Thursday, March 19, 2009

WAIT FOR YOU [2] CH 4

WAIT FOR YOU [2] CH 4


HINDI makapaniwala si Anika sa kanyang nakikita.Si Vince na ang akala niya ay walang alam sa gawaing bahay,naghuhugas.Mukhang sanay pa.Seryosong-seryoso ito,kinarir iyon.Tinapunan niya ito ng bula sa mukha saka napabunghalit ng tawa.

“You!” kiniliti siya nito saglit.Napahiyaw siya saka naman ito bumitaw.
Pinagpatuloy nila ang paghuhugas nang maramdaman ni Anika na parang humahapdi ang daliri niya.Tinignan niya ang kamay at nanlaki ang mata nang makita ang dugong umaagos sa kanyang kaliwang hintuturo.Nasagi niya ang kutsilyo na nasa sink,hindi naman kasi kita dahil maraming bula ang nandoon.

“Agh” daing niya na nakatawag-pansin sa binata.Kaagad nitong chi-neck ang daliri niya.

“Woa,your bleeding.Come here” taranta nitong wika.Pinaupo siya nito sa silya kung saan sila nakapuwesto kanina nung kumakain.Nagmamadali itong pumanhik sa kwarto nito at pagbalik ay meron nang dalang first aid kit.

Dagli nitong ginamot ang sugat niya.Yukong-yuko ito habang ginagawa yun.Hindi maiwasan ni Anika na titigan ito.

`Maalalahanin huh?Sweet.Gosh,parang gusto ko na ang mokong na to.Pareho silang gwapo ni Chase.Macho.Sweet.Kaso,walang ibang ginawa sakin si Chase kundi saktan ako.Si Vince naman walang sabit,mabait pa,at inaalagaan niya ako.Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko!Aish!`

“There.Better?” tanong nito pagkatapos.

“Yup.Kaya mo kayang pagalingin ang puso ko?” seryoso niyang tanong.

Kumunot ang noo nito “What?”

“Nothing” iling niya.

NAGLALASING si Chase,dahil kay Anika.Ni minsan di niya yun ginawa kahit pa nung naghiwalay sila noon ni Nadine.Siguro nga ay tama ang hinala niya na umiibig na siya kay Anika.Pero huli na siya,at iyon ang pinagsisisihan niya.

Nasaktan siya sa sinabi nito sa kanya na wag na itong gambalain pa at nanahimik na ito.

`Siguro may iba na siyang mahal.Sorry Anika,dahil nagbulag-bulagan ako`

“Changgoy tama na yan” pigil sa kanya ni Bea.Umuwi ito dahil sembreak na.Pinuntahan siya nito sa bahay nila.Sinabi niya lahat dito ang nararamdaman niya.Ito ang pinaka-close sa kanila ni Anika,kaya nagkakaintindihan sila kaysa sa iba niyang kaibigan.
“Sigawan mo akong tanga Bea!”

“Ano bang nangyayari sayo?Tama na nga yan!Bakit?Akala mo ba babalik si Anika sa kakainom mo?” sermon nito.

Umungol lang siya at panay pa rin ang tungga.Kinuha iyon ni Bea at tinapon.

“Sabi ng tama na eh!Oo na,tanga ka na!” nawalan na ito ng pasensya.

Natigil naman si Chase at napayuko.

“Maggaganyan-ganyan ka pa,eh kasalanan mo naman kung bakit siya umalis!”

“Sa tingin mo,mahal pa kaya ako non?” sa halip ay tanong niya.

“Malamang …. HINDI!” pa-insulto namang sagot ni Bea.

Napairap si Chase “Ikaw.Parang hindi kita kaibigan”

“Naman!Wala akong kaibigang tanga no?Tsk.Bakit kasi hindi mo yun nakita noon pa na mahal ka niya” malungkot nitong wika.Tinabihan nito si Chase.

“Alam mo Chase.Hindi mo naman masisisi si Anika eh.Malaki ang naging kasalanan mo kaya natural magagalit siya.Paghintayin mo ba naman siya ng halos apat na taon?Aba,di biro yun.Ibig sabihin,minahal ka talaga niya.Kahit nong nasa high school tayo” seryosong nakatingin sa kanya.

“High school?” manghang tanong niya dito.

Tumango si Bea “Uh-huh.Ganoon na katagal ka niyang minahal.Pero ewan ko sayo kung may topak ka ba o tanga o baliw o nasisiraan ng bait”

“Teka,pareho lang iyon ah!” ! nakataas kilay niyang bulalas

“Ah basta,dahil ikaw lahat yun.Parati pa nga yung umiiyak eh.Nasasaktan siya dahil mo siya pinapansin.Umasa siya na liligawan mo na talaga siya sa personal.Eh ikaw naman!”
Binatuka ni Bea si Chase.

“Aray!” bulalas nito.

“Ang torpe mo.Meron bang nanliligaw na `bukas na lang`bukas na lang`?” tumaas ang gilid ng labi nito.

Kinamot ni Chase ang ulo niya “Mga bata pa kami nun no”

Tinulak ito ng bahagya ni Bea “Mga bata,ang sabihin mo duwag ka! Torpe ka! Dahil diyan kaya nasaktan mo si Anika.Hay!Para kang ewan!”

Umayos ng upo si Chase at hinarap ulit ang kaibigan “Mahal ko na talaga siya.” Seryoso niyang amin.

Umiling-iling lang si Bea “Ayan.Kita mo na?.Nasa huli talaga pagsisisi no?Pero paano pag nakakita na siya ng iba?”

Nagkibit-balikat siya “Ewan.Siguro hahayaan ko na lang siya,kasalanan ko naman eh kung bakit siya mapupunta sa iba” bumuntung-hininga ito pagkatapos sumagot.

Tinapik ito ni Bea sa balikat “Mahal mo na talaga si Anika?”
Marahang tumango si Chase.

“Kung ganon,ba`t ayaw mong gumawa ng paraan?”

Parang may nabuhay na pag-asa sa loob-loob niya “Ano naman?”

Saglit nag-isip ang dalaga “Sundan mo siya sa Singapore”


GABI na at hindi pa makatulog si Anika,pati si Vince.Gumawa ang binata ng bonfire at umupo sila malapit doon,nakaharap sila sa dagat.Nagdala ng beer si Vince para sa sarili at juice na nasa can naman ang kay Anika at pinarisan ng junk food.

Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa nung una.Pero binasag iyon ni Vince nang di na ito makatiis.

“Ang ganda ng mga stars no?” ang tanging nasabi nito.

Tumingala si Anika “Oo nga.Meron ka bang wish?” tanong niya pagkaraka at tumingin dito.

Nagbuga muna ito ng hangin at nakamasid sa dagat “Yup.Marami.Yung sana nakilala ko ama ko,sana di nawala si mama,sana makalimutan ko na siya” tukoy nito kay Mae

“At..sana makita ko na ang kaligayahan ko” makahulugan nitong sabi at tumingin sa kanya.

Iniwas niya ang paningin kay Vince.May kutob siya na tama ang hinala niya na may gusto na ito sa kanya.

“Eh ikaw?Anong wish mo?” ibinalik sa kanya ang tanong.

“Ako?” Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya ang totoo kay Vince o hindi.Sa huli ay pinili niya ang una.

“Hmm,meron.Sana di na ako masaktan at sana makalimutan ko na rin siya” malungkot niyang sagot.

Pilit siyang inusisa ng binata kung sino ang gusto niya makalimutan.

“Si Chase.Mahal ko siya,pero wala naman akong karapatang masaktan dahil hindi naman kami.Pero sana sinabi man lang niya sa`kin na makikipagbalikan siya ulit sa ex niya para hindi na ako umasa,naghintay.Sinabi niya sa akin na hihintayin namin ang isa`t isa,ako naman si tanga,naniwala!” naluluha na niyang amin.

Mataman lang na nakikinig si Vince sa hinanakit niya,pero ramdam din nito ang sakit na nasa loob niya.

“Naghintay talaga ako,pero yun pala trip lang niya yun.Inamin ko sa kanya na mahal ko siya.Pero nung nagsabog ang Diyos ng kamanhidan,bakit ba nasalo niya lahat?” pumiyok siya nang sabihin yun.Hindi na niya napigilan ang mapaiyak nang maalala lahat yun.

Lumapit sa kanya si Vince at niyakap siya ng mahigpit.

“Now I understand why there`s loneliness in your eyes”

“Shh,wag ka na umiyak.Ganon lang talaga minsan ang pag-ibig,mapagbiro.Kung minsan pag may mahal ka,may mahal naman siyang iba.Someday you will find the person that really deserves your heart Anika” dugtong ni Vince.

Lalong nagsumiksik si Anika sa dibdib nito “Salamat Vince”

Hinagod nito ang mahaba niyang buhok “Ok lang,para yun lang eh?”

Natahimik sila saglit at nagpakiramdaman .

Tumingala siya kay Vince “Nga pala,bakit ayaw mo muna makipag-girlfriend?Para na rin malimutan mo siya?”

Pinagmasdan rin siya ng binata “Noon yun,pero nagbago na ngayon…Nang makilala kita”

Bigla ang pagkabog ng dibdib ni Anika.Hindi niya alam kung sino ang unang kumilos.Basta na lang namalayan na dumampi na ang mga labi nito sa kanya,sharing a passionate kiss.Nabuhay nito ang kiliti at kilabot na dulot ng sensasyong dumadaloy sa kanyang katawan.

They were speechless afterwards.Kaagad siyang umalis sa pagkakayakap sa binata at tumingin sa ibang direksyon.Tumikhim ito at nagsalita.

“I have to tell you something” wika nito na siyang dahilan para mabalik ang mga mata sa gwapo nitong mukha.

“What?” Niyakap niya ang tuhod.

Tila nag-aalinlangan pa ito kung itutuloy ang sasabihin o hindi.

“Anika.I liked you since we first met.Tapos bigla nalang ako nakakaramdam ng tuwa lalo na pag kasama kita o maisip ka lang napapangiti na ako.” Diretsahan nitong sabi.

Wala siyang maapuhap na isasagot.Thought she felt happiness when he said that.

`Lagot! Maiinlab na ata ulit ako ah?`

Hindi naman niya itinatanggi na may gusto siya sa binata.Sino naman ang hindi?Sigurado siya na marami rin ang nagkakagusto dito.Pero handa na ba siyang buksan ulit ang puso na umibig gayong napaka-aga pa para doon?Ilang buwan pa lang niya ito nakilala,ngunit na-magnet na nito ang atensyon niya.She still love Chase and still don`t know when or how she can forget him.

Alam niya na ganun din si Vince,na may nararamdaman pa ito para kay Mae at hindi pa rin lubusang nakakalimot sa babae.

“Gusto kita alagaan.Gusto kong makita ka araw-araw.Yun,that`s how I feel.And i`m more than willing to help you to forget Chase,pero hindi kita minamadali Anika” ginagap nito ang kamay ng dalaga.

Tango lang ang tangi niyang naisagot,naguguluhan pa siya sa ngayon.Mahal niya si Chase pero gusto naman niya Vince.

`Hay!Ang gulo.Lord,tulong naman o?`

No comments:

Post a Comment