Monday, March 9, 2009

WAIT FOR YOU CH 2

WAIT FOR YOU CH 2


HUMINGA muna ng malalim si Anika bago pumasok sa gate ng bagong eskwelahan.Unang araw niya sa 3rd year high school,bagong eskwelahan,bagong simula.
Nakita niya ang mga dating kaklase at schoolmate sa elementary.

“Anika?Lumipat ka pala?” sabi ng baklang si Dirk,skulmeyt niya noon.
“Nakuu,mag-eenjoy ka dito sigurado,LIKE US!” dagdag nito at tinutukoy ang sarili at ang mga katabi nitong mga babae.

“Ito nga pala ang mga klasmeyt ko,ingat ka dahil mga bruha yan!” at tumawa ito ng malakas.Hindi na talaga ito nagbago,sayiAng,may itsura pa naman.Bakit ba dumadami ang mga baklang gwapo ngayon?

Nahawa siya sa katatawa ng mga ito nang hinila ng mga katabi nito ang buhok ni Dirk.
“Wag kang maniwala Anika,pero kung bruha kami,ikaw si Diego!” patuloy ang mga ito sa paghalakhak.

Pero natigil sila ng marinig ang tunog ng bell.Nagsitakbuhan na ang mga estudyanteng nasa campus at dumiretso na sa kani-kanilang room.

Hindi niya napansin na tumatakbo na rin pala sina Dirk. “Hoy Anika,isa sa mga rules dito ang hindi dapat ma-late kaya halika na” yaya nito.

Tumalima siya,dahil ibang-iba dito kesa sa kanyang dating skul.Sa skul niya noon,ok lang kung ma-late wala naman pakialam ang mga guro sa kanila.

Unang araw sa skul kaya siyempre ayaw niyang ma-late.

“Dirk,asan nga pala yung room ng St. Matthew?” tanong niya dito dahil nga ay bago pa siya.

“Sa St.Matthew ka?Wow,marami kang gwapong klasmeyt diyan ate! Ayun oh,katabi lang ng samin,sige pasok na kami,ikaw rin” paalam nito sa kanya.

Lumapit na siya sa pintong itinuro nito,lumunok muna siya ng laway at huminga ng malalim.Kinakabahan kasi siya eh,lalo pa`t bagong skul yon,kaya kailangan niyang mag-adjust.

`sana maka-sundo ko ang mga magiging kaklase ko` wika sa sarili

Pumasok na siya sa pinto at maingay pa sa loob.Tumingin siya sa mga taong nandoon.
Nako-conscious siya dahil halos lahat sa kanila ay nakatingin sa kanya.

`Hay,naku,nakaka-tense naman,mayayaman pa naman ang mga nandito,sana meron akong makaibigan agad` usal sa sarili at minsan ay napapayuko dahil sa hiya.Private school kasi iyon kaya halos mayayaman talaga ang mga pumapasok doon. Hindi niya alam kung paano makibagay sa mga ito.

“Hi Miss,dito ka oh” turo ng isang babae sa katabi nitong upuan.Lumapit naman siya,mukhang may magiging kaibigan na ata siya agad.

Uupo na sana siya para lang mabigla nang bumagsak ang pang-upo sa sahig.Nabitawan niya ang kanyang bag.


Tawanan ang lahat.Gusto niyang matunaw sa kahihiyan.Kung isa lang siyang tubig ay kanina pa sana siya nag-evaporate.

Naikuyom niya ang palad,para na siyang mababaliw sa mga halakhakan ng mga ito,imbes na tulungan man lang siya.
`Ang sama naman ng babaeng iyan,akala mo kung sinong maganda!Makakaganti rin ako sa`yo balang araw!

Ngunit nagtaka siya ng tumahimik ang lahat.Inangat niya ang tingin at may makitang kamay na nag-aanyayang tulungan siya sa pagtayo.
Napasinghap siya ng mapagsino iyon.

`Oh my God,Si Chase?` hindi siya makapaniwala na narito ito ngayon sa harap niya.Ito na nga ba ang Prince Charming niya?

Tinanggap naman niya ang mainit nitong palad.
Mahigpit siyang hinawakan ni Chase sa mga kamay.Ngayon lang niya ito nakita sa malapitan.Talaga nga palang gwapo ito,pero mas gwapo pag sa malapit.

“Salamat” ang nasabi niya dito ng makatayo na.Dumadagundong ang kaba niya sa dibdib sa magkabilang tenga.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman,parang gustong niyang maupo ulit dahil nanghihina ang mga tuhod niya.

Ayaw pa sana niyang matapos ang mala-mahikang tagpong iyon pero binitawan na siya ng binata.Tumalikod na ito ng hindi man lang nagsalita sa kanya.Umupo na ito sa upuan nito.So,nagkatotoo ang hiling niya na sana ay maging kaklase niya ito.Ang saya saya ng pakiramdam niya.Lalo siyang gaganahan na mag-aral nito.

Natigil ang kanyang pag-iisip ng may lumapit sa kanyang babae.Nagduda siya dahil baka may masama itong gawin sa kanya katulad nong babae kanina.

Kinuha muna nito ang kanyang nabitawang bag at ibinigay sa kanya.Bumaling ito sa babaeng nagpahiya sa kanya. “Hoy Candice!Wala ka na bang magawang matino?!Ganyan ba ang tamang pag-trato sa bagong lipat nating kaklase?Palibhasa papansin kasi” at tiningnan nito si Candice na parang nagbabanta.

Nagulat siya ng ipagtanggol siya nito.May mababait pa pala talagang naiiwan sa mundo.
Umirap lang si Candice at hindi na ulit tumingin sa kanila.

“Halika na,doon ka sa tabi ko” yaya nito sa kanya at lumapit sila malapit sa bintana kung saan naroon ang dalawang upuan sa likuran.

Pinaupo na siya nito sa isa mga upuan na yon. “Pagpasensyahan mo nayan si Candice ha?Papansin kasi eh,pero alam mo ba,swerte ka dahil tinulungan ka ni Chase,kaya ayun nagselos,ex kasi niya si Candice eh” at ngumiti ito sa kanya.Alam niyang hindi iyon fake kaya binigyan niya rin ito ng ngiti na bukal sa loob.

“Simula ngayon,friends na tayo ha?”

“Oo ba,thank you ha?” sabi niya dito habang kayakap ang bag.

“Oks lang yon,and nga pala ipapakilala kita sa mga barkada ko mamaya,sigurado ako magkakasundo rin kayo” saka tinapik nito ang balikat niya.Tinanguan niya lang ito.Ganun talaga siya pag bagong kakilala,di siya masyadong nagsasalita,di naman niya kasi alam kung paano ito pakikitunguhan.

“Ay!Oo nga pala” natapik nito ang sariling noo. “Hindi pa nga ako nagpapakilala sa`yo,I`m Bea by the way” Inilahad nito ang kamay.Tinanggap naman niya iyon.
Mabuti naman at nakilala niya ito,medyo hindi na siya maiilang at may makakasama na siya kapag naglilibot sa campus.Kahit pa nga at doon din pumapasok ang kapatid niya ay sa uwian at lunch lang sila nito magkikita dahil busy rin ito at iba ang building ng mga 2nd year.Malayo-layo rin sa building nila.

“Ako naman si Anika,Anika Evangelista” mahinhin niyang wika
“Woah,ganda ng name,bagay sa`yo,dahil maganda ka rin” at ngumisi ito ng malapad.

Napipi naman siya sa papuri nito.Totoo naman na maganda siya pero hindi yun gaano nakikita dahil hindi naman siya nag-aayos.Tama na sa kanya na maayos na naka-suklay ang buhok niya,maayos ang pananamit niya.Simple lang,pero ang masasabing pinaka-gusto niya ay ang mga mata niya.Expressive iyon kaya madaling nasasalamin ang damdamin niya pero marunong rin naman siyang magtago ng totoong nasasaloob.
Marami na rin ang mga nanliligaw sa kanya pero hindi niya iyon pinag-aaksayahan ng panahon dahil mas importante sa kanya ang pag-aaral.

DALAWANG LINGGO na rin ang nagdaan at marami na rin ang nakilala niya dahil na rin kay Bea.Naging parte na siya ng barkada nito na DE.ADiKZ.Malugod siyang tinanggap ng mga kaibigan nito,palakaibigan sila at matatabil,kaya komportable siya na makakasundo niya agad ang mga ito.DE.ADiKZ ang tawag sa kanila o sa ingles pa na The Addicts.Yun ang tawag sa kanila dahil adik ito sa lahat ng bagay maliban na lang sa drugs,inuman,at premarital sex.Marami na rin kasi ang kabataang nalululong sa mga iyon pero hindi ang mga ito.Kahit pa nga dalawang linggo na ang nakalipas ay kilala na niya sila dahil na rin sa pagsama-sama sa kanila.Nakapunta na siya sa mga bahay nito at magaganda at matitino naman ang family background.

“Ui,Acquaintance na next week,sasayaw na naman ang All Saints,woohoo!” excited na bulalas ni Sara.Napag-alaman niya kasi na kabarkada din ng mga ito ang grupo nila.At kasama doon si Chase,sa tingin niya ay siya ang pinaka-excited sa lahat,di lang niya ipinakita baka malaman ng mga ito na may gusto siya kay Chase.

ACQUAINTANCE DAY..
Ang room ng mga third year ay malalaki at may pinto sa likod ng board ng bawat room na pwedeng i-fold na nagsisilbing partition na humahati sa apat na section.Binubuksan lang ang partition na yon kapag may special events ang school,kaya nagiging isang malaking room yun,kung minsan ay nilalagyan sa loob ng maliit at mababaw na stage kung may banda na magpapatugtog.

At ngayon nga ay binuksan yon dahil Acquaintance Party.Maraming balloons at iba`t-iba pang palamuti sa buong room na iyon.Nakahanda na rin ang mga instrumento para sa banda mamaya.Sa gym rin ay nakahanda na ang stage para sa mga performances.

Nagsimula na ang party at napuno ang room na yon ng puros mga 3rd year.Maingay na maingay ang buong campus dahil sa kasiyahan.

ILANG sandali pa ay isinalang ang isang musikang pang-romantiko
Ang mga lalake ay kanya-kanyang nang yaya sa mga girlfriend nito o mga crush para maisayaw.Nasa sa sulok lang si Anika at ang mga kaibigan niya ay nagsusumiksik sa kasiyahan.Doon na lang siya dahil wala din naman siyang ganoong kakilala.

`Kaya nga Acquaintance eh,gaga!` sabi niya sa sarili.Pero tinatamad siyang pumunta sa gitna,kaya kuntento na lang siya na tingnan ang mga ito na nagsasayawan.Ang iba naman ay same sex ang kaparis kaya medyo natatawa siya.

Habang nanonood sa mga ito ay nakita niya ang pamilyar na mukhang iyon.Si Chase.Sumasayaw ito sa buong room,may pagka-pasaway din kasi ang binata,at habang sumasayaw ito ay parang naghahanap ito ng kasayaw.Hinagod niya ng tingin si Chase.Ewan ba niya,marami namang pareho din nitong gwapo pero naka-magnet ang atensyon niya sa binata.Hindi ito nakakasawang tingnan.

Nangmaramdaman nito na may nakatingin dito ay awtomatikong tumingin ito sa kanya.

Ilang sandali ring nagtagpo ang mga mata nila.Nailang siya sa mga titig nito kaya iniwas niya ang mga mata at ibinaling sa labas ng bintana.Sinadya niya yun dahil baka naligaw lang ito ng tingin,at baka mabasa rin nito sa mga mata niya na gusto niya ang binata.Ganoon siya kapag gusto niya ang isang tao,mas lalo siyang nagiging isnabera.When keeping true feelings,she is an expert.


Nang magsawa sa kakatitig sa kapiligiran sa labas ng bintana ay lumingon ulit siya sa loob ng room.Pero may nakaharang sa mga mata niya.

May tao at nakaharap sa kanya.Nagtaka naman siya at nang mapagsino yun.
She froze..



No comments:

Post a Comment