Wednesday, March 11, 2009

MUSIC FOR LOVE CH 10

MUSIC FOR LOVE CH 10

PAGKADATING ni Annie sa bahay nila ay dagli siyang kumaripas ng takbo patungo sa kanyang kwarto at sinara ang pinto.Nagtaka naman ang kanyang ina at lumapit doon.

“Annie?Ba`t ka umiiyak?Anong nangyari?” pag-aalala nitong tanong.

“Ma please,iwanan mo muna ako” panghihingi niya dito ng unawa.

“O sige hahayaan muna kita diyan,pero sabihin mo sa akin lahat-lahat mamaya ha?” sabi nito na nasa labas ng kwarto niya.Nang walang marinig na sagot mula sa dalaga ay hinayaan nalang muna siya na mag-iiiyak sa loob.

ILANG sandali pa ay dumating si Greg at panay ang katok nito sa kwarto ni Annie.
“Annie,please just let me explain.Open this door now” pagsusumamo nitong sabi.

“Greg,umalis ka na” sabi ng dalaga na halata sa tinig ang panginginig dahil sa kaiiyak.Napapikit ang binata sa tawag nito sa kanya.Greg nalang at hindi Beh.

“Please I`m sorry,hindi ko gustong saktan ka.It was just plain temptation.Patawarin mo na ako” naiiyak na nitong sabi.Pero wala itong narinig na sagot mula sa kabilang bahagi ng pinto kung hindi ang iyak lang ng dalaga.

Kahit pa anong gawin ng binata ay hindi na gustong pakinggan pa ni Annie.Kahit anong gawin nitong sorry sa kanya ay di niya matanggap.Masyado nitong nasaktan ang damdamin niya,kung kaya`t nalason na nito pati ang isip niya.Sarado na at walang ibang maisip kundi ang nagawa nitong kasalanan sa kanya.Hindi niya lubos maisip na magagawa nito yun sa kanya.Ang ahas na yun at ito ay naghahalikan.Pabalik-balik sa isipan niya ang eksenang iyon.Ilang saglit pa ay nagsalita na rin si Annie.

“Umalis ka na!Ayaw na kitang makita pa.M-maghiwalay na tayo” pumiyok si Annie sa huling tinuran.
Napatda naman si Greg sa kinatatayuan malapit sa pinto.

“No Annie,wag mo tong gawin sa kin,nagmamakaawa ako.Promise,hindi na kita sasaktan pang muli” totoong napahikbi na ito dahil sa naging desisyon niya.Hindi nito inakalang hahantong lang sa ganun ang lahat.Ganun-ganun lang dahil sa isang tuksong ngayo`y pinagsisihan na niya.Sayang ang dalawang taon na kanilang ginugol para sa kanilang relasyon.Akala nila ay perfect na ang lahat,pero hindi nila akalain na hahantong sa ganito.

Naisip ni Annie na ibalik dito ang lahat-lahat na ibinigay sa kanya.Ang sapatos,ang teddy bear,ang gitara,mga loveletters at kung ano-ano pa na magpapa-alala dito.Ayaw na niya yong makita pa,maaalala lang niya ang sakit na naidulot ng lalake.

Kinuha niya lahat iyon at binuksan ang pinto.Natigil sandali si Greg sa pag-iyak at nagliwanag ang mukha nang makitang binuksan ni Annie ang pinto.Pero biglang napalis yun ng makita ang mga dala nito.

Ibinigay lahat ni Annie dito ang mga bagay na yun “Ayan!Isaksak mo yan sa baga mo!” at kaagad ding sinarhan ng malakas ang pinto.

Dahan-dahang dumausdos ang kanyang likod sa pinto at lalo pang pina-alpas ang malalaking butil ng luha.Si Greg naman ay panay ang katok sa pinto hanggang sa unti-unti na ring bumigay ang tuhod at napaluhod.Nakadikit ang dalawang palad sa nakapinid na pinto,nakayuko habang umiiyak.

Watch my life,Pass me by,In the rear view mirror

Pictures frozen in time Are becoming clearer
I don't wanna waste another day
Stuck in the shadow of my mistakes, yeah..

Cause I want you,And I feel you,

Crawling underneath my skin
Like a hunger,Like a burning,
To find a place I've never been
Now I'm broken,And I'm faded,
I'm half the man I thought I would be:
But you can have what's left of meI

've been dying inside,Little by little,

No where to go,But going out of my mind
In endless circles,Running from my self until,
You gave me a reason for standing still

It's falling faster,Barely breathing,

Give me something,To believe inTell me:
It's not all in my head

Take what's leftOf this man
Make me wholeOnce again

“Annie.Don`t do this to me” garalgal ang tinig nito habang sinasabi yun.

“Patawarin mo ako.Hindi ko sinasadyang saktan ka,hindi ko ginusto iyon.Maniwala ka.Makinig ka muna sa kin.Magpapaliwanag ako!” dugtong ng binata.Ang ina naman ni Annie ay naluluha na rin sa mga nangyayari.

Si Annie ay ayaw na talagang makinig pa.Sarado na ang kanyang isipan.Ang gusto lang niya ay umiyak ng umiyak. “Umalis ka na Greg.H-hindi ko na kaya pang tanggapin ang mga paliwanag mo!Ayaw ko nang marinig ang tinig mo,ang pagmamakaawa mo” ang nasabi nalang niya dito at kinagat ang pang-ibabang labi.

Lubos na naiyak si Greg sa mga katagang humulagpos mismo sa bibig nito.Wala na,hindi na niya maibabalik pa ang dati.Mahal niya ito pero hindi niya masisisi ang dalaga.

`Ang tanga mo Greg.Ba`t mo nagawa sa kanya yun?Ikaw kasi,nagpadala ka sa tukso` wika ng kanyang konsensya.

Patuloy pa ring nag-iiyakan ang dalawa.Lumapit nalang ang ina ni Annie kay Greg at hinimas ang likod nito para patahanin.

“Greg,umalis ka nalang muna.Hayaan mo muna siya,masyado lang talaga siyang nasaktan.Bumalik ka na lang sa ibang araw ha?” mahinahon ngunit mababanaag sa tinig ang pagka-lungkot sa nangyari sa kanila.
Wala itong nagawa kundi tumango nalang.Inalalayan ito ni Aling Lydia na makatayo galing sa pagkaka-luhod nito.Naihilamos ni Greg ang palad sa mukha at kinuha na ang mga bagay na ibinigay sa tanging babaeng minahal niya ng lubos.Walang salitang umalis ito at pinaharurot ang kotse.

Nang mawala na sa pandinig ni Annie ang papalayong kotse ni Greg ay saka siya lumapit sa kanyang kama at dumapa habang patuloy pa rin na humihikbi.

GABING-gabi na pero hindi pa rin umuuwi si Greg.Doon muna sa park pinalipas ang oras niya kung saan niya nakita si Annie na umiiyak noon.Kinuha niya ang katabing teddy bear na pinangalan nilang si Grennie,kombinasyon ng pangalan nila.Pinindot niya ang button non at narinig niya ang nai-record ni Annie

“Hi Beh!I love you so much.Mmmmwaaaah!” nagsimula na namang mag-init ang sulok ng kanyang mata.Nilagok niya ang beer na nabili.

`Sayang,bakit ba kasi kailangan pang maging ganito.Diyos ko,maniwala kayo sakin.Hindi ko ginustong saktan siya.Nadala lang ako sa tukso.Sana po ay buksan niyo ang isipan niya,para marinig man lang ang mga paliwanag ko.Siya lang ang mahal ko at wala nang iba pa` bulong sa sarili habang hinahagod ng tingin ang park.

Madaling araw na nang nagpasyang umalis na doon si Greg.Pinaharurot niya ang sasakyan at napaiyak na naman ulit.Matulin ang kanyang pagpapatakbo at naka-inom pa.Ngayon naman ay parang nag-uulap ang kanyang mga mata dahil sa mga luhang nagbabantang bumuhos.Kaya posibleng maaksidente siya sa estado niya ng mga oras na iyon.Sinusuntok-suntok niya ang manibela para doon ilabas ang nasasaloob.

Ilang sandali pa ay may papasalubong siyang 10 wheeler truck.Pagewang-gewang pa ang kanyang pagmamaneho at papalapit ng papalapit ang kasalubong na sasakyan ni Greg.Masyado siyang nasilaw sa ilaw ng truck at muntikan nang mabangga doon.Mabuti nalang at nakaiwa siya pero..

Pero bumangga naman sa isang poste ang sinasakyan nito.Tumama ang ulo niya sa manibela at unti-unting dumilim ang paningin at tuluyan ng nawalan ng ulirat.

No comments:

Post a Comment