahil sa papa niya ay hindi siya hawak sa leeg ni Dwight ngayon.

Nung una ay hindi siya pumayag na sumama rito.Wala naman siyang choice,kaya si Dwight parin ang masusunod.Ewan ba niya kung bakit patitigilin pa siya sa pagtatrabaho sa kompanya nito.Ha!Parang gagawin pa ata siya nitong housewife ah.

Well,aaminin niya na nagagwapuhan siya sa kaibigan.Hanggang dun lang iyon,ang palagi niyang isinisiksik sa utak.Hindi siya pwedeng mainlab dito.Mahilig ito sa mga mukhang porn star na girls,at yun ang pinagkaiba niya sa mga ito.Kaya hindi rin siya magugustuhan ng binata.Mayroon na rin itong girlfriend na si Mary.Naisip niya na hindi bagay ang pangalan nito dito.

NAKAPASOK na siya sa loob ng hindi kalakihang bahay nito.The place was perfect for him.Ang interiors,colors,kagamitan.Bagay na bagay sa personalidad nito.Halos black and white ang makikita sa loob.Namangha siya dahil sa kalinisan din nito.Hindi niya napansin ang saglit na pagkataranta ni Dwight nang makita nito ang isang picture frame na nakapatong sa lamesita sa sala.Dagli nitong itinaob yun.Buti na lang at nasa ayos ng bahay nito ang atensyon niya.Hmm,something`s fishy.

Nangunot ang noo ng dalaga nang makitang isa lang ang kwarto.Lumipad ang tingin niya kay Dwight.

“Teka,saan ako matutulog?” tanong niya rito na parang di mapakali.

“A-ah,diyan..” turo nito sa itim na sofa “Diyan ka sa sofa!”

Napangiwi siya “Bakit diyan?Doon ko gusto sa kwarto!” reklamo niya.

“Sino bang dapat masusunod sa`ting dalawa?O baka naman gusto mong tabi nalang tayo?” malisosyo nitong wika.Binantaan niya ito ng suntok sa mukha na ikinatawa lang nito.Napalabi lang siya.

Sa totoo lang ay hindi sanay si Sydney sa mga gawaing bahay.Namulat na kasi siya sa mundo ng may mga maid na naka-alalay parati sa kanya.Not until nalugi ang negosyo nila dahil na naman sa kanyang ama.Up to now,she`s tyring to adjust in dealing with household chores.

Mariin siyang tinitigan ni Dwight.Hinampas niya ito sa braso.

“Hoy!Bakit mo ako tinititigan?Tsk,tsk tsk.delikado yan Dwight,may gusto ka na ata sakin” pailing-iling niyang sabi.

Kumulot ang labi nito “Huh!Kapal.Asa ka pa!”She burst out laughing.

“HOY SYDNEY!gumising ka na” yinugyog siya nito gamit ang paa.

Humikab siya at napa-stretch.
“Hmm,ano ba.Natutulog pa yung tao eh.Naman!” singhal niya dito at nanatili pa ring nakapikit ang mata.Hindi pa siya nakatulog ng maayos dahil nandoon lang siya sa sofa nakapuwesto.

“Kaya nga bumangon ka na dahil magluluto ka pa ng agahan!” balik singhal nito nang makita siyang parang wala pa ring planong bumangon.

Iyon pa naman ang kinaiinisan ni Sydney.Lalo na pag himbing na himbing siya sa pagtulog tapos may biglang mambubulahaw.Arg!Nakakainit ng bumbunan.Tumayo siya at humarap dito.Inilapit niya ang bibig sa tenga ng binata.

“Gusto mo na palang kumain,eh di magluto ka mag-isa mo!” kaagad siyang bumalik sa pagtulog na parang walang nangyari.

Nanlaki ang mata ni Dwight.Ang lakas ng loob nitong singhalan siya.

“Gusto mo bang halikan pa kita para lang bumangon ka diyan?” banta nito.

Sukat sa narinig ay bumalikwas siya doon at dire-diretsong pumunta ng kusina.Nakasunod naman ito.Ginulo nito ang buhok niya na parang hinagupit na ng hurricane.

“Ayan.Madali ka naman palang kausap eh.Amo mo ako ngayon kaya dapat lang na sundin mo lahat ng iniuutos ko sayo.Sige nga,jump puppy jump!” pang-aasar nito sa kanya.Irap ang iginawad niya dito na para bang sa pamamagitan niyon ay lulupasay ito sa sahig.

“Dalian mo ha?” pahabol nito ng pabalik na ito sa kwarto.Sa tingin niya ay maliligo na ito.Tinungo nalang niya ang ref at binuksan iyon.Tiningnan niya kung ano ang pwedeng lutuin.

Mayroong itlog,karne,hotdog,longganisa,at iba pa.Kumpleto yata ito sa supplies.Naiinis pa rin siya sa binata kaya umandar ang pagka-topak niya.Nagluto siya ng hotdog at karne ng baka.Sinadya niyang sunugin iyon.Konti lang naman para hindi masayang nang dahil lang sa kalokohan niya.Hindi siya sanay sa mga gawaing pambahay pero hindi naman siya ganoon kabobo para di malaman kung paano magluto.Fast learner siya kaya kapag nagluluto ang maid nila noon ay pinapanood niya ito.Nagtimpla rin siya ng kape na napaka-pait at sobrang init.Masigla siyang naghanda sa mesa.

Lumapad ang ngiti niya nang lumabas na ito.Lihim siyang humanga sa kaibigan.Kasi naman ang gwapo-gwapo nito.Paglapit nito ay amoy na amoy niya ang sabong panligo na ginamit nito,kapit na kapit sa balat ng binata.Sinuway niya ang sarili nang isipin niyang parang kay sarap kagatin nito.

Nangunot ang noo nito nang makita ang niluto niyang itim na itim,pasado na nga sigurong maging uling eh.Pumalayo muna siya at pumunta ng kusina.Pasekreto niya itong pinagmasdan.Inaabangan niya kung ano ang magiging reaksyon nito.

“Sydney!Halika nga!” tawag nito sa kanya.Paglapit niya ay ipinakita nito sa kanya ang niluto.

“What is this?” pilit nitong hindi magwala.

“Agahan mo” painosente niyang sabi.

“Yah I know,pero bakit naman sunog?” naiinis nitong wika.

“Alam mo naman na sanay ako na may maid sa amin diba?Kaya di ako marunong sa mga ganyan” she said sheepishly.And yeah,she`s fakin` it.

Napabuga ito ng hangin.Alam nito ang nangyari sa kanila.

`Oo nga pala` wika ni Dwight sa sarili.

“Never mind,i`ll just …drink my coffee” sabik na sabik si Sydney na tingnan ito habang parang pa-slow motion nitong inilapit sa bibig ang rim ng mug.

Pabagsak nitong nilapag sa mesa ang mug,ang ibang laman niyon ay natapon.Pulang-pula ang mukha nito at inilabas ang dila.Impit na tumawa ang dalaga.Dumilim ang anyo nito nang tumingin sa kanya.Ngumiti siya rito ng pagkatamis-tamis at nag-peace pa para lalo itong mapikon.

Walang anumang sindak siyang naramdaman nang sumigaw ito sa inis.Lalo pa nga siyang naaliw eh.Pagkatapos nitong sumigaw ay naisuklay nito ang buhok gamit ang daliri.

“Magbihis ka” in his most calm tone.

“Bakit?” she asked,not noticing what she had done.

“Just change your damn clothes!” nawalan nang pasensiyang sabi nito.Tila doon lang siya natauhan,kaya pinagbigyan niya ito.

HINILA siya nito papasok sa isang kainan.Nagtanong naman siya kung anong gagawin nila doon.

“Engot!Di kakain,wala kang alam kundi magsunog ng pagkain” pang-aasar nito.Lumabi siya.

Nang matapos sila doon ay pumunta na naman sila sa mall.“Aray!Ano ba,mawawalan ako ng braso nang dahil sa`yo eh” reklamo niya nang papasok sila sa isang stall na pulos pambabaeng damit ang naka-display.

“Ito miss,ito,at ito at ito na rin” ang palaging lumalabas sa bibig nito nang pumili ng pagkarami-raming magagandang damit.Siguro ay para sa girlfriend nito.Nakaramdam siya ng saglit na panlulumo dahil doon.Nainis siya dahil sa huli ay siya rin pala ang magdadala ng mga pinamili nito.Tatlong plastik sa isang kamay,at lima naman sa isang braso.

“GENTLEDOG ka talaga Dwight ano?” nakasingkit-mata niyang wika.Ni hindi man lang ito nag-abalang tulungan siya.Tumingin lang ito sa kanya.At lalo pa siyang nainis nang ngumiti lang ang binata at kaagad ay tumalikod na.Siya ang tipo ng babaeng hindi nagpapa-api,kaya.

“Syd,bili ka nga ng ice cream” wika ni Dwight.Nangunot ang noo niya ng walang sumagot.Paglingon niya ay wala siyang nakitang Sydney.

“Asan na ba yun?” napakamot siya sa ulo at bumalik kung saan siya nanggaling.Palinga-linga siya at nakita nito ang dalagang parang naiiyak at hawak hawak ang paa.Agad niya itong nilapitan.

“Hey,what`s the matter?” puno ng pag-aalala niyang tanong.

“Ewan,bigla na lang sumakit ang paa ko” hinang-hina nitong amin.Kinuha ni Dwight ang mga plastic bag at inakay siya palabas ng mall.

`Ang dali mo naman pala utuin!Go Sydney Fighting!` pipi niyang usal.

ALIPIN CHAPTER 1

ALIPIN CH 1

GALING sa trabaho si Sydney nang madatnan niya ang ina na umiiyak.Kaagad ay lumapit siya dito.
“Ma?Bakit ka umiiyak?Ano hong nangyari?” puno ng pag-alalang tanong niya rito.
Hinarap siya nito na basang-basa ang mata at pisngi.
“Ang tatay mo.Isinugal niya ang lahat ng pera natin.Kanina may pumunta ditong naniningil at kapag hindi raw tayo makabayad,ipapakulong nila ang tatay mo.Kung hindi naman,paalisin nila tayo dito sa bahay” humihikbi nitong pahayag.
Nagulat siya sa narinig at napatiim-bagang.Matagal nilang pinag-ipunan ang perang iyon para sana pambayad sa utang.Tuloy ay parang gusto niyang pumatay ng tao dahil sa nalaman.Ang masaklap pa,ang ama niya ang dahilan kung kaya`t nawala na parang bula ang pinaghirapan nila.
“Asan si Papa?” nanggagalaiti niyang tanong at palinga-linga siya loob kanilang bahay.
“Nasa kwarto” pagkasabi nito niyon ay dagli siyang lumapit sa kwarto ng mga magulang at kumatok doon sa pinto.Kinatok niya ulit ng mas malakas nang nanatili pa ring nakapinid iyon.
Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang tila guilty niyang ama.
“Papa,bakit niyo iyon ginawa?” she gritted her teeth.Nalugi na nga ang negosyo nila ay winawaldas pa nito ang matagal na nilang inipon na pera.Napunta lang sa wala ang pinaghirapan nila.Umakyat na yata ang lahat ng dugo niya sa ulo.She forced herself to regain calmness,at baka mawalan pa siya ng respeto dito.
“P-patawarin mo ako Syd,anak.Hindi ko talaga ginusto ang nangyari.Napasubo lang ako.Akala ko kasi mananalo ako,pero nabigo ako” napatungo ang kanyang ama,tila maiiyak na rin ito.
Bumuntung-hininga siya.
“Pa,maraming namamatay sa maling akala.” She paused for awhile.”Sige,wag kayong mag-alala.Gagawan ko nalang ho iyan ng paraan.Sana`y hindi na maulit ito” walang kangiti-ngiti niyang dugtong.Tumango lang ito at bakas pa rin sa mukha ang pagsisisi.


KASALUKUYANG nagsasaya ang buong barkada sa bahay nina Rick maliban kay Sydney.Naging magkakaibigan sila nito simula pa nung high school hanggang sa nakapagtapos na sila ng pag-aaral.Si Sydney lang ang naiiba sa kanila.Mga may-kaya kasi ang mga ito pero hinidi iyon naging hadlang sa pagiging magkaibigan nila.
Nasa tabi lang siya at nagmumukmok.Tila napansin naman ni Yssa ang pananamlay niya.
“Girl,why don`t you join us there?” wika nito nang makalapit sa kanya.Tinabihan siya nito ng upo at sumimsim ng dala-dalang margarita.
“Ayoko.Dito lang muna ako,medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko eh” tamad niyang pagkasabi.Iniisip parin kasi niya ang problema sa bahay.
Tinawag sila ni Rick mula sa mga nag-uumpukan nilang barkada.Sumenyas ito na lumapit sila doon.Agad naman iyong tinanggihan ni Sydney.She waved her hand for saying no.Tinapik naman niya si Yssa sa likod para ito na lang ang makipag-sayahan sa kanila.Sinabi niya rito na bumalik doon kasama ang mga barkada.Iniwan na siya nito pagkaraka.
Nakita niya si Dwight na dumaan sa harapan niya.Rumehistro kaagad sa utak na bukod sa boss niya ito,isa rin ito sa mga pinaka-close sa kanya sa magkakaibigan.Kahit boss niya ito,kung minsan ay inaasar niya ang binata.Lalo na kapag wala sila sa trabaho ay parang siya ang boss nito,pero minsan ay inaasar din naman siya.Para talaga silang aso`t pusa kung minsan.
Hinablot niya ang t-shirt nito.Natigil ito sa paghakbang at kunot ang noong humarap sa kanya.Tinapik niya ang katabing silya para doon ito paupuin.
“Gaano ba iyan kaimportante at nanghahablot ka pa ng t-shirt?” inis na wika nito at inayos ang nagusot na damit nang tumabi sa kanya.
Hindi muna siya nagsalita.She just gazed at him shyly.She cleared her throat.
“Eh kasi,kailangan ko ng pera.Si papa kasi sinugal lahat yun,talo naman!Kaya pwede ba makautang?” nakanguso ngunit diretsahang amin.Makapal na ang mukha kung makapal.The important thing is,she need to pay those credits.Ito din kasi ang pinakamayaman sa kanila.
Napangiwi si Dwight.
“Iba ka!” tingin nito sa kanya na hindi makapaniwala.May ganun bang mangutang?
Niyugyog niya ang braso nito at nilukot ang mukha.
“Woah!Sige na Dwight,please?” pinagdikit pa niya ang dalawang palad at lalong ginawang kaawa-awa ang itsura.
Tumaas ang gilid ng labi ni Dwight at tinapik siya sa noo. “Panay ka pa pakyut diyan”
Bahagyang napa-atras niya ang ulo dahil sa ginawa nito. “Aray ha,kung hindi lang ako mangungutang sayo kanina pa kita inupakan” she muttered.
“Ano sabi mo?”
“Wala.Ang sabi ko ano na?Payag ka ba?” painosente niyang wika.
Kagyat muna itong nag-isip.Marahan itong tumango pagkaraka.
“Okay pero sa isang kondisyon” sabi nito na ikinalunok ni Syd.
`Ano naman kayang kondisyon yan?`
“You`ll be my slave” makahulugan nitong sabi.
Nanlaki ang mata niya “Ano?!Slave?Sex slave?!” she exclaimed.
Nanlaki rin ang mata nito nung sinabi niya iyon at kaagad tinakpan ang bibig niya.
“What are you thinking?!Are you crazy?!” he blurted.
Pinalis ni Sydney ang kamay nito na nakapatong sa bibig niya.
“Eh bakit ba?Siguro may pagnanasa ka sakin no” sabi niya dito na pinakita pang diring-diri siya.
Tumaas ang isang kilay ni Dwight. “Hoy,hindi ako papatol sa`yo no.Look at yourself.Wala kang ka-curves-curves” hinagod siya nito ng tingin.
Her eyes grew in disbelief.Ganun na ba talaga siya sa paningin nito?No.Sexy kaya siya,ayaw lang nitong aminin.Naman kasi,nagsisimula na naman silang mag-asaran.
“O,ano?Ayaw mo yata eh” untag nito at akmang aalis.Pinigil ito ni Sydney sa braso.
“Teka lang,eto naman parang hindi tayo magkaibigan” sabi niya at pilit ngumiti.
“Sige na.Payag na ako” nakanguso niyang dugtong.
Parang may nakita si Sydney na dumaan sa mga mata nitong saya.Baka nagkamali lang siya dahil nawala ito ng pinagmasdan niya ito ng mariin.Mukhang nailang yata si Dwight.Tumikhim ito.
“Okay.Magsisimula ka na mamaya.Sumama ka sa akin pagkatapos ng party para papermahin ka sa isang kontrata.” He said calmly.
She nodded and hesitated to smile.

`Oh no.Magiging alipin ako ng ultra hunk kong kaibigan!My ged`

Saturday, March 21, 2009

WAIT FOR YOU EPILOGUE

EPILOGUE:

NAGPAKASAL na sina Anika at Chase,makalipas ang isang taon.Nagkaroon sila ng dalawang anak.Inimbita nila si Vince sa kasal nila at doon nito nakilala ang kanyang kaibigang si Bea.Naibaling ni Vince ang pagmamahal nito dito.Ngayon nga ay may balak na ring magpakasal ang mga ito.Masaya sila para sa mga kaibigan.

Ang kanyang mga magulang ay nanatili nalang sa kanilang bahay at hindi na pinagtatrabaho pa dahil matatanda na ang mga ito.
Si Karen ay nakapagtapos na ng pag-aaral.Nagtatrabaho bilang isang sekretarya sa isang mobile company.Naging boyfriend naman nito si Kirk na may pagtingin pala sa kanya noon pa.Si Sara at Dirk ay ganun rin.Nagbago si Dirk dahil sa pag-ibig para kay Sara.Ang All Saints Crew naman ay isa nang sikat na dance crew sa buong Pilipinas.
Ang DE.ADIKZ magpahanggang ngayon ay magkaibigan parin at mas lalo pa yung tumibay sa pagdaan ng maraming taon.

Wala nang mahihiling pa si Anika at Chase.Masayang-masaya sila.Alam nila na nagsisimula palang ang pagsasama nila at marami pa silang kakaining bigas.Marami pang mga pagsubok na kailangang lusutan hanggang sa sila`y tumanda.Sa ngayon ay maligaya at matiwasay ang kanilang pamumuhay kasama ang mga mahal sa buhay.Lalong-lalo na ang kanilang mga supling na bunga ng kanilang matamis na pagmamahalan.

WAIT FOR YOU [2] CH 8

WAIT FOR YOU [2] CH 8

UNTI-UNTI nang nararamdaman ni Vince ang takot.Takot na baka hindi matuloy ang kasal nila ni Anika.Mahal niya ito,ngunit napapansin niyang madalas na itong tahimik at hindi na gaanong naglalambing sa kanya.Naisip niya si Chase.Sigurado siyang ito lang ang dahilan kung bakit nagkaganoon si Anika.

Hindi man direktang ipinapakita sa kanya ni Anika na mahal pa nito si Chase,pero sadyang malakas ang pakiramdam niya.Sa tingin niya ay napalitan ng utang na loob ang pagpapakasal nito sa kanya ang pagmamahal nito noon,simula nung nagpakita ulit si Chase sa buhay ni Anika.Matagal na niyang pinag-iisipan kung siya na ba mismo ang aatras sa kasal nila.Pakakasal ba siya dito kahit hindi naman siya ang itinitibok ng puso nito?Mahal niya si Anika at hangad niya ang kaligayahan nito.Pero paano naman niya ito mapapasaya?Kaya napagpasyahan na ni Vince na iurong nalang ang pag-iisang dibdib nila.Hindi niya kayang makitang makasama niya ito habambuhay na malungkot.

Mapapasakanya nga ito pero labag naman sa kalooban.Nagmamahalan ang dalawa kaya hindi na siya dapat pang manghimasukan doon.

PAPUNTA na si Vince sa kwarto ni Anika para yayain itong maghapunan.Ganon pa rin,walang kagana-gana itong kumain.Ilang sandali pa ay nag-ring ang cellphone ni Anika.Nag-excuse muna siya para sagutin iyon.Hindi niya nakita ang excitement sa mga mata ng kanyang kapatid.Tila may kinalaman ito doon sa tumawag.

Tumalikod na siya at pumunta sa may pool.Tiningnan niya ang screen ng cp at lumabas ang mga guhit sa kanyang noo.

`Sino kaya ito?Hindi naka-phonebook ang no niya`

Sinagot niya iyon at nairita nang hindi man lang nagsalita ang nasa kabilang linya.

“Hoy,sino ka ba?Saan mo nakuha ang no. ko?Bakit ayaw mong magsalita?!” singhal na niya dito.

Buntung-hininga ang narinig niya.Uminit na ang bumbunan niya,mabuti na lang at bago pa siya sumabog ay nagsalita na ito.Ewan ba niya,pwede naman yung i-end ang call pero may kuryosidad na dumaloy sa katawan niya.

May kung anong bagay na dumaan sa kanyang puso nang mapagsino ang boses ng tumawag.

“Chase ..” mahinang ungol niya sa pangalan nito dulot ng pananabik.

“Sorry,but I can`t help myself.If you will change your mind,see me here in Sentosa near the Merlion.I`ll give you 1 hour.Kapag hindi ka dumating,promise hindi ko na kayo guguluhin at matatahimik na ang pagsasama niyo ni Vince.”
Ibinaba na nito ang telepono at hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na magsalita.

“Anong gagawin ko?I`m going crazy.Pupuntahan ko ba siya o hindi?Pupunta o hindi,pupunta o hindi?Argh!Sumasakit ang ulo ko!” inis at natataranta niyang bulalas.Hind niya namalayan ang papalapit na si Vince.Nakikinig lang pala ito sa kanya.

“Anika”

Muntik na siyang mapalundag nang makita ang fiancee.Tinitigan siya nito.Napatungo siya.

“I know you still love him.You will still marry me even if it means losing Chase?No Anika,dahil tiyak ako na pagsisisihan natin yun balang-araw.Ayokong pakasalan mo ako dahil sa utang na loob o awa.Ako na ang bahala sa mga magulang mo,ako na ang magsasabi na iatras ang kasal.Go.Puntahan mo na siya at baka makaalis na iyon.So,I guess I have to let you go” mapait na ngumiti ito pagkatapos.

Nangilid ang luha niya at tumingkayad para hagkan ito.

“Salamat Vince.Ilang araw na akong nag-iisip tungkol diyan.Mabuti na lang at ikaw ang unang nag-open up.Napakabait mo talaga.Minahal kita pero mas matimbang pa rin siya sa puso ko.I`m sorry” garalgal na ang tinig niya sa sobrang saya at pagsasalamat dito.

Hinagod niya ang likod ni Vince.Bumitaw siya at hinarap ulit ito.

“I know,makikita ka rin ng karapat-dapat na mamahalin mo balang-araw.Hindi ako deserving sa pagmamahal mo,dahil alam ko na may mas `better` pa sa akin.Salamat talaga.Hindiing-hindi ko ito malilimutan” paulit-ulit niyang pasasalamat.

Ngumiti ito “Anika,never say sorry.Dahil hindi mo naman intensyon yun diba?Hindi kasalanan ang magmahal,dahil kusa mo lang yung naramdaman.Sige na.Let`s just cut the drama and go.Dalian mo”

Sunod-sunod na tango ang ginawa niya at tumakbo.Natigil siya nang may maalala.Humarap ulit siya at lumapit kay Vince.Hinubad niya ang engagement ring at ibinigay rito at nagpasalamat ulit.

Tinanaw siya ni Vince habang tumakbo siya at ngumiti nang malungkot.

INIP NA INIP na si Chase sa kahihintay.Minsan ay napapatingin siya sa relo at magiisang-oras na ay hindi pa rin dumarating si Anika.Lumaylay ang balikat niya at napatungo.Siguro nga ay hindi na ito darating.Hinagod niya ng tingin ang kapaligiran at nanlulumong umalis na.

Ilang hakbang pa ang nagagawa niya ng may tumawag sa kanya,Lumunok siya at napalingon doon sa nagmamay-ari ng boses.

Walang salitang lakad-takbo itong lumapit sa kanya.Kaagad silang nagyakapan.Parang ayaw na nilang bitawan ang isa`t isa.

Nag-usap ang kanilang mga mata nang bumitaw sila.
Ikinulong ni Anika ang mukha nito sa kanyang mga palad.

“Sabi ko na nga ba eh,di mo ko matitiis” nakangiti nitong biro.

“Ang yabang nito…..I love you Chase”

“I love you too.Hinding-hindi na kita pakakawalan Anika” madamdaming wika ng binata..

“Talaga!Dahil kundi,hindi na talaga ako magpapakita sayo ulit” nakairap niyang pahayag.

“Di ko na gagawin yun no.Ang hirap pala ng ganito.Tsaka ayoko nang magsisi ulit.” Seryosong wika ni Chase.

“Alam na ni Vince lahat.Siya na raw ang bahalang magsabi kina Mama at Papa na hindi na itutuloy ang kasal.Alam mo ba,siya rin ang nagsabi sakin na puntahan kita dito.Masaya ako dahil nakilala ko siya.Ang bait-bait niya.” Mangha niyang bulalas habang iniisip si Vince.

Lumayo sa kanya si Chase at pa-fake na nagtampo “Hmp.Selos ako.Di mo ako love eh” parang bata itong nagsalita.

Lumapit si Anika at kinurot ito sa tagiliran.Natatawa itong napangiwi.

“Ang O.A. mo ha?” itinaas niya ang kilay saka sumiksik sa didbib nito.

“Hindi naman.Sa totoo lang,bilib nga ako sa kanya eh.Lalaking-lalake.Marunong tumanggap ng pagkatalo” seryosong wika nito.

“Oo nga no” sang-ayon naman niya.

Humarap siya at ikinawit sa leeg nito ang kaniyang braso.Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi.Masuyo at Mapagmahal.Ilang oras din silang nandoon at namasyal sa Sentosa.Umalis sila doon nang magkahawak kamay.