Tuesday, March 17, 2009

WAIT FOR YOU [2] CH1

WAIT FOR YOU [2] CH 1

NAPAG-ISIP-ISIP ni Anika na lumayo muna pansamantala.Tinawagan niya ang Tita niya na nagtatrabaho sa Singapore.Tatanggapin niya ang alok nito,meron itong boss na isa ring filipino na naging matagumpay at nakapagpatayo ng sariling kompanya doon at gusto siyang kuhanin nito para magtrabaho sa kompanya nito.

Mabuti na rin yon para makapag-move on at para na rin makatulong sa mga magulang.Matagal na rin niyang gustong pumunta sa labas ng bansa.Kaya saktong-sakto ang pagkakataon na iyon.

NAKALAPAG na ang kinalululanan niyang eroplano sa Singapore.Hinahanap ng kanyang mata ang naghihintay niyang tiyahin.Lumilingon lingon kung saan-saan dahil marami ding taong naghihintay sa mga kararating lang ding mga pasahero,may dala-dala ang mga ito ng plakards,banners.

Nahagip niya ang pamilyar na pamilyar sa kanyang paningin.Ang kanyang tiya,mayroon itong katabing matangkad at guwapo na lalaki.Hindi niya mapigilang humanga rito.Tinanggal muna niya ang shades na tumatabing sa kanyang mapupungay na mata at sinipat ng mabuti kung tama ba siya na tiya iyon.

Ngumiti siya at kumaway na rito habang papalapit sa tiya at sa kasama nitong lalaki,kahit di pa niya ito nakikilala.

Nang makalapit siya ay agad silang nagyakapan.

“Anika,wow.Ang laki ng ipinagbago mo iha,mas lalo kang gumanda” nakangiti nitong bulalas at hinagod siya ng tingin.Suot niya ang isang puting damit na may sleeves na hapit na hapit sa kanyang magandang pigura na pinarisan ng skinny jeans at puting wedge.Pinalugay niya ang mataas at pina-kulot na buhok.Minsan ay sinusuklay na iyon gamit ang mga daliri.Sopistikadang-sopistikada ang kanyang dating.

Tumawa siya “Tita talaga.Na-miss kita,di ka na kasi umuuwi ng Pilipinas eh” nakangiting sabi niya dito.

“Oo nga eh,nag-enjoy ako sa trabaho ko dito.Lalo pa`t si Sir Vince ang amo ko,kahit katulong ako dito,aba!parang hindi pang-maid ang sinasahod niya sa akin!” masaya nitong wika at tumingin saglit sa kasama nito ng banggitin nito ang pangalan ng binata.

Tumawa ulit siya,hindi pa rin ito nagbabago.Matabil pa rin ang dila.
Pinagmasdan niya ang binata.Mas gwapo ito sa malapitan.Kabaligtaran sa naisip niyang pandak,malaki ang tiyan at nakakalbong amo nito.

Dahil ang lalaking ito ay tall,dark and handsome.At take note,hindi malaki ang tiyan nito.Sigurado siya na kapag itinaas nito ang suot nitong t-shirt,namumutok na abs ang makikita niya.
Ngumiti ito sa kanya,lalo siyang humanga nang makita ang pearly-whites nito.Meron pa itong biloy sa magkabilang pisngi.

`Infairness,pareho silang gwapo ni Chase.Hindi rin pahuhuli ang Vince na to`

Ipinilig niya ang ulo kung bakit naiisip pa niya ang mokong na iyon.Kaya nga siya nandito ay para makalimutan ang binata.

“Hi,i`m Vince,Vince Alcaraz” wika nito na di pa rin mawawala ang ngiti sa labi.Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Tiningnan muna niya ang kamay nito saka nakipag-shake-hands.

“Hi,i`m Anika Gonzales” nakangiti rin niyang sagot.

Mataman itong nakatingin sa kanyang buong mukha,at bumaba sa kanyang mga labi.Kitang-kita niya ang paggalaw ng adam`s apple nito.

Lihim naman siyang napangiti.

`Naks!Ganda talaga ng lola mo.Haha` pabirong sabi ng kanyang makulit na utak.

“Let`s go?” untag niya sa binata nang hindi pa rin siya nito binibitawan sa kamay at nakamasid pa rin sa kanya.

Wari ay nagising naman ito galing sa pagka-hipnotismo.Kaagad itong nag-sorry na ikinatawa nilang tatlo.Iginaya na siya nito sa dala nitong sasakyan.Ito pa ang nagbukas sa pinto at pinauupo siya katabi ng driver`s seat.Ang kanya namang tiya ay sa likod.

“Thanks” wika niya dito pagkatapos siyang alalayan sa pagsakay.

“WOW,ang ganda naman dito” bulalas ni Anika nang makapasok sa bahay na pagmamay-ari ni Vince.Nature na nature ang ambiance sa buong lugar,may malawak kasing garden sa likod ng bahay nito na natataniman ng sunflowers.Malamig ang simoy ng hangin at doon kaagad siya dinala nito nang i-tour siya ng binata sa buong kabahayan.

“It really is.My mom loves flowers,and ako na ang nagpatuloy nang mawala siya” wika nito na may halong lungkot sa huling tinuran.

Naawa naman siya dito.Kahit gaano ka talaga kayaman ang isang tao,hindi ibig sabihin na makukuha mo na lahat ng gugustohin mo,especially happiness.

“I`m sorry for your loss” mahina niyang sabi dito.

Bumuntung-hininga ito at tumingin sa kanya. “No,it`s ok.It`s been 8 years since mawala siya.Sanay na akong mag-isa”
Ramdam ni Anika ang kalungkutan na bumabalot sa pagkatao nito.Parang gusto niya itong alagaan at punuin ng pagmamahal na siyang kulang sa buhay nito.

“But wait,what do you mean?Where is your father?” kunot noo niyang tanong na siyang dahilan kaya inulit nito ang pagbuga ng hangin.

“I`ve never seen him since my childhood days” banaag sa mga mata nito ang paghahanap ng kalinga ng isang ama.

Wala sa sariling nayakap niya ito.Nabigla naman si Vince sa ginawi ng dalaga kaya napayakap din siya dito.

“I know,masyado kang naging malungkot.I`m ready to comfort you anytime” mahinahon niyang sabi sa binata.

“Thanks Anika” saka na sila nagbitiw sa isa`t isa.

NATULOG muna siya nung hapong iyon para ipahinga ang patang-pata na katawan dahil sa biyahe.Gabi na nang siya`y magising.Nag-half bath muna siya para mas gumanda ang pakiramdam.Suot niya ang itim na sleeveless at maong na short shorts.Bumaba na siya pagkatapos at pumunta sa komedor nang tawagin siya ng tiyahin.

Naabutan niya si Vince na tumulong sa paghahanda sa kusina.Nilapitan niya ito at natawa nang makita ang binata na hindi magkandaugaga sa ginagawa.Tinapik niya ang balikat nito dahil nakatalikod ito sa kanya.Bahagya nagulat at natawa pagkatapos ng makita siya.

“Mukhang busy ka ata ah?” nakangiti niyang tanong.Pinagmasdan muna nito ang kanyang kabuuan at napansin itong lumunok nang bumaba ang mata nito sa kanyang mapuputi at bilugang hita.Imbes na mamanyakan siya dito ay natuwa pa siya sa reaksyon nito.

Hinintay lang niya itong makahuma at hindi nagpahalata na gusto na niyang humulagpos ng tawa.

“A-ah,yea.Naisip ko lang na ipagluto ka.Don`t worry,i`m sure magugustuhan mo ang hinanda namin.Filipino foods kasi ang niluto namin kaya parang nasa Pilipinas ka na rin” sagot nito na may hawak pang potholder.

Sukat sa binanggit nitong Pilipinas ay napalis ang kanyang ngiti.Kaya siya lumayo pansamantala doon para makalimutan si Chase,pero naaalala na naman niya ito ng banggitin nito iyon.

Marahil ay napansin nito ang biglang pag-iba ng kanyang mood kaya di na nito mapigil ang mag-usisa.

“Anika?Is there something wrong?” nag-aalala nitong tanong.
Pilit niyang ibinalik ang ngiti at umiling sa tanong nito.

“W-wala.Teka,halika nga” pinalapit niya ang binata sa kanya at pinunasan ang pawis nito sa noo gamit lang ang kanyang kamay.

Napasinghap ito sa ginawa niya.Siya naman ay parang wala lang napansin.Ganoon lang talaga siya,kaya hindi na bago sa kanya ang ganoon.

“Oh,thanks.Magbibihis lang ako ha?Amoy pawis na kasi ako eh,tapos kakain na tayo” sabi nito na ikinatango niya.


“Ah,Ate Agnes.Paki-handa na po yung mga pagkain sa mesa” baling nito sa kanyang tiyahin.

Tumango naman ito at agad tumalima.Nagpaalam na rin sa kanya ang binata at saka pumanhik sa kwarto nito.

“NGEK!tataba ako nito eh” wika niya ng salinan siya ni Vince sa kanyang plato ng maraming pagkain.

Tumawa lang ito “Ok lang iyan,maganda ka pa rin kahit tumaba ka”

Nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito. “Weh,bolero!”

Sumeryoso ito ng tingin sa kanya “No,really Anika.Believe me”

Napagmasdan niya rin ito ng mariin.Saka lang sila nakabalik sa kanilang huwisyo ng tumikhim ang tiya ni Anika.

“Hala,sige na at kumain na kayo” wika nito.

Agad silang nag-iwas ng tingin sa isa`t isa at sinimulan na ang pagkain.

Umalis na sila sa komedor pagkatapos kumain at niyaya siya ng binata na magkape sa veranda.

“Hmm,may girlfriend ka ba?” curios niyang tanong sa binata habang hinihigop ang mainit na kape.

“Nope,why do you ask?” malisyoso nitong tanong na iniinom rin ang sariling kape.

Itinaas niya ang kilay at hinampas ito ng mahina sa braso “Ikaw talaga,wala lang.Masama bang magtanong?”

Natawa ito sa kanya nang ininguso niya ang labi “I`m just kidding.Relax”
Natawa na rin siya pero di pa rin ibinaba ang kilay “Wala kang girlfriend?Hus,niwala ako!Sa gandang lalaki mong iyan?” pinakita niya sa mukha ang di pagsang-ayon.

“Talaga?Magandang lalake ako?” nag-posing pa ito na parang isang Greek god.

Tumawa ulit siya “Oo naman,pero seriously.Bakit wala?” pilit pa rin niya itong inusisa.

“Wala sana akong panahon sa mga babae,pero….pero nagbago yun ng makilala kita” seryoso nitong amin.

Natahimik naman siya saglit.Dahan-dahan itong lumapit at inilapit ang mukha nito sa kanya.Ipinikit niya ang mga mata nang maramdaman ang dampi ng labi nito sa kanya.Naging malalim din ang halik na iyon.

`Chase,mahal na mahal kita`

Sukat sa naisip ay marahan niyang naitulak si Vince na ikinabigla nito.Kaagad niyang iniwas ang tingin sa binata.Nagi-guilty siya sa sarili.Ito ang kasama niya pero iba ang nasa isip niya.Nagpaumanhin naman ito,pero agad din siyang nagpaalam na papasok na sa kanyang kwarto.

No comments:

Post a Comment