Thursday, March 19, 2009

WAIT FOR YOU [2] CH 3

WAIT FOR YOU [2] CH 3


NAITAAS ni Anika ang gilid ng kanyang labi nang makita ang mga mensahe sa kanya ni Chase.

`Hmp.Kapal ng mukha niya`

Kahit nagalit siya rito ay hindi pa rin matutumbasan ang pagmamahal niya sa binata.Ayaw na sana niyang makipag-ugnayan dito,pero kating-kati na ang mga kamay niyang mag-type sa keyboard para mag-reply sa binata.Isa ring dahilan kung bakit ayaw niyang mag-respond kay Chase,nasa trabaho siya,sa kompanya ni Vince.Nakakahiya naman kung makita siya nitong nakikipag-chat samantalang nasa trabaho siya.

Pero hindi mapigilan ni Anika ang saril.Lumilingon-lingon muna siya sa mga katrabaho.Nang masigurado na busy ito sa kani-kaniyang trabaho ay kaagad siyang tumipa sa keyboard.

Sinabi niya kay Chase na tumigil na,dahil nanahimik na siya.At kahit kailan,hindi na siya maniniwala dito.

Pagkatapos niyang mag-reply sa binata ay saka niya sinign-out ang Ym.Hindi niya namalayang napatulala siya dahil sumagi na naman sa kanyang alaala ang mga nangyari sa kanya sa Pilipinas.

May tumikhim sa kanyang gilid.Bahagya pa siyang napaigtad ng marinig ang baritonong boses nito.

“Is there any problem Anika?” tanong nito nang mapansing balisa siya.

Kaagad niyang pinasigla ang sarili at umiling. “Hindi,wala.Pagod lang siguro”

Tumango lang ito. “Tara,lunch tayo.Treat ko” nakangiti nitong yaya sa dalaga.

“S-sige” saka niya kinuha ang shoulder bag saka sila lumakad.


“ANIKA,kanina ko pa napapansing lagi kang tulala.Just don`t hesitate to tell me if there`s something wrong,okey?” nasa pag-aalala ang tono nito.

Bahagya lang siyang tumango “Medyo pagod lang talaga eh” pilit siyang ngumiti,at umiwas sa tingin nito habang kumakain.

“Ok” halatang hindi naniniwala “Tapusin na natin tong kinakain natin,and then pasyal tayo” nakangiti ito habang ngumunguya.

Kumunot ang noo niya “Ha?Saan tayo pupunta?Tsaka pa`no yung trabaho natin?”
“Don`t worry,I already called Ben earlier.He can manage” tukoy nito sa business partner.

“Ah,s-sige bah.” Pumayag nalang siya kahit walang ganang mamasyal,ayaw niyang ma-dissapoint si Vince.

Tumigil saglit si Vince sa pagnguya at parang may naisip.

“Hmm,how about a 1 week vacation?” naningkit ang mata nitong nagtanong sa kanya.

Tumaas ang kilay niya “Teka,parang sobra naman ata yan?Kabago-bago ko pa bakasyon agad?” parang di makapaniwalang wika niya.

Mahina ang naging pagtawa ni Vince “Ok lang,gusto ko lang mag-relax kasama ka” makahulugan nitong sagot.

Napakagat siya sa labi at mariin itong tinitigan.Kaya kaya niyang ibaling ang pagtingin dito?Well,susubukan.Kaya pumayag na siya sa gusto nito.Gusto rin niyang mag-relax para naman kahit sandali ay mawaglit sa utak niya ang manlolokong si Chase.

“WELCOME to paradise!” malaking ngiti ang nakapaskil sa mga labi ni Vince.

Nanlaki ang mata ng dalaga sa nakitang kagandahan ng paligid “Wow! Sa inyo to?Ang ganda,and ang linaw ng tubig sa dagat!” bulalas niya.Isa yung white beach,may malaking resthouse ilang metro ang layo mula sa malinaw na tubig dagat.Private resort na pagmamay-ari ng ina ng binata.Patay na ito kaya si Vince na ang nangangalaga.

“Yup.Dito talaga ako pumupunta pag may problema o gustong mag-relax”

Nakangiti siyang tumango “Grabe,ang ganda talaga” at ipinakita dito ang maaliwalas niyang mukha.

Kaninang umaga sila umalis papunta dito.Kanina rin ay hindi excited si Anika na pumunta doon,pero sumigla siya ng makita ang lugar.Iba talaga pag nature na ang makikita.

Parang nag-aanyaya kay Anika ang dagat na maligo siya.Tumakbo siya patungo sa resthouse.

Kunot-noo siyang sinundan ng tingin ni Vince “Hoy!Iiwanan mo pa ako ah?”

Hinabol siya nito pero pinatulin niya ang pagtakbo patungo doon.Tawa pa sila ng tawa ng nasa loob na sila.

“Sige,magbibihis lang ako.Gusto ko kasing maligo don” wika niya sa binata.

“Ok,ako rin magbibihis muna” saka sila pumanhik sa kani-kanilang kwarto.

Isinuot ni Anika ang dalang swimwear.Itim na two piece bikini na lalong nagpatingkad sa kanyang kaputian.Naglagay muna siya ng sunblock at pagkatapos ay isinunod niya ang puting shawl para takpan muna ang katawan.

Pumunta siya sa kwarto ni Vince at kumatok sa pinto.

“Vince,pwede bang mauna na lang ako?” tanong niya dito.

“Sige,okey lang.Malapit na rin akong matapos eh”

Nagpaalam na siya at tumakbo palapit sa beach.Kinuha niya ang shawl na nakabalot sa kanyang katawan saka lumusong sa dagat.Pinagsawa niya ang katawaan at lumangoy paroo`t parito habang si Vince ay nakasunod na,umupo sa buhangin at pinapanood siya.

Nang mapagod ay itinigil ang paglangoy at tumayo sa mababaw na parte ng beach.Napasinghap si Vince sa ginawi niya nang hinilamos ng kanyang palad ang mukha para hawiin ang ibang hibla ng buhok na tumatabing doon.Para itong isang Diyosa at dahan-dahan ay lumalapit sa kanya.Manghang-mangha itong nakatingin sa kanyang makurbang katawan.Pero walang nakita ang dalaga na kamanyakan sa mga mata nito.

Hindi rin maiwasan ni Anika na humanga sa binata.Napakakisig nito.Bumagay dito ang suot nitong puting boardshorts.Mula sa malapad nitong balikat pababa sa matipuno nitong dibdib,sa impis nitong tiyan,sa mahahaba nitong binti na nakalatag sa buhangin.

Nang tuluyang makalapit dito ay tumawa siya dahil sa nakikitang reaksyon sa mukha ni Vince.

“What?” natatawa parin niyang tanong.
Ipinilig nito ang ulo at tumawa rin pagkaraka “Nothing.It`s just that..” huminga ng malalim at tumawa ulit.

“You`re so beautiful” nahihiya nitong bulalas.Ngumiti ang dalaga at tinabihan ito.

“Naks!Talaga?” pa-humble pa niyang wika saka tumingin sa beach.

Napaigtad siya nang maramdaman ang mainit nitong hininga sa kanyang batok at dinampi doon ang labi nito.Kaagad ding lumipad ang tingin niya sa katabi na nagtatanong.

Yumuko ito “I`m sorry”

Tinapik niya ito sa balikat “It`s okay,no big deal” Tahimik naman itong ngumiti.
Tumayo siya at kinuha ang kamay nito at hinatak patungo sa dagat.

“Hey!Easy!” natatawang wika nito sa kanya.Hindi siya nagsalita bagkus ay sinabuyan lang ito ng tubig.Ginantihan din siya nito.Panay ang tawa nilang dalawa.Natigilan si Anika ng ilang sandali nang mawala sa paningin niya si Vince

Lumingon-lingon siya,pero wala siyang makitang Vince.

“Asan na yun?” kunot noong tanong niya sa kawalan.

Sumigaw siya nang may biglang yumakap sa kanya buhat sa likod.

“Ano ka ba?!Nakakagulat ka naman eh,Nag-alala ako ha?” wika niya sa binata at sinuntok-suntok ang braso nitong nasa kanyang bewang.

Pinihit siya nito paharap at nasa bewang pa rin niya ang kamay nito “Talaga?” nasa panunudyo ang tono nito.

Tumaas ang kilay niya “Hindi!”

Lumukot ang mukha nito “Ganun?”

Tumango siya at tinulak ito sa dibdib.Tumakbo siya palayo doon,bago tuluyang makalapit sa resthouse ay tumingin ulet siya dito “Behlat!” sigaw niya sa binatang naiiling na natatawa.

Naglunoy muna sa dagat si Vince ilang minuto pagkatapos umalis ni Anika.Sumunod na siya sa resthouse nang mahapo ang katawan.

Naabutan niya si Anika sa kusina,nakabihis na ito.Abala ito sa pagluluto.

“Wow!Bango ah?” wika ng binata ng maamoy nito ang niluluto niya.

Iniwas muna ni Anika ang tingin sa niluluto patungo kay Vince.Ngumiti lang siya.

“Sige na,magbihis ka na.Malapit na `tong maluto” wika ng dalaga saka ibinalik ang atensyon sa niluluto.

“Okay” masiglang pumanhik si Vince sa kwarto nito.Habang nagbibihis ay di niya mapigilan ang mapangiti.Magaan na magaan ang kanyang pakiramdam.Na-realize niya na kaligayahan pala itong nararamdaman niya.Para siyang lumulutang sa ere.Simula nung una niyang makita si Anika,attracted na siya dito.

Excited siyang bumaba at nadatnan niya itong naghahanda sa mesa ng pagkain.Naramdaman siguro nito ang presensiya ng ibang tao,kaya napagawi ang tingin nito sa kanya.

“O,halika na” yaya nito.Umupo na ang dalaga at sumunod naman si Vince.
“Hmm,i`m sure masarap to.Lalo pa`t ikaw ang nagluto” wika sa kanya ng binata habang pinagmasdan ang mga nakalapag sa mesa.Merong sugpo,inihaw na isda,kilawin.Filipino foods parin ang mas gusto nila.Sa gilid naman nakapuwesto ang mga prutas gaya ng saging,mangga at watermelon.Nasa tabi naman non ang softdrinks.

“Naman!Patatabain kita kung magiging asaw mo ako” biro ni Anika.

Bahagyang natigilan si Vince sa sinabi niya pero nakangiti pa rin.

“O?sige na kain na” untag ng dalaga dito.

Tumango siya at kukuha na sana ng pagkain nang maunahan siya ni Anika.Ito pa mismo naghain ng pagkain sa plato niya.Natutuwa siyang nakamasid dito.Inangat nito ang paningin sa kanya.

“O,bakit?” takang tanong nito.Hindi kasi nito namamalayan na sweet na ang dating non kay Vince,kahit sa mga simpleng gestures lang niya.

“Wala,kumain ka na nga lang”

Masaya silang kumakain.Nagkwentuhan sila sa kung ano-ano.Napunta sila sa lovelife ni Vince.Matagal na rin pala itong walang girlfriend,mga limang taon na ang nakakaraan.Pinakahuling naging nobya nito si Mae.Minahal nito ang babae,pero naging sobrang busy ito sa trabaho nito kaya sa huli ay nakipaghiwalay rin.Panay rin ang biruan nila.Tawanan.

“Ugh.Parang magkakatotoo na ata yung sinabi mong tataba ako ha?” birong wika ni Vince nang matapos silang kumain.

Si Anika naman ay nagliligpit sa pinagkainan nila at tumawa. “Oo nga.Ang lakas mo pang kumain”

“Eh sa masarap naman talaga eh.Wait,what are you doing?” tanong nito nang makita siyang nagsimula na sa paghuhugas.

“Bulag ka ba?Di maghuhugas” papilosopa niyang sagot.

“Yes,I know.What I mean is bakit ikaw ang maghuhugas?Samantalang ikaw pa tong nagluto” tumindig na ito at lumapit sa kanya.

“It`s okay.Sanay na`ko,kahit pa nong nasa Pilipinas ako” wika nito na di tumitingin sa binata.

Hinawakan niya ang kamay ni Anika na nakahawak sa pinggan “No,let me do that.Sige na”

“Wag na.Wala namang problema sa kin eh.Mas gusto ko pa nga may ginagawa” binawi nito ang kamay at ibinalik sa ginagawa.

“Ako na” pangungumbinse pa rin ng binata at kinuha ulit ang kamay niya na nakahawak na naman sa pinggan.

Napabuntung-hininga siya “O sige.Papayag ako,pero tayong dalawa.Walang angal”

Ngumiti si Vince at itinaas ang dalawang kamay tanda ng pagsuko “Okay,you win”

No comments:

Post a Comment