Saturday, March 14, 2009

WAIT FOR YOU CH 6

WAIT FOR YOU CH 6

TULUYAN nang hindi pa nasundan ang pagkakaintindihan nina Anika at Chase.Mag-iisang taon na silang hindi nagpapansinan,walang kibuan,iwasan.Pero medyo nakakahinga na siya ng maluwag dahil niligawan lang ni Chase si Sandy pero hindi umabot sa point na naging sila.Siguro ay naging katulad lang si Sandy sa nangyari sa kanya.Pero kahit hindi nagkatuluyan ang binata at ang nililigawan nito,hindi parin yun naging sapat sa kanya.Meron pa ring sakit na naiwan sa kaibuturan ng puso niya.


Minsan ay nakakalimutan niya ang mga nangyari sa kanila ni Chase.Nadi-distract lang siya dahil nagkaroon siya ng boyfriend.Ngunit hindi naging maganda ang relasyon nila ni Ron.Masyado kasi itong seloso at hindi niya rin ito naaasikaso ng maayos.Sa totoo lang,naiwan ang puso niya kay Chase kaya hindi niya ito magawang mahalin.Somehow ay nagi-guilty din siya dahil lumalabas na ginagamit niya lang ito para makalimutan ang taong totoong nagma-may-ari ng puso niya.Hindi nagtagal ay pinutol din niya relasyon nila ni Ron.Sa simula pa lang,alam na niya na wala talagang patutungahan ang relasyon nila.Matiyaga naman kasi ang lalake sa panliligaw sa kanya.Kahit pa nung nililigawan siya ni Chase,pumoporma rin ito sa kanya.Hindi naman niya matanggihan ang kabaitan at tiyaga nito.Pero nalaman niya ang tunay na kulay ng binata kaya mas lalo niya itong hindi magugustuhan.

Ngayon ay malapit na ang summer.Pagtatapos na rin ng klase,kaya malulungkot siya dahil hindi niya makikita si Chase, or hindi na makikita.

“Wow!Summer na naman.Excited na ako.Saan kayo ako magbabakasyon?” masiglang wika ni Bea sa kanila ni Sara.

“Gusto kong pumunta ng Boracay” sabi naman ni Sara saka tumawa.

”Eh ikaw Anika?Saan ka ngayong bakasyon?” dugtong nito at hinarap siya.

Nasa bleacher sila nakaupo at nakamasid lang siya sa grounds ng campus.Nakikinig lang siya sa mga ito.Natural na talaga na hindi masyadong nagsasalita si Anika.Minsan lang siya nagsasalita kung may sasabihing importante o kapag tinatanong.

“Ha?Ewan.Sa bahay lang siguro ako.Hindi na namin kailangan mag-trip-trip pa.Wala din naman kaming pera eh” mahina niyang sagot na di tumitingin sa mga ito.

“Ah.Ganun ba.Hmm,if I know ayaw mong summer na dahil hindi mo makikita si Chase ano?” tudyo ni Bea sa kanya.

Mahina niya itong tinulak.“Tumigil ka nga!” nakangiti pero may halong lungkot na sabi niya dito.

Lumapit si Bea sa kanya at hinarap siya.Seryoso na ang mukha nito.Nangunot lang ang kanyang noo.Nagbuga muna ito ng hangin bago muling nagsalita.

“May sinabi sakin si Changgoy” iyon ang palayaw nito kay Chase,close din kasi ito at ang binata.

“Lilipat daw siya ng skul ngayong 4th year.” Mahina nitong sabi.

Nakagat niya ang labi at yumuko.Inangat din niyang muli ang mukha pagkatapos ng ilang segundo.

“Bakit daw?”Nagkibit-balikat ito.

“Basta ang nasabi lang niya sakin,sawa na raw siya rito”Nanatiling walang emosyon sa kanyang mukha,pero sa loob loob niya ay nalungkot siya.Ibig sabihin magkakalayo na sila nito.

“Saan daw siya lilipat?”

“Sa Saint Columban Academy daw” ang tinutukoy ni Bea ay ang sister school nila.Isa rin yong Christian School sa lugar nila.Halos lahat ng pamamalakad,uniform,at iba pa ay magkapareho lang,kaya tinawag nila itong sister school.Isa rin yong sikat na school,mas standard kesa sa kanila.Dito sa IHA ay may mga mayayaman at average na mga estudyante ang nabibilang,pero sa SCA ay halos anak mayaman ang pumapasok.Minsan anak ng isang taga-pulitiko,anak ng may-ari ng isang matagumpay na kompanya.Lahat na siguro ng klase ng mayayaman ay nandoon.Medyo malayo din yun sa skul nila.

Napabuga lang siya ng hangin.Ano ba namang magagawa niya?Natatakot siya na kausapin ito.

`Ano kaya kung sabihin ko sa kanya na may nararamdaman ako para sa kanya?..Ah hindi!Natatakot ako`

“Ano?Wala ka ba man lang gagawin?” untag ni Sara sa pag-iisip niya.

Iling lang ang kanyang naitugon.Wala siyang kaimik-imik.Naramdaman siguro ng mga kaibigan niya na wala muna siya sa mood na makipag-usap kaya nagpaalam muna ang mga ito sa kaniya na pupunta lang sa powder room.


"Anika,just try to move on" makahulugang sabi sa kanya ni Bea saka lumayo ang mga ito at pumunta na sa powder room


1 year later ..

“MA,punta lang ako sa internet café ha?” paalam niya sa kanyang ina.Naadik na kasi siya sa kaka-internet.Lalo na sa friendster at sa chat.Pero ang mas pinag-uukulan niya ng pansin kapag nag-iinternet ay ang friendster ni Chase.Halos araw-araw niyang tinitingnan ang account nito kung nag-a-update ba ang binata.Lagi niyang pinagsasawa ang mga mata sa larawan nito doon.At ngayon nga ay pupunta na naman siya doon.Iyon lang ang tanging nagagawa niya dahil hindi na sila nagkikita.Sa pamamagitan ng internet ay magkakaroon na sila ng komunikasyon.Minsan lang nagko-comment sa kanya ang binata,pero hindi siya sumusuko.

“O sige,umuwi ka kaagad pagkatapos ha?” wika ng kanyang ina.

NAG-IINTERNET na siya at dali-daling in-open ang fs niya.Tiningnan niya ang mga friends niya at nang makita si Chase ay ikin-lick niya yon.Binasa niya ang mga comments sa profile nito at halos nag-isang linya ang kilay niya ng makita ang mga `I LOVE YOU` sa profile nito.Tiningnan niya ang profile ng nagpadala ng comment at napatda ng makita ang mga larawan ni Nadine doon.Ibig sabihin siya ang nagmamay-ari ng fs na yun.SCA din ito pumapasok.Siyempre mayaman din,..at maganda.Napaismid siya,maganda din naman siya at kung mag-aayos lang siya,tiyak hindi mangangalahati ang ganda nito sa kanya.Napahagikgik siya,tuloy nagtaka ang katabi niya.

Inayos nalang niya ang upo at tumigil na sa paghagikgik.Tiningnan niya ang mga pictures ni Nadine.Laking gulat niya ng makita ang mga larawan nito kasama si Chase.Merong magka-holding hands sila,magkatabi.

Bigla ay may kung ano ang tumusok sa dibdib niya.Totoo nga na may relasyon na ang dalawa.Nag-uulap ang kanyang mga mata.Hindi na niya kaya pang tingnan ang sweetness ng mga ito sa mga larawang iyon.Napatindig siya sa kinauupuan at nagbayad na sa cashier ng café.Kaagad siyang lumabas sa lugar na yon at tinungo ang bahay nila.

Dire-diretso siya sa kwarto nilang magkapatid.Sinara niya ang pinto ng pagkalakas-lakas.Nagtaka naman ang kapatid niya na nasa loob at nagte-text sa boyfriend nito.

“Ate Anika?Anong nangyari,bakit ka umiiyak?” tanong nito at lumapit sa kanya.

“Mahal ko siya Karen!Mahal na mahal.Bakit ngayon pang wala na siya?S-sila na k-kasi ni Nadine” amin niya dito at patuloy na hinayaang mamalisbis ang mga luha sa kanyang pisngi.

Naawa naman ito sa kanya.Alam kasi nito kung gaano niya kamahal ang binata.Nakita na rin nito kung gaano niya pinagsisisihan kung bakit hindi niya nasabi ang tunay na nararamdaman para kay Chase.Nawala ito sa buhay niya na hindi man lang naipagtatapat ang nasasaloob.

“Ate,tahan na.Bata ka pa at marami ka pang makikitang mas deserving para sayo.Huwag mong sayangin ang luha mo sa isang katulad niya.Meron din naman siyang kasalanan diba?Dahil parang nagbibiro lang siya,pinaglalaruan ka lang noon.Huwag ka ng umasa na maibabalik pa yung dati. Kalimutan mo na yung mokong na yon,dahil masasaktan ka lang.Tingnan mong napala mo ngayon.Alam ko di yun ganun kadali dahil mahal mo siya.But you have to move forward,naman! Ganda mo kaya.” nag-aalalang wika sa kanya ni Karen.

Tango lang ang tangi niyang naisagot.Hindi niya kayang magsalita dahil sa tindi ng sakit na nadarama.At sa tuwing umiiyak siya,para may nakabara sa lalamunan niya.Patuloy pa rin kasi siyang umaasa na may nararamdaman pa ito para sa kanya.Nagkamali siya,at nagpapatunay doon ang nakita niya kanina.

Si Nadine pala ang karibal niya.Mahirap kalabanin ang babaeng iyon.Base na rin sa nakita niya ay mahal na mahal ito ni Chase.Ngayon lang kasi niya nakita si Chase na ganoon kaseryoso sa babae.At masakit yun para sa kanya.Mahigit isang taon din ang pag-aasam niya para sa binata pero ito lang pala ang mapapala niya.

“Shh.Sige na,itulog mo na lang yan.May pasok pa tayo bukas” wika ng kapatid niya at iginiya siya sa paghiga,saka rin ito humiga.Hindi niya alam kung makakatulog siya ng maayos ngayong gabi.Parati lang kasi nag-fa-flashback ang mga sweet moments niya with Chase.

Lalo na nung inamba siya nito at niyakap habang naglalakad at siya namay paatras at nakahawak sa bewang nito.Yung mga panahong nagpa-practice itong magsayaw kasama ang All Saints at gusto nitong nasa harapan siya nito para makita siya palagi,tapos bigla nalang mangingindat.Nung nahuli siya nitong kumakanta habang nasa klase at kaagad itong nag-text sa kanya na..

*Galng kmnta o?Lam mo,lalo ka gmaganda ;]

Marami pa ang mga masasayang nangyari sa kanila,lahat yun di niya malilimutan.Hindi niya inaasahan na hahantong ang lahat sa ganito.

No comments:

Post a Comment