Saturday, March 7, 2009

MUSIC FOR LOVE CH 3

MUSIC FOR LOVE CH 3

Nasa klase sila at ngayo`y namomroblema si Annie kung paano makakahabol sa sinusulat.Maraming kasing dapat kopyahin sa board pero heto at minamalas siya,nawawala kasi ang ballpen niya,at nahihiya naman siyang lumabas para lang bumili ng ballpen eh pwede naman siyang manghiram.

Marami na siyang napagtanungan na mga kaklase at timing naman na wala itong mga dalang extra ballpen.Isa na lang ang naisip,ang manghiram sa kinaiinisang katabi.Lulunokin niya ang pride niya,dahil nakita niyang may extra ballpen ito na nasa bulsa.

Tinapik niya ang balikat nito at tumingin sa kanya ng as usual nakakunot pa rin ang noo.
Parang nag-alinlangan siya pero ayaw niyang mahuli sa sinusulat.
“A-ah,meron kabang e-extra ballpen?” tanong niya dito na medyo nag-sta-stutter na.

“Wala akong extra ballpen” malamig nitong sagot at ibinalik ang paningin sa ginagawa.
Napaismid siya. `Mayabang na nga at suplado,naku!sinungaling pa`!

“Anong wala?nakita ko yun kanina may isang ballpen ka pa eh! Sige na pahiram na,isasauli ko naman noh” sabi niya dito na di man lang tumitingin sa kanya.

Wa na siya choice day,kaya ipinasok niya sa bulsa nito ang kamay para kunin ang ballpen.Nabigla ito at napasinghap sa ginawi niya,dagli nitong pinalis ang kamay niya sa bulsa nito at di sinasadya ay nasagi niya ang pagkalalaki ng binata!

Bigla naman siyang naging parang makahiya dahil dun.Sobrang nag-iinit ang pisngi niya.
Saka siya yumuko at napatingin sa papel nito na may nakasulat na pangalan.
`Greg Anceslao palang name niya,ganda ha?parang familiar ata apelyido nito` usal ng isip niya.

Ang binata naman ay di mapakali.At panay ang lunok nito.
Pinilit ni Greg na magsalita para di siya nito mahalata na matinding epekto ang ginawa nito sa kanya. “Oh ayan,ang kulit eh” saka inabot ang ballpen dito at dagling umalis sa kinauupuan si Greg.
“Ano nangyari dun?” nagtatakang kinakausap ang sarili.

Ang totoo kaya siya umalis ay parang pinandigan siya ng balahibo,para talaga siyang nakuryente kanina.Ang tindi ng epekto ng dalaga sa kanya,at bigla ay nabuhay ang sundalo niyang matagal na ring nahihimbing.Sumakit ang puson niya kaya etoh siya at ginagawa ang ritwal.Tagaktak ang pawis niya at habang ginagawa niya yun ay ang dalaga ang naiisip niya.Natigilan siya sa naisip,baka pagdating ng araw ay mahulog ang loob niya rito at yun ang pinaka-iniiwas-iwasan niya.

Ilang sandali pa ng mahimasmasan ay bumalik na siya sa room at baka ano pa ang sabihin nito.

“OKAY,group yourselves into four,you will make a report about what we have discussedand explain it infront of the class tomorrow,2 persons for the ideas and write it on a manila paper and another 2 for the reporting” ang guro nila ang nagsalita.

“Woah,Annie,pano yan?Ang dali naman nilang makakita ng kagrupo,eh pano na tayo?mukhang tayong dalawa na lang siguro ang mag-go-grup neto.” Sabi ni Sweet sa kanya na palingon-lingon at baka sakali makakita sila ng magiging kagrupo pa.

Bigla naman sumabat si Ken. “Kami,pwede kami ni Greg,we don`t have a group either” hila-hila nito ang kaibigang walang kagana-gana.Habang si Ken naman ay panay ang papansin sa kanya.Binalewala na lang niya ito.
“Okay,si Ken at Sweet ang magkasama,tapos kami naman ni Greg” ang naibulalas niya,para siyang nawala sa sarili,dahil pinili niya si Greg na maging kasama.
Dismayado naman ang dalawa dahil sa sinabi niya,dahil may gusto ang mga ito sa kanila.

“At bakit naman ako makikipag-partner sa`yo aber?” kunot noong tanong nito habang nginunguya ang bubblegum.
Wala siyang maapuhap na sagot,ewan ba niya kung bakit niya ito pinili,dahil sa crush niya ito?
“A-ah,w-wala,bakit may problema ba dun?” sagot nalang niya para di mahalata,at nakapameywang pa.
Umismid naman ito dahil sa sinabi niya.
`Aba`t ayaw pa niya huh?` sabi sa sarili at hinampas ng mahina sa braso ng librong kanina pa hinahawakan.
“Aray!Ano bah?Masakit yun ah?” asik nito at hinimas-himas ang brasong hinampasan niya ng libro.
“Eh ang arte mo eh!” naka-ekis ang kanyang braso.
“Aish,sige na nga” sang-ayon na nito saka tumalikod papalayo.

RECESS time na kaya pumunta na sila ni Sweet doon at bumili ng siopao at softdrinks.
Tapos umupo sila sa bench na nasa labas lang ng canteen.

Kumagat muna si Annie ng siopao bago magsalita.
“Alam mo bah,k-kanina..,eh wag na lang! nakakahiya eh” nag-aalinlangan siya kung sasabihin ba niya ang nangyari kanina pero nahihiya siya sa tuwing naaalala niya yun.
“Sige na sabihin mo na,secret lang natin” tapos ngumiti ito sa kausap.
“Eh k-kasi,hindi ko sinasadya pero nasagi ko yung ano niya eh” nag-aalinlangan pa rin siya kung ibubulgar niya yun dito,may pagka-conservative kasi siya kaya naiilang siya sa mga ganung bagay.

Tumaas naman ang kilay nito na tila naiinip sa kakahintay ng sasabihin niya.
“Alam mo,sabihin mo na kasi,nakakabitin ka naman eh” irita na nitong sagot.
“Nasagi ko yung ano niya,a-alam mo na” namumula niyang pagtatapat.
Saka naman ito tumawa ng malakas dahil mukhang alam na nito kung ano ang ibig niyang sabihin.
“Ah,yung junior niya?” saka umulit ito ng tawa. “If I know,nagustuhan mo naman!” dugtong nito saka niya ito binatukan.
“Sweet naman eh,nakakahiya kaya!” naiinis niyang sagot dito.
“Asus,ok lang yun no! eh kumusta naman pala yun?” nakangiti nitong tanong.
Siguro sanay na ito sa ganoong klaseng bagay,mapapansin kasi dito na medyo liberated ito.
“H-ha?A-ayun ma-matambok?” saka humagikgik.
“Talaga?I wonder if he’s good in bed” naka-ekis ang braso nitong tanong sa kanya,pero parang mas kausap nito ang sarili.
Binatukan niya ito at niyaya na sa room nila.Nagkatawanan sila habang naglalakad.

HANGANG-hanga si Greg sa kakapanood sa dalaga.Natural na natural ito kung tumawa,at napansin niyang labis itong namumula.
`Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?` tanong sa sarili habang tinitingnan ito sa malayo.Aaminin niya,simula pa nung unang araw niya itong makita ay nakuha na nito ang atensyon niya.Eh sino ba namang hindi.Maganda ito,mula sa mga mata na kapag tumawa ito ay parang nagiging halfmoon na pinarisan ng mahahabang pilik-mata,sa maliit ngunit matangos na ilong,at mga labi na parang laging may bahid ng lipstick,ang buong mukha ay nagpapakita ng kainosentehan nito.Ang maitim na maitim nitong buhok na lampas balikat,maganda nitong pigura na bumagay sa height nitong 5`6.May makinis itong balat na mala-porselana,kahit lamok ay mahihiyang dumapo rito.Para itong isang anghel na bumaba mula sa kalangitan.

Ipinilig ng binata ang ulo,ayaw na niyang umibig.Ayaw na niyang masaktan at mabigo.At yon ang pinaka-iniiwas-iwasan niya.

“UWIAN na!uwian na!uwian na!” sigaw ng mga klasmeyt niyang lalake,nagmamartsa pa ang mga ito na para bang isang tunay na sundalo.Hindi naman nakakagambala ang mga ito dahil mamaya pang gabi ang klase ng mga katabi nilang room.Ang iba naman ay nagkakatawanan na lang sa mga kalokohan ng mga kaklase nila.

“Haha,sira talaga yung mga yon!” tatawa-tawang sabi ni Sweet saka bumaling sa kaniya na kanina pa nagkandahaba ang leeg,at palingon-lingon sa iba`t-ibang direksyon.
“Hoy,sino ba kasi hinahanap mo?para ka nang giraffe jan ah?” kunot noong tanong nito kay Annie.
“Si Greg kasi eh,ewan ko ba kung asan yun nagpunta.Tatapusin pa kasi namin yung report para bukas diba?” sagot nito at panay ang kamot sa noo na hindi man lang tumitingin sa kaibigan.
“Ah si Greg bah?Andun yun sa labas,pauwi na atah eh,bilisan mo baka di mo na maabutan” sagot naman nito na ikinuha ng kanyang atensyon dahil sa sinabi ng kaibigan.
“Salamat ah,kita-kits na lang” saka dinampot ang bag na nasa upuan at nagmamadaling umalis.

PAPAUWI na sana si Greg nang makita ang babaeng kanina pa tumatakbo sa utak niya.Tiyak napagod ito,heto nga sa harapan niya eh,humihingal!
Napangiti siya sa naisip.
“Hoy!Di mo ba ako tutulungan sa report?!”sigaw nito sa kanya na habol pa rin ang hininga.
`Oo nga pala,nakalimutan ko` sabi niya sa sarili.Pero ayaw niyang mapalapit dito.
“Uuwi na ako” malamig niyang tugon at saka pinaandar ulit ang kotse.

Hinabol naman siya nito at sumisigaw. “Hoy!Itigil mong sasakyan!Walanghiya ka!”

Pinahinto naman niya ang sasakyan.Saka ito lumapit sa kanya na humihingal.
Binatukan siya nito at siyempre ay nainis siya.
“Ano bang ginagawa mo?May report pa tayong gagawin remember.Tsaka infairness ha,ang gentledog mo,pinatakbo mo pa ang beauty ko!Hmp!Makatawag nga ng pulis,teka diyan ka lang” saka nito kinuha ang cp na nasa bulsa.

Tumaas ang kilay ng binata.At bakit naman ito tatawag ng pulis?
“Hello?Ma!Pupunta muna ako sa bahay ng kaklase ko,may gagawin kaming report,kaya medyo gagabihin ako ng uwi.Opo,okey” ang sabi nito sa kabilang linya.
Siya naman ay natigilan at tiningnan ito na parang hindi makapaniwala.
`Ha!Di pa nga ako pumayag!Inunahan na ako?Ibang klase rin tong babaeng toh!` usal sa sarili.

Sukat ba namang umikot ito sa sasakyan niya at pumunta sa kabilang pinto nito at saka sumakay.
Natitigilan pa rin siya pero nasabi niya ritong “Ibang klase ka rin ano?” painsultong sabi niya sa dalaga saka umirap at tumingin sa ibang direksyon.
Binatukan ulit ito ni Annie. “May problema bah?Sige na drive na!”
“Para kang amo ko kung maka-asta ah?Ano ako driver?” asik niya.
“Drive na sabi eh!Wala nang arte-arte” saka ini-on ang radyo.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?” inis pa ring sabi sa dalaga.
Akma itong babatukan ulit ang binata,at nakaiwas naman ito.
“Laban ka pa?Ha?!” para talaga itong sino kung maka-utos sa kanya.
Napabuntung-hininga na lang siya saka pinaandar ang kotse.Ayaw na niyang makipag-away dito.

No comments:

Post a Comment