Thursday, March 12, 2009

MUSIC FOR LOVE CH 12

MUSIC FOR LOVE CH 12

PUMUNTA si Greg sa condo unit ng `bagong` nobya na si Sweet.Mahigit isang linggo na rin silang may relasyon.

“Hi hon” bati ni Greg sa nobya at niyakap ito.
Maalab na halik ang tugon niya rito.Sadyang napaka-aggressive nitong si Sweet kaya dinala niya ito sa kanyang kwarto at pinagsaluhan na naman ang mga matatamis na sandali.

NAGISING si Sweet na nakaunan sa kanyang ulo ang matatag na braso ng nobyo.Nakatapis lang sila nito ng kumot hanggang dibdib.Hinaplos niya ang mukha nito at ikinaungol naman yun ng binata.Malaking ngiti ang naka-plaster sa kanyang mga labi.Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala na mahal na siya nito.Hangga`t maari ay ayaw niyang bumalik pa ang ala-ala nito,tawagin na siyang selfish o mang-aagaw pero mahal niya talaga ito.Matagal na niyang inaasam ang ganito at ngayon na mismo ang swerte pa ang lumapit sa kanya ay di na niya ito pakakawalan.Napangiti siya tanda ng tagumpay,hinding-hindi niya ito ibabalik kay Annie.Pero nang maalala niya ang sinabi ng doktor sa kaniya na pwede pang bumalik ang ala-ala nito ay mapait siyang ngumiti.Alam niya na darating din ang araw na iyon kaya susulitin na niya ngayon ang mga panahong makakasama niya ito.Kahit papano ay naranasan man lang niya kung paano naging masaya si Annie sa piling nito,pilit niyang isiniksik sa utak na mas bagay siya sa posisyon nito noon pa man.

Natigil sa pag-iisip si Sweet ng bahagyang gumalaw ang katabi at dahan-dahan nitong ibinuka ang mga mata.Tumingin siya dito ng puno ng paghanga.Kahit magulo pa ang buhok nito ay lalo pa itong naging gwapo sa kanyang paningin,lalo na nung sinuklay nito ang buhok gamit ang mga daliri nito.Tumingin ito sa kanya ng maramdaman nitong hinahagod niya ito ng tingin.

“Hmm,gising ka na pala” Tumingin ito sa wall clock at napabalikwas ng bangon ng malamang 5:00 na pala ng hapon.Saka ito tumingin sa labas ng bintana na nagbabadya na ng ulan

“Hon,aalis na ako.Malapit na kasing umulan eh” wika nito habang nakatayo kahit pa nga walang saplot.Isa-isa nitong dinampot ang mga damit at isinuot iyon.

“Aalis ka na?” nakapangalumbaba niyang tanong.
Nangiti si Greg sa reaksyon nito.Nilapitan niya ito at dinampian ng halik sa labi.

“Ano ka ba?May bibilhin ako dahil magluluto ako para sayo.Hindi naman ako uuwi eh,dito ako matutulog” ani Greg.

Sumilay ang kanyang ngiti sa labi.Ito ang pinakagusto niya sa lalake.Napakalambing nito at maalaga kaya nga siguro minahal din ito ni Annie.Nagpaalam na ito sa kanya at dali-daling umalis para di maabutan ng ulan.

MAPAIT na ngumiti si Annie habang pinagmamasdan ang sariling kwarto.Naalala niya ang mga sandaling sinabi nito sa kanya na di siya nito iiwan.Pati na yung araw na pinigilan nito ang sarili na huwag muna silang magtalik dahil gusto siya nitong dalhin sa altar na malinis.Pero paano pa nito magagawa yun kung pati nga pagmamahal nito sa kanya ay nakalimutan na rin nito?

Pinatugtog niya ang radyo at pumailanlang doon ang kantang TELL ME ni Joey Albert.Humarap siya sa malaking salamin sa kanyang kwarto kung saan nakadikit doon ang mga larawan nila ni Greg.Larawan ng kanilang pagmamahalan.Isa-isa niya yong hinawakan,paano na maibabalik ang mga sandaling katulad ng nasa larawang yon?Masakit isipin na bigla na lang mawawala ang pagtingin nito sa kanya.At ang masakit pa,sa ahas na babae pang iyon naibaling ang atensyon nito.

Kung noon ay sobrang saya niya,ngayon ay puno ng sakit,paghihirap,lungkot ang dinadanas niya.Totoo nga pala ang kasabihan na kung sino pa yung nagpapasaya sayo ay siya rin mismo ang magdudulot ng matinding sakit sa damdamin mo.Pag-ibig nga naman.Kung minsan nakangiti sayo ang kapalaran at kung minsan ay luhaan..

♪ there are nights when i cant help but cry

and i wonder why you have to leave me
why did it have to end so soon
when you said that you would never leave me

tell me where did i go wrong?
what did i do to make you change your mind completely
when i thought this love would never end
but if this love's not ours to have i'll let it go with your goodbye

why did it have to end so soon
when you said that you would never leave me

tell mewhere did i go wrong?
what did i do to make you change your mind completely?
when i thoughtthis love would never end
but if this love's not ours to have i'll let it go with your goodbye... ♪

Grabe sapul na sapul siya ng kanta.Goodbye?Kailangan na ba niyang magpaalam sa nararamdaman para kay Greg?Kailangan na ba niyang pakawalan ito sa puso niya?Sa tingin niya kasi ay mahal na nga nito ang Sweet na iyon at tuluyan na siyang nakalimutan.Pero hindi siya duwag,siya ang tipo ng babaeng hindi agad sumusuko.Ipapaglalaban niya ang pag-ibig dito.Pero kapag mahal na nga nito ang babaeng iyon ay siguro nga kailangan na niya itong pakawalan.

Napag-isip-isip niya na maglakad-lakad muna sa labas.Nag-iba na kasi siya.Bihira na siya kung tumawa,nawala na ang sigla niya simula nung nagka-amnesia si Greg.Naisip niya na magpahangin muna sa labas at pipiliting aliwin ang sarili.

“NAKU,mukhang uulan pa ata” bulalas ni Annie nang makita ang ulap na nagsisimula nang dumilim.Nagpalinga-linga siya para makahanap ng puwestong masisilungan sandali.

Si Greg naman sa kabilang kanto ay nasa isang maliit na merchandiser.
“Miss,pakidali yung mga pinamili ko.Babagsak ng ulan o?” irita nang wika nito.Tumalima naman ito at ibinigya na sa kanya ang mga pinamili.Paliko na siya sa isang kanto ng ..

Lakad-takbo ang ginawa ni Annie para makakita agad ng masisilungan,dahil umaambon na talaga nang makita niya ang kanina pa iniisip..
Nakatalikod ito kaya hindi siya nito kita kaya tinawag nalang niya ito.

“Greg?Greg!” mabilis siyang lumakad papalapit dito.Huminto sa paghakbang ang binata pero saglit lang,pinagpatuloy din nito ang pagmamadaling lumakad

“Anak ng tokwa!” bulalas niya nang tuluyan ng bumagsak ang napakalakas na ulan.Hindi na niya pinansin ang tumawag sa kanya dahil sa sobrang pagmamadali.Nang hablutin ni Annie ang t-shirt niya at niyakap buhat sa likod.Nag-alala siya ng marinig itong humihikbi.Ipinikit na lang niya ang mga mata dahil parang nagustuhan niya ang pagyakap nito.Itinaas niya ang mukha sa langit at hinayaang dumampi ang likidong nanggagaling doon.Natigilan siya ng maalalang umuulan nga pala,basa na ang kanyang pinamili at baka magkasakit pa ang taong nasa likod niya.

“Annie,bitiwan mo na ako.Di mo ba nakikita,ang lakas ng ulan o?Baka magkasakit ka niyan” alam na niya ang pangalan nito dahil nabanggit sa kanya ng mga kaibigan.

“Hayaan mo muna ako Greg.” garalgal ang tinig na wika ni Annie.Na-miss talaga niya si yabang na minahal siya nung araw.Hindi niya maintindihan ang nararamdaman.Masaya dahil nayakap niya itong muli kahit ngayon lang but at the same time ay malungkot dahil na siya nito mahal.

Matagal na sila sa ganoong ayos at gusto nang kumawala ni Greg.Pinigil ito ni Annie kaya nanatili pa rin silang ganoon.Hinayaan na muna ito ng binata.Alam niyang mahal siya nito ayon sa mga kaibigan at magulang niya,pero he felt sorry for this girl.Wala talaga siyang maalala about dito.

“Greg,mahal na mahal pa rin kita.Ano ba kailangan kong gawin para mahalin mo ako ulit?Mababaliw ako sa kakaisip sayo.Miss ko na ang mga yakap mo,mga halik mo,lahat ng mga ginagawa mo sakin” umiiyak nitong sabi sa kanya.

Napabuntung-hininga si Greg “Annie.Forget about me,i`m sorry but I don`t remember anything no matter how I tried.Sinasabi ko na rin sayo to dahil ayokong patuloy kang umasa kahit..kahit iba na ang mahal ko” paliwanag nito sa kanya at kinuha ang pagkapulupot ng braso niya sa beywang nito.

“I`m sorry I really need to go,magluluto pa ako para kay Sweet ng mechado eh” sinadya na ring banggitin iyon ni Greg para pakawalan na siya nito.Ayaw niyang paaasahin niya ito sa wala.Ayaw niyang makasakit ng damdamin pero kailangan niyang gawin yun.

Palakad-takbo na siyang pumalayo sa dalaga at tuluyan nang umalis.Hinagod na lang ni Annie nang tingin ang likod ng papalayong binata.Ang sakit-sakit ng sinabi nito sa kanya.Habang lumalabas ang bawat kataga sa bibig nito ay parang mumunting karayom na tumutusok sa dibdib niya.Ang masakit pa,ipagluluto pa ni Greg ng mechado si Sweet na siyang tinuro niya dito kung paano lulutuin.Unti-unti na siyang napaluhod sa kinatatayuan habang nakatakip ang mga palad sa mukha.She really can`t help but break down and cry.Mabuti na lang at walang napapadaan na sasakyan doon.Mismo ito na ang nagsabi na mahal na nito si Sweet,siguro nga ay kailangan na niya itong pakawalan,dahil wala na siyang maaasahan dito.Kung masaya na ito sa piling ni Sweet ay dapat rin na siyang maging masaya..


*Coz letting love go is never easy But I love you so that`s why
I`ll set you free But I know someday,somehow
I`ll find a way to leave it all behind me
Guess it wasn`t meant to be but baby
Before I let you go I want to say I love you..

No comments:

Post a Comment