Tuesday, March 17, 2009

WAIT FOR YOU CH 9 (END)

WAIT FOR YOU CH 9 (END)

ILANG buwan din silang nag-cha-chat ni Chase.Hanggang umabot sa isang taon,pero habang tumatagal ay parang minsan na lang ito kung kausapin siya.Iniisip na lang niya na busy ito sa pag-aaral.Kaya hinayaan na lang muna niya ito.Nag-iiwan lang siya ng message dito kahit pa offline ito.

Pinaghuhusayan niya ang sarili sa eskwelahan,at si Chase ang iniisip niya,ang inspirasyon niya.Graduate na siya at nag-alok na ang Tita niya ng magandang trabaho sa Singapore.Pero uunahin muna niya ang pakikipagkita kay Chase.

Nasasabik na siyang makita ang binata,kaya hindi siya halos magkanda-ugaga sa paghahanda,sa pagpapaganda.Mahigit apat na taon ang binilang niya hanggang sa umabot na sa araw na ito.Gaya ng sinabi nito,sa park sila magkikita.Excited na siya at hindi na mawari ang kanyang pakiramdam na makausap at makita ito sa personal.

Iba na siya ngayon,sa pananamit at postura.Dahilan na rin siguro ng kanyang tinapos na Tourism.Disiplinadong-disiplanado sila pagdating sa mga ganoong bagay.Sa pananalita,sa mga sinusuot na damit dapat presentable,sa make-up,sa tindig.Lahat nagbago,pero hindi ang kanyang isip at puso.

Nagsuot siya ng yellow summer dress na hanggang kalahati ng binti na lalong nagpatingkad sa kanyang mala-porselanang balat.Hindi siya ganoon kaputi noon,mas nag-mature na siya kaya mas lalo niyang inaalagaan ang sarili,pati ang kanyang katawan.Walang marka ang kahit saang parte ng kanyang balat,kaya mas lalo siyang naging confident.Ang damit na iyon ay hapit na hapit sa magandang hubog ng kanyang katawan.Face powder at lipgloss lang ang nakabahid sa kanyang mukha,na mas lalong nagpapakita ng kanyang kainosentehan.Pearl studs at bracelet ang kanyang ginamit na palamuti.Hinayaang niyang nakalugay ang lampas balikat na inat na inat niyang buhok.Wedge na may sunflower na dekorasyon sa gitna.Bumagay rin sa panahon ng summer ang kanyang kabuuan.

HABANG nakasakay na siya ng taxi ay iniisip niya kung anong sasabihin sa binata.Mamamangha ba ito sa ayos niya.Kung yayakapin ba ito pag nagkita na sila.Dadalhin ba siya nito sa isang date.

Lahat na lang ng sweet moments na iniisip niya ay nagbibigay ngiti sa kanyang mga labi.Kung pwede lang na patakbuhin niya ng mas mabilis ang oras,kanina pa niya ginawa.Hindi na kasi siya makapaghintay na masilayan ang lalaking matagal ng bumihag sa puso niya.

Huminga ng malalim si Anika ng makababa na sa sasakyan pagkatapos niyang nagbayad sa drayber.Malaki ang kanyang ngiti habang hinihintay sa isa sa mga bench na nasa parke si Chase.Malapit sa kinatitirikan ng malaking puno ang kanyang inuupuan kaya hindi siya naiinitan ng umagang iyon.Masarap ang simoy ng hangin doon at komportableng-komportable sa kapapanood sa mga taong namamasyal rin sa lugar na iyon si Anika.

Nang mapagsawa sa kakatingin sa mga taong paroo`t parito ay naramdaman na ang presensiya ng taong nasa gilid niya.Tumingin siya dito at nakaramdam agad ng excitement at tuwa ng makita ang kanina pa hinihintay.Tumayo siya at niyakap ito at wala sa sariling napatingin sa mga taong ilang metro ang layo sa kanila.

Nangunot ang noo niya,kasama nito ang ibang kaibigan pati na si Nadine na naka-taas ang kilay habang naninigarilyo.

`Maganda pa rin siya,pero mukhang naging liberated.Pero bakit sila magkasama?`

Binitiwan na niya ang binata at ngumiti dito ng pagkatamis-tamis.Hindi na ininda ang inis nang inirapan siya ni Nadine.Tinitigan muna niya ito ng mariin,nagbago na rin ito.Ang Chase na medyo patpatin pa noon,ngayon he was buffed in the right places.Lalo lang umigting ang pagtingin niya dito.

“Hi,musta ka na?Lalo kang gumanda,alam mo ba yun?” masigla nitong bati sa kanya habang hinahagod siya ng tingin nito ng head to toe.

“Hello,ok lang ako” pa-demure niyang sagot.

“Hmm,thanks” dugtong niya sa papuri nito.

Kitang-kita sa mga mata ni Chase ang pagkamangha sa kanya kaya lihim na nagdiwang ang puso ng dalaga.Todo effort talaga siya para mapa-impress ito.

“Nga pala,ba`t mo sila kasama?” tukoy niya sa mga kaibigan nito at ni Nadine.

Tumingin muna ito sa mga kaibigan at nginitian si Nadine.Nag-flying kiss naman ito kay Chase na lalong nagpagulo sa kanyang utak sa mga ikinikilos nito.

“May papasyalan kasi kami eh,alam mo na.Matagal na rin kaming di nagkita ng mga yan” sagot naman nito at ibinaling na sa kanya ang tingin.

“Ah,eh si Nadine?Bakit mo siya kasama?” mahinhin niyang tanong at nakangiti pa rin para mas lalo itong humanga sa kanya.

Mahina itong tumawa na wari ay kinikilig.

Inilapit nito ang mukha sa kanya,ipipikit na sana niya ang mga mata dahil ang akala niya ay hahalikan siya nito.Nadismaya siya ng inilapit lang pala nito ang bibig sa kanyang tenga para bumulong.

`Kami na ulet` humagikgik ito pagkatapos nitong ibulong sa kanya ang mga katagang nagpawala sa kanyang ngiti at sigla.

Nagpanting ang kanyang tenga sa narinig.Nanginig ang kanyang kalamnan,parang hindi siya makahinga.Parang tinakasan ng kulay ang kanyang mundo,gumuho.Ang kanyang puso ay ulit binasag nito ng pinong-pino.

Tinitigan niya itong nagtatanong ang mga mata.Humahapdi na ang kanyang mga mata na siyang dahilan ng ikina-kunot nito ng noo.

Binigyan niya ito isang malutong na sampal.Nabigla naman ang binata at hinawakan ang pisnging nasaktan.

“Nagkabalikan?Ang ibig mong sabihin,nakalimutan mo iyong pangako natin sa isa`t isa?Ha?!” bumalong na ang luha sa kanyang mata.

Tahimik lang itong nakayuko at nakikinig sa mga binibitawan niyang salita.

“Bakit di mo man lang sinabi sa akin?Chase,umasa ako.Naniwala ako.Pero anong ginawa mo? Sinabi ko na sayo noon pa na mahal kita diba?Bakit nilihim mo sa akin na kayo na pala ulit?Hindi mo man lang inisip na ako!Ako na matiyagang naghintay sayo!Hindi mo man lang inisip ang damdamin ko,kung masasaktan ba ako.You are so INSENSITIVE.Tinupad ko yong sinabi mo sa akin na hihintayin natin ang bawat isa.Hinintay kita ng apat na taon,pero ikaw,nagpapakasaya ka sa piling niya.Habang ako,panay ang dasal na magkita na tayo kaagad,dahil sabik na sabik na akong makita ka!” pumiyok siya habang hirap na hirap sa loob na sinasabi iyon.

“Anika,look-I`m sor—“

“No!Wag kang mag-sorry,dahil oo alam ko naging tanga ako.Pero bakit?Bakit mo sinamantala ang pag-ibig ko sayo.Sana di ko nalang sinabi yun sayo,ayan tuloy lumaki ang ulo mo!” patuloy na hikbi ni Anika.

“BAKIT PA KAILANGANG LOKOHIN ANG MGA KATULAD KONG NAGMAMAHAL LANG NG TOTOO?” may pait sa tono at mukha habang binitawan ang mga salitang iyon,wishing that Chase could understand what she`s feeling.

“I`m so sorry” mahina at nag-aalalang sabi nito habang hinawakan ang kamay niya.Kulang nalang ay lumuhod ito sa harapan ni Anika.

Ipiniksi niya ang mga kamay nitong nakahawak sa braso niya.

“CHASE,SORRY IS NOT ENOUGH PARA MAKUHA ULIT ANG TIWALA KO” mahina at nanginginig ang labing sabi niya na balot na balot ang hapdi at kirot sa mukha.

Kaagad na siyang tumalikod dito at tinakpan ng kamay ang bibig habang tumatakbo papalayo rito.

“Anikaaaa!” tawag nito pero patuloy pa rin siya sa pag-takbo at patuloy pa ring umasa sa kahuli-hulihan na kahit pigilan man lang siya nitong lumayo.

Nang ilang metro na ang layo dito ay tiningnan niya ito ulit,para lang madagdagan ang sakit na nararamdaman nang makita ito na hinahawakan ni Nadine sa braso.Parang pinipigilan pa ito na.Tinitigan lang siya ni Chase na nag-aalala at nagpapaumanhin.

Iniwas na niya ang tingin sa mga ito at tuluyan nang lumayo sa lugar na iyon.

`Bakit ikaw pa ang minahal ko?!Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?Bakit?!`

Tanong niya sa sarili habang tumatakbo patungo sa isang baywalk di rin malayo-layo sa park.

NAKAUPO si Anika paharap sa malinaw na tubig.Doon muna niya pinalipas ang oras at umiyak ng umiyak.Wala siyang pakialam sa mga taong tumitingin sa kanya.Ang importante mailabas niya ang sakit na nasa kaibuturan ng kanyang puso.Hindi siya makapaniwala,all these years naghihintay lang pala siya sa wala.Hindi rin siya makapaniwala na kahit ilang beses nang nabasag ang puso niya ng pinong-pino,heto pa rin at gumagana pa.

Ayaw na muna niyang umuwi.Sigurado mangungulit na naman ang kapatid niya sa nangyari at ayaw niyang mag-alala pa ito pati na rin ang mga magulang.Gusto niyang sumigaw sa buong mundo ang naging katangahan niya.Nag-effort pa talaga siya sa pagkikita nila.

`You already know it Anika,you’re an idiot!you`re stupid,your ..UNLOVED`

May pait na ngiti sa labi niyang daing sa sarili.Napagtanto niyang mahal pa rin niya ito kahit ilang beses na siyang nasaktan.Alam niya na mapapagod din siya.Hahayaan na lang niya ang Diyos na mag-desisyon sa kapalaran niya sa pag-ibig.

`Masakit man isipin,pero kailangan kong tanggapin na kailanman hindi magiging tayo para sa isa`t isa`

Nakatingin lang siya sa kawalan at walang patid ang kanyang paluha nang binubulong niya yun sa sarili.

Napatingin siya sa dagat.Biglang pumasok sa isip niya ang magpakalunod.Pero kaagad din niya yung iwinaksi sa utak.Hindi niya sasayangin ang ganda para lang diyan.Alam niya na may darating at karapat-dapat para sa kanya.

No comments:

Post a Comment