Thursday, March 12, 2009

MUSIC FOR LOVE CH 13

MUSIC FOR LOVE CH 13

Nakarating na si Greg sa condo unit ng nobya.Nanlaki ang mata nito ng makitang basang-basa siya.

“Greg,why are you drenched?” may pag-aalala sa tinig nitong tanong.

“Naabutan ako ng ulan eh” pagsisinungaling niya at pumunta sa kwarto nito para kumuha ng towel.Sinundan siya ni Sweet at pina-alalahanan na magbihis kaagad.

“Okay Sweetie,just wait dahil ipagluluto kita” pagkatapos nitong sabihin yun ay kaagad siyang kinindatan.Siyempre pa ay ngumiti ang bruhilda!

“WOW,di ko alam na marunong ka palang magluto ha?” ani Sweet pagkatapos nilang kumain.

Ngumiti lang ng makahulugan ang binata at pinagmasdan siya.Inilagay nito sa baba ang hinlalaki at ibinaling nito ang tingin patungo sa kwarto.Napangiti na naman ulit at tumingin sa kanya na para bang malalaman na niya kung ano ang itinutumbok nito at itinaas-baba ang kilay.

“Gusto mo mabusog ulit?” flirty nitong turan.

“Heh!Pilyo!” saka tinapunan niya ito ng kutsara na nasalo naman ng binata.Binigyan pa siya nito ng kindat pagkatapos masalo yon.

Hinabol niya ito ng kurot.
“Aray,huhu.Sakit naman nun babe,kiss mo ko para mawala na to” sabi nito na sinabayan pa ng pa-fake na hikbi.Hinalikan nga niya ang nobyo gaya ng sabi nito.

Tumigil ito at kinuha ang cellphone sa bulsa “Wait,picture tayo” tapos hinalikan siya nito kasabay ng pagpindot sa `capture` .

“Ayan,i-se-save ko na” ganoon nga ang ginawa nito.Nangunot ang kanyang noo dahil ngayon lang niya napansin ang file na may nakapangalan na Grennie.

`Ano kaya to?Ngayon ko lang to napansin ah?`

“Teka may tatawagan lang ako” ani Greg sa nobya at pumalayo.Ang totoo titingnan niya kung ano ang laman non.

Nanlaki ang kanyang mata ng makita ang mga larawan nilang dalawa ni Annie.
`Totoo pala talaga ang mga sinasabi nila.Pero bakit siya lang ang di ko maalala?`

Ilang minuto lang ay sumakit ang kanyang ulo dahil sa kapipilit na isipin ang tungkol sa kanilang dalawa ni Annie.Napansin naman yun ni Sweet nang umungol siya sa sakit.Nilapitan siya nito at inakay patungo sa kwarto.

MALAKI ang ipinagbago ni Annie simula nung may mangyari sa kanila ni Greg makalipas ang isang taon.Di na siya gaanong lumalabas,minsan lang kung kumain kaya malaki talaga ang ibinaba ng timbang niya,nawala na ang dating Annie na masayahin,palangiti at punong-puno ng pag-asa ang buhay.Parang napapabayaan na nga niya ang sarili pero hindi ang pag-aaral.Doon niya ibinuhos lahat ng kanyang atensyon para mawaglit kahit papano ang lalakeng minahal niya ng buong buhay niya.Dahil sa pagpupursige sa studies,may nag-offer na sa kanya ng magandang trabaho sa Amerika.Napagpasyahan niyang tanggapin ang alok nito para na rin makalimutan ang lalake at para hindi na magtrabaho ang mama niya dahil tumatanda na rin kasi ito.

“CONGRATULATIONS Annie!” bati sa kanya ng kanyang mama,mga magulang ni Greg,sina Ken,David at Max.Magkaibigan pala ang kanyang namayapang ama at mga magulang ni Greg,kaya pala pamilyar sa kanya ang apelyido nito.

Masaya siya dahil kahit ilang beses na siyang nasaktan ay naging matatag pa rin siya.And here she is now,hawak hawak ang diploma bilang pagpapatunay na nakayanan niya lahat iyon.Pero wala nang mas sasaya pa kung andito lang sana si Greg.

Nagpaalam na ang lahat sa kanya maliban kay Ken.Nagpaalam muna siya sa kanyang ina para magpasama sa kaibigan na puntahan ang hill,kung saan siya dinala noon ni Greg.

“TULOY ka na ba talaga sa states?” seryosong tanong ni Ken sa kanya na pinagmamasdan ang kapaligiran sa ibaba ng hill.

Bahagya siyang tumango at nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata “Mabuti na rin to” pilit siyang ngumiti kahit pa nga masakit sa kanya na lisanin ang Pilipinas.Mami-miss niya ang lugar na ito,ang kanyang ina,mga kaibigan,lalong-lalo na si Greg.Mas gugustuhin niyang lumayo kaysa sa makita itong masaya sa ibang babae.

Napabuntung-hininga si Ken.Alam niya di ito sang-ayon sa gusto niya,pero wala naman itong magagawa.Inamin na rin nito na minahal siya ng binata pero pinagparaya siya kay Greg dahil ayaw nitong maging kaagaw sa pag-ibig niya.Gwapo naman ito,half Japanese half Irish.Fluent itong magtagalog dahil sa Pilipinas lumaki dahil sa trabaho ng ama nito.Ewan ba niya kung bakit hindi niya ito magustuhan samantalang andami-daming nagkakandarapa rito.Ganun nga talaga ang pag-ibig.Kahit gaano pa kagwapo o di masyadong kagwapuhan,ang bulong pa rin ng puso ang siyang mananaig.Hindi mo ito mapipilit kung sino ang mamahalin,o turuang umibig sa taong di mo kayang mahalin.
Kung ito lang sana ang inibig niya,disin sana`y di na siya nasaktan.

“Paano siya?” tukoy nito kay Greg.
Umiiyak na siya ng tingnan ito “Wag na natin siyang pag-usapan.Kahit aalis ako,di naman ako pipigilan nun.Iba na ang mahal niya diba?”
Seryoso siyang pinagmasdan ni Ken.Kaagad niyakap ng dalaga ang kaibigan at umiyak ng umiyak sa dibdib nito.Ang binata ang mas lalong nasasaktan pag umiiyak ang tanging babaeng una niyang minahal,lalo pa`t pinagmamasdan niya ito ngayon.



The road I have travelled on Is paved with good intentions
It's littered with broken dreams That never quite came true
When all of my hopes were dying Her love kept me trying
She doesn't has to hide The pain that she's been through

When she cries at night And she doesn't think that I can hear her
She tries to hide all the fears she feels inside So I pray this time
I can be the man that she deserves
'Cause I die a little each time When she cries

She's always been there for me Whenever I'm falling
When nobody else believed She'd be there by my side
I don't know how she takes it Just once I like to make it
Then the tears of joy Will fill her loving eyes ♪


Wala sa sariling nasabi niyang “Sana ikaw na lang ang minahal ko no?”
Ngumiti siya ng mapait sa tinuran ng dalaga.

`Sana nga,pero mahal ko kayong dalawa ni Greg` ang tanging nai-usal sa sarili

Tumigil din si Annie sa paghikbi at nahihiyang yumuko nang makita ang t-shirt nitong basang-basa.Hinimas-himas niya ang dibdib nitong may luha niya,at ipinaparating dito na humihingi siya ng tawad dahil niya ito kayang mahalin.

Ikinulong ni Ken sa kanyang palad ang kamay nitong nasa dibdib niya.Somehow it feels so good but at the same it hurts so much to the fact that they cannot end up together.Mataman niyang pinagmasdan ang dalaga at malungkot na nagsalita

“Mahal na mahal kita Annie,pero mahal mo siya.Pareho ko rin kayong mahal.Pinagparaya kita sa kanya dahil siya ang itinitibok ng puso mo.At ngayong aalis ka,kahit di ako sang-ayon ay pinilit ko yong tanggapin,hopefully you will find peace of mind” saka ito hinalikan sa noo.

“Mami-miss kita” dugtong pa niya.Ganoon din naman ang dalaga.

“Ken,maraming salamat.Isa kang tunay na kaibigan.Napabilib mo talaga ako” nakangiti niyang sagot para na rin matigil na ang kadramahan.

“Naks!Touch naman ako” pabakla nitong sagot para tuluyan ng mapalis ang lungkot.

Bahagya niya itong sinuntok sa braso “Sira!”

“Nga pala,kelan alis mo?” tanong nito ng maalalang di pa pala niya nasasabi kung kelan lilisan.

“Sa Friday na” mahinahon niyang sagot.

Tumigil ito at kaagad nag-isip “Teka,today is Wednesday ..?Te-teka!Ang aga naman?!”

Sinabi nalang niya ditong matagal na ang offer at matagal na siyang hinihintay ng taong nag-alok sa kanya ng trabaho.Pilit na tumango ang una at pinangakong ito ang magbabantay sa ina niya habang wala siya.

Sa kahuli-hulihan ng kanilang pag-uusap ay tinapos nila yon ng mahigpit na yakap sa isa`t isa.

No comments:

Post a Comment