Saturday, March 21, 2009

WAIT FOR YOU [2] CH 7

WAIT FOR YOU [2] CH 7

GABING-GABI na pero hindi parin makatulog si Anika.Tuluyan pa ring ginugulo ni Chase ang isip niya.Maloloka na siya sa kung ano ang magiging huling desisyon.Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa may pool.Umupo siya sa gilid non.

Parang gusto niyang maglunoy doon at para na rin mahapo ang kanyang katawan at nang makatulog na.Hinubad niya ang lahat ng kanyang saplot maliban sa underwear at lumundag na sa pool.

May narinig siyang mahinang kaluskos mula sa kung saan ngunit hindi niya iyon pinansin.Tumihaya siya at nagpalutang-lutang sa tubig.May narinig na naman siya,pero parang talsik ng tubig.Patuloy pa rin siyang nakapikit nang may biglang humawak sa bewang niya.Gulat na ibinuka niya ang mata at nawalan ng balanse mula sa pagkakatihaya niya sa tubig.

Nang tiningnan kung sino ang ibang taong naroon ay nanlaki ang kanyang mata nang si Chase ang mabungaran.Ibinuka niya ang bibig.Akmang sisigaw ngunit hinila siya nito papunta sa ilalim ng pool at hinalikan.

Mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanyang bewang at pilit siyang nagpupumiglas.Paulit-ulit niyang sinuntok ang dibdib nito para makawala dito.Kahit anong gawin niya ay hindi naman ito natitinag at patuloy pa rin siyang hinahalikan.Gusto niyang kumawala ngunit iba ang isinisigaw ng puso niya taliwas sa kanyang utak.Hindi na niya mapigilan ang sarili at kusang kumilos ang kanyang braso.Ikinawit niya iyon sa leeg nito.Tumutugon na siya sa mga halik ng binata.

Malapit na silang maubusan ng hininga.Kumawala ito sa pagkakahalik sa kanya at hinila na siya patungo sa itaas ng tubig.Humihingal silang nakatitig sa isa`t isa.

“Paano ka nakapasok rito?” gulat na gulat pa rin ang dalaga habang tinanong si Chase.

“Hindi mo ba alam na nag-aakyat bahay ako noon pa?” biro nito.

Irap ang tangi niyang iginawad.

“Anika,let`s get out of here” pabulong nitong sabi.

“Ayoko” mapaklang sabi niya.

“Pero bakit?Magpapakasal ka sa kanya kahit alam mong di ka sasaya?”

Pinatigas niya ang anyo “Sinong may sabi sa`yo na hindi ako sasaya sa piling niya?Magpapakasal ako sa kanya sa ayaw at sa gusto mo”

Puno ng hinanakit siya nitong pinagmasdan.Lalo itong lumapit sa dalaga at hinawakan ang kaniyang magkabilang braso.

“Kung ganon.Tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mong hindi mo na ako mahal.Na wala kanang pagtingin sa`kin.Huli ko na itong pangungulit sa`yo Anika,kaya sabihin mo na sa akin ang totoo.Sige,titigan mo ako sa mga mata”

Hindi niya kaya.Yes,she was an actress.Pero ang titigan ito sa mata?Hell,no.

“Hindi mo kaya?Sinasabi ko na nga ba eh” sabi nitong parang bilib na bilib sa sarili.

Bumuntung-hininga siya at pinagmasdan ng mariin ito sa mga mata.

“Hindi na kita mahal.At kailanman hindi na kita ulit mamahalin.Hinding-hindi na ako padadala sayo.Kaya,pwede ba!Bumalik kana sa pinanggalingan mo Mr.Chase Montenegro” buong tapang niyang wika sa lalaking pinangingilidan na ng luha sa mga mata.

Hindi niya alam kung saan nakakuha ng lakas para sabihin dito ang malaking kasinungalingang iyon.

Bumuga ng hangin ang binata at naihilamos ang isang kamay sa mukha.

“Okay.You don`t love me anymore.Kasalanan ko naman eh,and I guess we are not really meant to be” tila may bikig sa lalamunan nitong bitaw ng mga salitang iyon.Dagli itong umahon sa tubig at bago umalis ay hinarap siya ulit.

“Bye Anika.Sana hindi mo pagsisihan ang piliin siya” saka ito ngumiti na hindi man lang umabot sa mga mata.Tumalikod na ito at dahan-dahang umakyat sa mataas na bakod.Hanggang sa nawala ito ay nakatutok pa rin ang paningin ni Anika doon.Tahimik siyang umiyak.

`Chase,I love you goodbye` saka niya ipinikit ang mata dala ng bigat at sakit na nadarama.

DUMATING na kinabukasan ang pamilya ni Anika.Kahit pa nga inaantok ay ipinilit niya ang sarili na bumangon at naghanda.Ang sama naman tingnan kung hindi niya sasalubungin ng mga ito ng maayos.Siyempre,pamilya niya iyon.

Hindi na siya isinama pa ni Vince.Ito na ang sumundo sa kanila.Pinilit niya ito na isama siya pero doon na lang daw siya sa bahay nito para maghanda.

“Ate Anik!” masaya itong tinawag siya sa palayaw nito sa kanya.Tumakbo ito patungo sa kanya at nagyakapan.

Tiningala siya nito at bumungad sa kaniya ang pananabik na nasa mukha nito at saya.
“Na-miss kita”
Hinagod niya ang maikli nitong buhok “Ako din” nakangiti niyang wika.

Inilipat niya ang tingin sa papalapit na mga magulang.Kasunod lang ng mga ito si Vince.Bumitaw siya sa kapatid at kaagad sinalubong ng yakap ang mga ito.

“Iha,na-miss ka namin.” Wika ng ina at tiningnan ang buo niyang mukha.

Ngumiti siya. “Ako din ho.” Ibinaling niya ang mata sa tatay niya.

“Itay”

Ikinulong nito ang kanyang mukha sa mga palad nito “Kumusta ka na?”

Umakbay siya rito “Okey lang po.Nag-enjoy ba kayo sa biyahe niyo?”

Tumango ang tatay niya “Salamat kay Vince.Akala ko,mamatay ako nang hindi man lang nakakasakay ng eroplano” biro nito.

Tawanan.Saka niya naalala na nandoon pala ang fiancee.Kagyat siyang lumapit dito.

“Salamat Vince.Dahil sayo nakita ko sila ulit.”

Ngumiti ito at niyakap siya. “Wala yun.Ano pa`t magiging magulang ko na rin sila diba?” saka ito tumawa.Nawala ang nakaplaster na ngiti sa mapupula niyang labi.Nang bitawan siya nito ay pinakita niya ulit ang mapagpanggap niyang ngiti.Grand-slam actress na siya kung maituturing.

Kaagad siyang hinila ni Karen “Mama,Papa,Kuya Vince.Punta muna kami sa itaas ha?May pag-uusapan lang kami” baling nito sa kanila.Nagtaka lang siya nang nagmamadali siya nitong hinila patungo sa kanyang kwarto.

Isinara kaagad nito ang pinto at umupo sila sa kama.

“Ate,sigurado ka bang magpapakasal ka sa kanya?” kaagad na wika nito.

Marahan siyang tumango .

“Bakit?Hindi mo na ba talaga siya mahal?” mariin nitong tanong.

Hindi siya sumagot at iniwas ang paningin sa kapatid.

“Ate,kahit hindi mo sabihin.Alam ko kung ano ang nilalaman ng puso mo.Wala ka nang maitatago pa sa akin.Mga bata pa lang tayo,close na tayo diba?Halos magkapareho na nga ang porma ng bituka natin eh.” Nag-aalala nitong sabi.

Nangilid ang luha sa kanyang mata.Buntung-hininga ang ginawa nito.
“See?Your are still inlove with him.Isa-sacrifice mo ba ang feelings mo para kay Vince?Pagsisisihan mo iyan sa bandang huli.Umatras ka na.Ilang linggo na lang at ikakasal ka na.Hindi ka magiging masaya sa piling niya Ate.Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko ha?Wag mo nang ituloy.Marami ang masasaktan.Ikaw.Si Chase.Pati na rin si Vince.Ano lolokohin mo lang siya at ang sarili mo na mahal mo siya?Your crazy.” Iiling iling nitong wika pagkatapos ng huling tinuran.

Tumitig siya sa kapatid “Sa tingin mo pwede pa akong umatras?”

“Oo naman.Huwag mo nang paasahin si Vince.Maglolokohan lang kayo sa harap ng Diyos?Kaya gawin mo na ang dapat.Kausapin mo siya.Pilitin mong ipaintindi sa kanya ang totoong nasasaloob mo”

Magsasalita pa sana si Anika nang may kumatok sa pinto.

“Anika,Karen.Bumaba na kayo.Dinner is ready.” Ani Vince.

Nagkatinginan silang dalawa saka lumabas.

“O anak,bakit di mo pa ginagalaw ang pagkain mo?” untag sa kanya ng itay niya nang mapansin nito ang plato niyang di man lang nababawasan.Marahil ay napansin din nito ang pagkabalisa niya.

She just excused herself at pumunta sa labas malapit sa pool.Buti nalang at di nag-usisa ang mga ito.Hindi niya namalayang sinundan pala siya ng kapatid.Niyakap lang siya nito.No more words needed.Alam na nito ko kung ano ang ipinagkakaganoon niya.

No comments:

Post a Comment