Saturday, March 14, 2009

WAIT FOR YOU CH 7

WAIT FOR YOU CH 7

NAG-RING na ang bell hudyat ng kanilang recess.Nanatili lang naka-upo si Anika sa kanyang puwesto.Lumapit si Sara at kinalabit siya

“Nikx,hindi ka ba kakain?” tanong sa kanya nito.

Umiling lang siya “Dito na lang ako,wala akong gana eh” mahina niyang tugon dito.

“Sige na,iwan niyo na lang ako dito” dugtong pa niya na di tumitingin dito.Bumuntung-hininga ito,alam na kung ano ang ipinagkaka-ganoon niya.

“Sure ka ha?Sige,alis muna kami” paninigurado ni Bea saka umalis ang mga ito nang makita siyang marahang tumango.

Nagbasa na lang siya ng pocketbook na nahiram.Sarap na sarap na siya sa pagbabasa nang bigla may marinig siyang sumisigaw.Tiningnan niya kung asan yun nanggaling.Yun pala ay si Dirk na parang kinikilig na humihiyaw.Kabuntot nito si Sara at Bea na pawang nakangiti rin at nagmamadaling lumapit sa kanya.

Sinalubong niya ito na magkadikit ang kilay “Anong nangyayari sa inyo?” tanong niya kay Dirk.

Kinabig siya nito at inilapit ang bibig sa kanyang tenga.

`Andito si Chase!` bulong nito.

Nanlaki ang kanyang mata.Pangalan pa lang nito ang maririnig niya,bigla nalang siyang kakabahan.Gusto niya itong makita,dahil sobrang na-miss niya ito.Tiningnan niya sina Bea at Sara at ngiti ang nabungaran niya sa mga labi nito.Alam na niya ang ibig sabihin ng pangingislap ng mga mata nito.Kaya kaagad silang tumakbo sa labas at pumunta ng canteen kung saan daw ito naroroon.

Tumigil ang tatlo na ikina-kunot noo niya.“Teka,andito lang yun kanina ah?” nagtatakang wika ni Sara.

“Tara,tingnan natin sa labas” sabi naman ni Bea at naunang tinungo ang guard house.Lumapit sila sa security guard para mag-paalam na may aabangan lang sa labas ng campus.Pumayag naman ito.

Saktong-sakto paglabas nila sa gate ay nakita nila si Chase na hinalikan si Nadine sa pisngi.Kaagad siyang tumalikod at hinabol ang hininga.Ayaw niyang makita ni Chase ang reaksyon niya kung sakaling makita rin siya nito.Never niyang gugustohing makita ang sweetness ng dalawa.Pati ang tatlo niyang kasama ay halatang nabigla rin.

"S-sorry Anika,hindi rin namin inaasahan `to" mahina at nakayukong baling sa kanya ni Bea.

"O-ok lang yun" halos pumiyok siya nang sabihin iyon.

`Liar!` she said to herself.Bakit ba sa lahat-lahat ng eksena ay iyon pa ang makikita niya?

Huminga siya ng malalim at hinarap ang ulit ang mga kaibigan.Nakita niya pa rin si Chase at ang nobya nito na naghahagikgikan sa tapat ng campus.

Pilit ang kanyang ngiti ng magsalita.

"Halina nga kayo!Wala na akong pakialam diyan noh?Tara pasok na tayo,punta tayo sa canteen.Gutom na ako eh" masiglang yaya niya sa mga ito.Tumalikod ulit siya at nagpatiunang pumasok sa loob.Hindi niya napansin ang nag-aalalang pagtitinginan ng mga kaibigan.

Walang kaimik-imik ang tatlo habang nakasunod lang sa kanya.Naunang umupo ang mga ito doon sa silya na nakapalibot sa mesa.Bumili muna si Anika ng sandwich at softdrinks.Nakangiti siyang tumabi sa mga ito pagkatapos.Sa totoo lang ay di naman talaga siya gutom.Pinanindigan na lang niya ang pagpapanggap.

Pagkaupong-pagkaupo niya ay nagsalita kaagad si Dirk at ginagap ang kamay niya.

"Anika,darling.Wag mo nang pigilan iyan.Alam namin na kanina mo pa gustong umiyak ng bonggang-bongga" ani Dirk na mababanaag rin ang lungkot sa mukha.

Napalis ang kanyang ngiti dahil sa sinabi nito at kaagad nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.Tuluyan nang pumatak ang luha niya pero agad niya iyong pinunasan at pinatigas ang mukha.

"No,i don`t want to shed a tear anymore for that Chase" pagkasabi non ay ipinikit niya ang mga mata.Nang ibinuka niya iyon ay muli siyang nagsalita.

"From now on,ayoko ng marinig pa ang pangalan niya at susubukan ko na siyang kalimutan" may pait sa labing wika niya.

Hanggang nakabalik na sila sa room,hanggang natapos ang buong klase ay hindi muna sila nag-imikan ng mga ito.


GAYA ng pinangako ni Anika sa sarili,sinusubukan na niyang kalimutan si Chase.Well,natupad niya yon pero hindi pa niya as in fully nakalimutan.Siyempre hindi rin naman ganun kadali limutin ang isang taong minahal mo ng lubusan.Unti-unti na niyang naiwaksi si Chase sa puso at isip niya.Ngayon ay nasa pag-aaral ang focus niya at ngayon nga ay nasa college na.Akala niya talaga na tuluyan na nang nawala ang nararamdaman para sa binata.

Na-distract ang pagtingin niya kay Chase dahil sa kanyang mga manliligaw at mga nagugustuhan.Pero hindi naging katulad ng kay Chase ang nararamdaman niya para sa mga ito.
Ni wala siyang sinagot,di niya gustong pumasok sa isang relasyon na wala siyang nararamdaman para sa isang lalaki.

Kahit na nag-iinternet siya at nagfi-friendster,di na niya pinupuntahan ang profile nito para tuluyang makalimutan ang binata.Kapag nag-iinternet siya ay itinutuon niya sa pakikipag-chat sa mga kaibigan na nasa malalayong lugar na pumapasok.Katulad nina Bea,Dirk,Sara at Kaye.

Pero kahit hindi na niya pinapansin ang pagdalaw sa fs ni Chase,alam niya pa rin na magkasintahan pa rin ito at si Nadine.

NGAYON ay hindi na siya pumupunta sa mga internet café,dahil meron na silang sariling computer at may internet connection na rin.Kaya kung minsan ay nasa bahay lang siya naka-istambay.Kung minsan ay inaabot na siya ng madaling-araw sa harap ng computer,kagaya ngayon.


“Haay,ang dami ko ng ka-chatmate,sino na naman kaya toh?” wika ni Anika sa sarili ng may biglang sumulpot na chatter at nag-IM sa kanya.Hindi naman kasi niya kilala dahil wala sa mga contacts niya sa YM.

Chex1971: hi :]

ang message na ibinigay nito kay Anika.Nag-type naman siya at nag-response dito.

Blueberry: hello. nasl pls?
Chex1971: Chase.18.m.cebu.

Natigil saglit si Anika sa kanyang kinauupuan.
`Bakit ba sa lahat-lahat ng magiging pangalan ng chatmate kong to,ba`t pa pangalan ng taong gusto ko nang kalimutan?Aish! Kainis!` bulong niya.

Tumipa siya sa keyboard at nag-reply dito.

Blueberry:Wow,kapangalan mo pa friend ko ha?Haha,nice meeting you btw :]
Chex1971:No Nikx,it`s really me –Chase.remember?

Bigla ang pagrigodon ng kanyang puso at nahigit ang paghinga.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.Pagkatapos ng ilang taong hindi nito pagpaparamdam sa kanya ay ngayon pa ito susulpot,gayong unti-unti na niya itong nakakalimutan sa puso at isipan.

Pero,yun ang malaking akala ni Anika.Dahil ni katiting na pagmamahal para sa binata ay hindi man lang nabawasan.Nilakasan niya ang loob na makipag-chat dito.Gusto niyang patunayan sa sarili na tapos na ang lahat,past is past,at ayaw na niyang ibalik pa ang nakaraan.Muli ay nag-response siya dito.

Blueberry:Ui Chase.Ikaw pla yan? Musta na?
Chex1971: Hmm,well ok lang naman.
Blueberry:Ah I see.musta na kayo ni Nadine?
Chex1971:ok lang din.ikaw?
Blueberry:good as ever!haha.
Chex1971: buti naman.san ka nag-aaral ngayon?
Blueberry: sa ZSU.ikaw?
Chex1971: sa USC sa main campus
Blueberry:ah diba diyan din pumapasok si Nadine? So palagi kayo magkasama.
Chex1971:no,she`s in banilad campus.
Blueberry:ah ganun buh?madaling-araw na ha? Bkt di kapa slip?
Chex1971:wla lang,gusto ko lang mkipag-usap sayo.
Blueberry: weh? Bakit? May ym naman si Nadine ha?bakit di xa ang kausapin mo?hehe.
Chex1971:hmm,kasi busy siya eh.
Blueberry:ah,but wait.saan mo naman nakuha yung ym ko?
Chex1971:sa friendster mo,nakita ko dun.pinost mo eh.kaya in-add na kita.
Blueberry:ah,nyaha.
Chex1971:nyaha..
Chex1971: uhm,ang kyut mo sa pic mo oh?

Tukoy ni Chase sa larawan niya sa ym.Adik na kasi siya sa mga japanese at korean styles kaya minsan ginagaya niya mga posing nito,pati sa pananamit.Pero minsan lang naman.

Blueberry:naks!tenkyu changgoy!haha
Chex1971:haha,naaalala mo pa palang palayaw ko?si bea talaga o!
Blueberry:haha,ok lang yun.mukha ka namang unggoy eh.
Chex1971:aba,yabang nito!haha.naaalala ko tuloy hyskul days (hahayy)
Blueberry:oo nga,ako nga rin eh.miss ko na sina bea,sara at dirk.
Chex1971: eh ako? Di mo ako na-miss?


Bahagya siyang natigilan.Pero napag-isip-isip niya na sabihin na lang niya ang totoo na na-miss niya ito ng sobra.Hindi naman sila magkikita nito eh,dahil nasa malayo ang binata.

Blueberry:woah,xempre na-miss :]
Blueberry:friend din naman kita no

Dugtong niya,para hindi masyadong halata.

Chex1971:hehe
Chex1971:punta muna ako sa labas ha? Maninigarilyo muna ako,tapos matutulog na ako.

Napaisip na naman si Anika.Naninigarilyo na pala ang binata.Pero okey lang sa kanya,mahal niya ang binata kahit ano pa ang katangian nito.

Blueberry:sige okey lang,kailangan ko na ring matulog.madaling araw na o?haha
Chex1971:sige sige.
Chex1971: gusto mo tabi tayo?
Blueberry:ayoko nga! Baka ano pang gawin mo sakin.

Papilyang sagot niya.

Chex1971:haha,hnd naman ako ganun no.
Blueberry:haha ok ok,tabi tayo in your dreams bleh!
Blueberry:o sige na,matulog na tayo.antok na me (zzz)
Chex1971:sige sige pero wait ..
Chex1971: (hug) love u

Ngumiti si Anika sa sinabi nito,pero hindi niya yun sineryoso.Baka maulit na naman ang nangyari noon.Sinagot niya itong pabiro.

Blueberry: woah,I love you too friend ;]
Blueberry:bye,tulog na ako

Kaagad niyang isi-nign out ang ym niya,ayaw na niyang malaman pa ang sagot ng binata.Baka saan pa mapunta iyon,kahit pa nga sa chat lang yun.Pinatay na niya ang computer at tumabi na sa kapatid sa kama.

Yakap niya ang unan habang iniisip ang mga pag-uusap nila ni Chase.Pero hindi niya akalain na mahal pa pala niya ito,at walang nagbago doon kahit ilang taon na ang nakalilipas simula nung highschool sila.Ngunit nangangamba siya sa patutunguhan ng kanyang nararamdaman.Ayaw na niyang masaktan ulit.Ayaw na niyang makaramdam ng kirot sa puso.

No comments:

Post a Comment