WAIT FOR YOU CH 8
NAG-INTERNET na naman si Anika nang gabing yon at nag-sign-in sa YM niya.Hindi niya maintindihan,gusto na niyang kalimutan si Chase pero heto siya at naghihintay kung kailan ito mag-o-online.Ang binata lang ang inaabangan niya.
Gusto niyang batukan ang sarili.Gusto niya raw itong kalimutan pero parang bumalik ang nakaraan.Hindi niya maiwaksi sa sarili na kahit papano ay umaasam na naman siya ng kahit konting pagtingin mula sa binata.
Napag-isip-isip niya kaninang madaling araw na kahit ano pa ang kahihinatnan ng lahat,handa siyang pasukin iyon.Aaminin niya dito kung gaano niya ito kamahal.Pinagsisihan niya yung mga araw na mayroon siyang tsansang sabihin ang nararamdaman para kay Chase,pero hindi niya ginawa.
Chase.Bagay ang pangalan nito dito.Feeling niya ay hinahabol-habol niya ang binata.Pero hindi na siya magiging duwag,aaminin na niya talaga ngayon kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman.Matinding pagdurusa ang napala niya nung mga araw na di niya nasabi sa binata iyon.Mahal man siya nito o hindi,sasabihin pa rin niya sa binata.
NAGING masigla ang gabi ni Anika nang makitang nag-online na nga si Chase.Naghintay muna siya ng ilang sandali.Gusto niya ito ang maunang mag-chat sa kanya.Parang pakipot effect.Nagtagumpay naman siya ng mag-IM ang binata sa kanya.
Chex1971:hi Nikx! Gud eve :]
Blueberry:ui,hello.nu gawa mo?
Chex1971:wala,dito lang ako sa dorm.wala kami pasok eh.
Blueberry:ah..hehe
Chex1971:musta na kayo ng boyfriend mo?
Hindi na muna niya sinagot ang tanong nito.
`Sasabihin ko ba ang totoo?sus,okey lang wala naman mawawala sakin eh`
Chex1971:BUZZ!
Blueberry:chweng,wula ako bi-ep ui.
Chex1971:huh?weh di nga .sa ganda mong yan?
`Oo,wala akong magustuhan.Dahil ikaw lang ang gusto ko!`
Blueberry:wala talaga,really.
Chex1971:ikaw,sabi mo eh
Chex1971:cam 2 cam tau?
Blueberry: woah.hiya ako .ikaw nalang.
Ang totoo,ready naman siyang makipag-cam to cam dito,pero inayos muna niya ang sarili sa harap ng salamin.
Chex1971:sige
Ilang sandali pa ay nakita na niya ito.Gwapo pa rin ang binata at nagkakaroon na ng laman ang katawan nito,patpatin kasi ito noon.Hindi naman sobrang skinny,nadagdagan lang ang muscle nito,pero napansin niyang haggard ito.
Chex1971:o ayan!haha,half-naked ako
Chex1971:ang init dito sa dorm eh
Chex1971:tapos hindi pa ako naligo,haha
Blueberry:ok lang yun,di naman kita naaamoy eh,haha
Chex1971:wee
Chex1971:sige na,cam mo,matagal na kita di nakita eh
Chex1971:pagbigyan mo naman ako :[
`Yan lang naman ang hinihintay ko eh,ang pilitin mo `ko`
Blueberry:sige na nga
In-on na niya ang webcam niya.
Chex1971:woah!ayan kita na kita
Blueberry:hehe nyanya!
Chex1971:ang ganda mo pa rin eh
Blueberry:sus,bolahin mo lelong mo.
Chex1971:ayan ka na naman eh,ayaw mo na naman akong paniwalaan :[
Blueberry:sige na nga,tanggap ko na kahit di naman totoo
Blueberry:haha
Chex1971:sure ka ba na wala kang bf?
Blueberry:wla nga,kulit eh
Blueberry:haha
Nangunot ang noo ni Anika nang hindi ito mag-reply.
Blueberry:BUZZ!
Chex1971: bakit wala?
Blueberry:ayoko lang,concentrate mo na ako sa studies ko
Blueberry:tsaka nakakasakit lang sa puso yang makipag-boyplen :DD
Chex1971:ah
Matagal na naman itong nag-reply kaya di na siya nakatiis at nag-Buzz ulit sa binata.
Blueberry:BUZZ!
Chex1971:ang totoo..
Chex1971:wala na kami
Nabigla si Anika sa ipinagtapat nito.Alam na niya kung bakit naging haggard ito,sigurado kasi siya na mahal na mahal nito si Nadine.
Blueberry:huh?why?
Chex1971:busy siya sa studies niya eh,tapos malau pa skul niya sa skul ko :[
Blueberry:ah,so hindi ka niya kayang alagaan?
Chex1971:siguro,kaya nga siya nakipag-break sakin
Blueberry:at pumayag ka naman?
Chex1971: pumayag na lang,wala naman ako magagawa eh
Chex1971:ayokong maging sagabal ako sa studies niya
Naiiinggit siya para kaya Nadine,sinacrifice nito ang nararamdaman para sa dalaga para hindi ito maka-istorbo sa pag-aaral nito.
Blueberry: hindi naman siguro sagabal.
Chex1971:ewan ko sa kanya..
Chex1971:ang sakit pala ng ganito
Chex1971:mahal na mahal ko siya Nikx eh
Napabuntung-hininga si Anika sa sinabi nito.
`Sinasabi ko na nga ba eh,mahal na mahal niya iyon.Bakit ba kasi hindi nalang ako ang piliin mo?`
Blueberry: masakit talaga yan,lalo na pag mahal mo talaga yung taong iyon.
Blueberry:naranasan ko na yan eh,kaya ayoko munang pumasok sa isang relasyon
Chex1971:ganun ba?sino naman yung guy na nanakit sayo?
`Che!Ikaw kaya no.Nagtanong ka pa.
Chex1971:kilala ko ba?
Blueberry:hindi
Chex1971:ah
Chex1971:nikx,di muna ako uuwi diyan sa`tin.
Chex1971:tatapusin ko muna pag-aaral ko bago ako uuwi diyan
Blueberry:teka,4 yrs?
Blueberry:ang tagal kaya non.
Chex1971:oo nga,kaya hintayin mo ang pagbabalik ko ha?
`Hintayin?Well,oo.gagawin ko talaga yun`
Blueberry:oo naman! Ako pa!
Chex1971:sige sige,mag-iipon ako ng pera
Chex1971: tapos pag nagkita na tayo
Chex1971:magiging successful na ako ^^
Chex1971:kaya hintayin mo ako ha?
Chex1971:pwede bang ako muna ang special guy sa buhay mo?
`Schucks!Oh no,don`t tell me`
blueberry:what do u min?
chex1971:uhm,gus2 ko lang maging mas close pa tayo
chex1971:liligawan kita pag balik ko diyan
chex1971:pero malaya kang makipag-boyfriend sa iba
chex1971:sa ngayon,ha?ha?
Kumabog ang puso ni Anika.Ibig bang sabihin nang binata,ibabaling nito kay Anika ang pagtingin niya?
chex1971: payag ka?
Nag-isip saglit si Anika.Alam niya na papayag din siya.Alam din niya na masasaktan siya sa huli,pero estupida siya,tanga pagdating dito.Magsisinungaling siya sa sarili na may gusto pa rin ito sa kanya.
blueberry: ok,baby i will wait for you
chex1971:haha,if you think i found it just ain`t true
blueberry:haha karaoke tau pagdating mo dito..
chex1971:o ba!
chex1971:sa totoo lang Nikx
chex1971: may gusto pa ako sayo hanggang ngayon..
chex1971:naaalala mo ba nung high school?
blueberry: yep,i`m sorry
blueberry: i regretted it :(
chex1971:ok lang yun,mga bata pa tayo nun diba?
chex1971:nakalimutan ko na yun
Ngumiti si Anika dahil sa sinabi nitong gusto pa siya nito at kinalimutan na ang nakaraan.
`Oo nga mga bata pa tayo nun,pero minahal na kita.
Hindi na palalampasin ni Anika ang pagkakataon,aamin na siya dito.Kinakabahan siya kung ano ang magiging reaksyon nito,pero she`s willing to take the risk.
blueberry:mahal kita Chase,noon pa
blueberry:na -shock ka ba?
blueberry:BUZZ!
chex1971:matagal ko nang alam iyan
Nanlaki ang kanyang mga mata `Sino naman kaya ang nagsabi?baka si Bea?o si Sara?`
blueberry:pano mo nalaman?
chex1971:sa mga mata mo
Nahilamos ni Anika ang kanyang mga palad sa mukha.
`Sinasabi ko na nga ba,ang mga mata ko ang salarin.Aish!`
bluberry:hmm,pero di ako nagbibiro
blueberry:totoo lahat yun
blueberry: na-shock ka ba?
blueberry:sana di ko na lang sinabi
Matagal na naman itong nag-reply.
blueberry:BUZZ!
chex1971:nope,it`s fine
chex1971:at least ko diba?
chex1971:basta hintayin mo ako
chex1971:magkikita tayo,tandaan mo iyan
chex1971:mag-aaral ako para sa future,ikaw din
chex1971:malay mo future natin diba?hehe
chex1971:basta,for now friends muna
chex1971:concentrate sa studies ha?
chex1971:after 4 years or 3 years!
chex1971:dun tayo sa plaza,sa grounds^^
blueberry:sige,hihintayin kita
blueberry:pag nagkita na tayo
blueberry:succesful na tau :]
blueberry:antok na ako,slip na tau?
blueberry:may pasok ka pa 2morow db?
blueberry:i love you!haha
chex1971:sige,sleep tyt
chex1971:bye
Nag-kawayan sila sa webcam at nauna na siyang mag-sign out.
HANGGANG sa nakahiga na siya sa kama,di pa rin siya makapaniwala na nasabi na niya kay Chase ang nararamdaman. Iniisip niya kung ano kaya ang magiging itsura nito,sigurado siya na mas lalo itong gugwapo.Pinangako niya sa sarili na mag-aaral siya ng mabuti,at gagawin ang binata na kanyang inspirasyon.Mas lalo siyang ginanahan na pumasok sa eskwelahan.Kapag nagkita sila nito,sisiguraduhin niyang maganda siya para tuluyan na itong mahulog sa kanya.Naging masaya at mahimbing ang kanyang pagtulog ng gabing iyon.
No comments:
Post a Comment