Tuesday, March 17, 2009

WAIT FOR YOU [2] CH 2

WAIT FOR YOU [2] CH 2

“TAO PO!” sigaw ni Chase sa bahay ng mga Gonzales.Si Karen ang nagbukas ng gate.Nangunot ang noo nito ng makita siya

Mahigit tatlong linggo na ang kanyang ginugol para hanapin si Anika,gusto niyang humingi ng paumanhin dito.Kung kani-kanino siya nagtanong,sa mga kaibigan nila,sa mga kaklase sa address ng dalaga.Mabuti nalang at napilit niyang umamin si Bea sa kanya.Alam rin kasi nito ang nangyari kay Anika.

“Karen,asan ang ate mo?I need to talk to her” wika ni Chase kay Karen na nakataas ang kilay at pinag-krus nito ang mga braso.

“Bakit?Anong kailangan mo sa kanya?Hindi ka pa ba kuntento sa ginawa mo sa kanya?” mataray nitong tanong.

Nagbuga ng hangin si Chase “Kaya nga ako nandito para humingi ng tawad sa kanya.Please,gusto ko siyang makausap” pagmamakaawa ng binata.

Bumuntung-hininga si Karen at ibinaba na ang kilay pero pinagkrus pa rin ang braso “Huli ka na,wala na siya rito” mahinahon nitong sagot.

Nangunot ang noo ng binata “What do you mean wala na siya rito?”

“Pumunta na siya ng Singapore,doon siya nagtatrabaho ngayon”

Naibaba ni Chase ang mga balikat dahil sa narinig mula kay Karen.Malaki ang naging kasalanan niya kay Anika kaya gustong-gusto niya itong kausapin,lumuhod man sa harap nito ay handa niyang gawin.Labis siyang na-guilty ng masaktan niya ito.Alam niya na kahit anong gawin niya,hindi niya mapapantayan ang sakit na idinulot niya sa dalaga.

Nabulag siya sa pag-ibig para kay Nadine kaya hindi niya naisip si Anika.Si Anika at ang damdamin nito para sa kanya.Ang tanging nagmahal sa kanya ng totoo.Noong isang linggo ay nalaman niyang may iba pa palang nobyo si Nadine,kaya siya na mismo ang nakipag-hiwalay dito.Hindi niya inaasahan ang pakikipag-relasyon nito sa iba.Pinagsisihan niya lahat ng kasalanan niya para kay Anika.Totoo ang pag-ibig na ibinibigay sa kanya ng dalaga pero binalewala niya iyon.Busy siya sa pag-iisip na mahal pa niya si Nadine,pero ang totoo nung magkabalikan sila ay wala na siyang nararamdaman para dito.Mabuti na rin at naghiwalay sila.

Buong akala talaga niya na mahal pa niya si Nadine,he didn`t notice that he`s slowly pushing Anika out of his life,ang babaeng tunay lang na nagmahal sa kanya.Kaya hindi matahimik ang kanyang konsensya ng makita itong naghihirap at umiiyak sa harapan niya nung araw na sinabi niya dito ang mga katagang nagpaguho sa mundo ng dalaga.

“Sa Singapore?K-kelan ang balik niya?” may bahid na pagka-dismaya sa kanyang tono.
Nagkibit-balikat ang kanyang kausap “Ewan ko,siguro matagal-tagal pa.Gusto niya kasing kalimutan ang nangyari sa kanya dito.Hindi ko alam kung bakit hindi siya kayang ibigin nung taong mahal niya” himig paninisi nito sa kanya.

Iniyuko niya ang ulo.Handa siyang tanggapin lahat ng sumbat na maririnig niya.Malaki ang kasalanan niya kaya dapat niya yung harapin.Muli niyang inangat ang ulo ng maramdaman ang marahang tapik sa kanyang balikat.

“Sige” paalam sa kanya ni Karen at sinara na nito ang gate.

Pinagmasdan muna niya ang bahay kung saan nakatira ang babaeng nagmahal sa kanya.
Saka siya naglakad palayo na parang walang gana.Tumigil siya sa paghakbang at naisuklay ang mga daliri sa buhok.Pakiramdam niya,siya na ang pinaka-tangang lalaki sa mundong ibabaw.Biruin mong pinakawalan niya si Anika,ngayon pang nararamdaman niyang umuusbong ang pag-ibig sa kanyang damdamin para dito.

Ipinangako niya sa sarili na hihintayin niya ito,ilang taon man ang abutin.Mapatawad lang siya nito.Umuwi na siya kaagad at doon pinalaya ang nararamdaman.

Sinuntok niya ang kamao sa dingding ng kanyang kwarto pero hindi niya ininda ang sakit na naidulot non.Wala nang mas sasakit pa sa ginawa niyang kasalanan kay Anika.Gusto rin niyang saktan ang sarili sa pagiging bulag niya para sa pag-ibig nito.Inulit niya ng inulit ang pagsuntok hanggang sa dumugo na ang kanyang kamay saka siya dahan-dahang napaupo.

Hindi niya maintindihan pero para siyang masisiraan ng bait ng malamang wala sa bansa ang dalaga.May kung anong dumagan na mabigat sa kanyang puso.Parang ayaw niyang malayo dito.Gusto niya itong makita,pero huli na siya.Hindi niya alam kung saan magsisimula ulit sa buhay niya ng walang Anika.Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya.Nangunot ang noo niya at pinahid ang luha at tiningnan niya ang mga daliring pinampunas doon.Ngayon lang niya naranasang umiyak para sa isang babae,ni kay Nadine ay hindi niya iyon nagawa.Ngayon lang rin siya nakaramdam ng ganoon sa buong buhay niya.

`Bakit ako umiiyak?Dahil ba wala na siya dahil sa katangahan ko o dahil sa pagsisisi?`


I never felt nothing in the world like this before
Now I'm missing you and I'm wishing you would come back through my door
OoooooWhy did you have to go? You could have let me know
So now I'm all alone,

Girl you could have stayed but you wouldn't give me a chance
With you not around it's a little bit more than I can stand
Oooooo And all my tears they Keep running down my face
Why did you turn away?

[Bridge]So why does your pride make you run and hide?
Are you that afraid of me? But I know it's a lie What you keep inside
This is not how you want it to be

[Chorus]So baby I will wait for youCause I don't know what else
I can do Don't tell me I ran out of time If it takes the rest of my life
Baby I will wait for youIf you think I'm fine it just ain't true
I really need you in my life No matter what I have to do
I'll wait for you

[Verse 2]
Been a long time since you called me(How could you forget about me)
You gotta be feeling crazy (crazy)
OoooooHow can you walk away, Everything stays the same
I just can't do it baby What will it take to make you come back
Girl I told you what it is and it just ain't like that
Oooooo Why can't you look at me You're still in love with me
Don't leave me crying.

[Bridge]Baby why can't we just Just start over again
Get it back to the way it was If you give me a chance
I can love you right But you're telling me it won't be enough

[Chorus]So baby I will wait for you Cause I don't know what else I can do
Don't tell me I ran out of time If it takes the rest of my life
Baby I will wait for you If you think I'm fine it just ain't true
I really need you in my life No matter what I have to do
I'll wait for you

So why does your pride make you run & hide
Are you that afraid of me? But I know it's a lie What you're keeping inside
That is not how you want it to be

Baby I will wait for you Oooooo Baby I will wait for you
If it's the last thing I do
[CHORUS]

I'll Be Waiting.



WALANG ARAW na hindi niya iniisip ang dalaga.Kung anong ginagawa nito,anong pinagkaka-abalahan nito,anong sinusuot,lalong-lalo na kapag nagsasabi itong mahal siya nito.Napangiti siya naisip,miss na miss na niya ang dalaga.Sukat sa pag-iisip dito ay naalala niya ang pakikipag-chat sa dalaga.

Naitampal niya ang sariling noo.

`Oo nga ba`t ngayon ko lang naisip iyon?`

Dagli niyang binuhay ang laptop at nag-sign in sa YM niya.Nag-iwan siya ng offline message dito.Dalangin niya na sana`y sumagot ito sa mga mensahe niyang nagpapatawad at pag-iisip dito,na na-miss niya ito ng labis.

No comments:

Post a Comment