Friday, March 13, 2009

WAIT FOR YOU CH 3

WAIT FOR YOU CH 3

INILAHAD ni Chase ang kamay nito sa kanya.


“May I have this dance?” masuyong tanong nito.

Hindi pa rin siya makapaniwala na nandito ito ngayon sa harapan niya.At lalo pang di makapaniwala nang itanong nito yun.

`Siya?Makikipagsayaw sa katulad ko?Bakit ako?Ang dami kayang magaganda.Pero pagkakataon mo na to Anika!` wika ng isang bahagi ng kanyang utak.

`Huwag kang makipag-sayaw sa kanya.Ikaw at siya?Heck!` bulong naman ng isang bahagi ng isip.

Hindi pa siya nakakahuma nang hilahin na siya nito sa kanyang kina-uupuan.Ang iba ay nakatingin sa kanya dahil nakipag-sayaw ito sa isang transferee.Kaya nagtataka ang mga ito kung bakit siya eh di pa naman sila ganoon magkakilala.Actually,hindi talaga siya kilala ni Chase kahit pa magka-klase sila.Di na ito nag-abalang alamin pa ang pangalan niya.

Iginiya nito ang mga kamay niya sa balikat nito,saka hinapit siya sa kanyang beywang.Pumailanlang sa buong silid ang kantang Love Moves in Mysterious Ways.Titig na titig ito sa kanya,at siya naman ay di maka-galaw ng normal.Yumuko siya,ayaw niyang pagmasdan ito sa mga mata,baka ipagkanulo siya ng sariling damdamin at makita yun sa napaka-expressive niyang mga mata.Naglakas-loob siya na tingnan ito saglit,at nabigla nang malaman na mataman pa rin itong nakatingin sa kanya.

Ilang hibla lang ang layo nang mukha nila sa isa`t isa kaya ramdam niya ang mabangong hininga nito na dumadampi sa kanyang mukha.Masyado silang magkadikit,ang dibdib niya ay nakalapat sa dibdib nito.Hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ng mga mata nito,parang nagtataglay ito ng kislap ng mga oras na iyon.Iniwas niya ang tingin dito at tumingin sa mga nanood sa kanila.Bahagyang nanlaki ang kanyang mata ng mapagtantong halos lahat sa mga ito ay pinagmamasdan sila sa eksenang iyon.

Ngumiti ang iba niyang kaklase at mga kaibigan nang malisosyo.Inirapan niya ang mga ito,pinapakita lang ng mga ito na tinutukso siya nito kay Chase.Ang iba naman ay parang naiinggit.

Saka lang siya nito binitawan nang matapos na ang musika.Napa-upo siya kaagad dahil parang nawalan ng lakas ang kanyang mga tuhod.Nakangiti itong tumango sa kanya at saka lumapit na sa mga kaibigan nito.Hindi na nito hinintay ang anumang sasabihin ng dalaga.Naiwan lang siya na lihim na napapangiti.Ang saya-saya niya.

Kapagdaka`y lumapit sa kanya si Sara “Hoy,ang swerte mo! Teka nga muna…may gusto sa kanya no?” panunudyo nito sa kanya.

Kaagad lumipad ang tingin niya dito “A-ano?H-hindi ah!”

“Hus,wag ka na magkaila!Kitang-kita kaya sa mga ikinikilos mo” dugtong pa nito.

`Ganun na ba talaga ako ka-obvious?`

Wala nga sabi akong gusto sa kanya eh!” pilit niyang tanggi at lumabas na ng room.Naiwan niya itong panay pa rin ang tawa.

2 MONTHS LATER..

“HOY,punta kayo sa bahay mamayang gabi ah?Invited lahat ng katropa” wika ni Bea sa kanila.Ang DE.ADIKZ,All Saints Crew at iba pang malalapit na kaibigan dito ang tinutukoy nitong katropa,ganun ang tawag sa kanila pag pinagsama-sama.

Kaarawan nito mamaya kaya sinabi nito yun sa kanila.Didiretso sila sa bahay nito mamaya pagkatapos ng klase..

`I wonder if pupunta siya` she whispered on herself nang di makita si Chase sa room.

NASA malaking veranda sila ng bahay nina Bea nung gabing iyon.Masaya siya dahil nakapunta ang binata.Ang saya-saya niya dahil bukod pa sa nagkakasiyahan sila ng buong katropa doon,kasama rin niya ang kapatid niya.Hindi niya alam na magkakilala pala ang mga ito at ang sister niya,dancer din naman kasi ang kapatid niya.Ewan ba niya,pero parang nasa lahi na talaga nila yun.

Nagkakasiyahan ang buong magkakabarkada nang mapansin niyang kanina pa dumadaan si Chase sa harapan niya at pabalik-balik.Naaalibadbaran siya pero at the same time ay kinikilig.Para kasi itong nagpapansin sa kanya.Pero iwinaksi din niya yun sa kanyang isip.

`Imposible’ .

Napansin niyang may dala-dala itong cellphone.Tatawagin niya ito at magkukunwaring makiki-text.

“Chase!” tinawag niya ito sa kabila ng kapal ng taong nasa loob ng bahay nina Bea.Nagtataka itong lumingon sa pinanggalingan niya.Para bang hindi nito akalain na alam niya ang pangalan nito.Nagtaka pa ito,samantalang sikat siya.Napailing si Anika dahil doon.Lumapit ito sa kaniya at tiningnan ng nagtatanong nitong mga mata.

“B-bakit?” kandautal nitong tanong.

“Ah,pwede pahiram ng cellphone.makiki-text lang sana ako” mahina niyang wika.

“Sorry pero hindi toh sakin eh.Palagi ko kasing naiwawala ang cp kaya nagsawa na si Mama na bigyan ako” pagtatapat nito saka tumawa.Sinabayan niya rin ito sa pagtawa ng mahina.

Nagpaalam na itong pupuntahan ang mga kabarkada nito.Pilit siyang tumango dahil gusto pa sana niya itong maka-usap ng matagal kaso nga nag-paalam na ito.

Niyaya niya ang kapatid at ibang kaibigan sa labas para magpahangin at umiwas muna sa kapal ng tao.Ang bahay nina Bea ay nasa isang hill at sa ibaba ay ang siyudad.Nag-aagaw pansin sa paligid ang rural meets urban na ambiance.Manghang-mangha silang tinatanaw ang ibaba dahil sa nagkikislapang city lights,masarap din ang simoy ng hangin kaya nakaka-relax sa pakiramdam.Lima sila lahat na nandoon.Si Bea,Sara,siya,kapatid niya at ang baklang si Dirk.Umupo muna sila sa carabao grass.

“Ganda naman dito Bea!” bulalas ni Sara.

“Oo nga eh,kaya mas gusto ko dito kesa sa mag-shopping o ano” masaya rin nitong turan.

“Nga pala.Busog na busog ako Bea,salamat!Happy Birthday ulit” wika niya at tumingin dito.Nagpasalamat rin naman ito sa kanya.

Nagpaalam si Sara at Bea ilang minuto na ang nakakaraan.Kaya sina Dirk,siya,at ang kapatid na lang niya ang naiwan doon.Lumapit kasi ang mga ito sa ibang katropa,ilang metro din ang layo ng mga ito sa kanila.Malawak kasi ang bakuran nina Bea.

Pinagsawa nalang nilang tatlo ang kapiligiran.Bigla ay may tumikhim sa likod nila.Paglingon nila ay si Chase ang kanilang nabungaran.Bigla ang pagtibok ng kanyang puso.Bahagya siyang napasinghap ng tumabi ito sa kanya,dahil nasa gilid naman siya sa bandang kaliwa,kaya madali talaga itong makakatabi sa kanya.

Tumingin siya sa mga katabi,alam na kasi ng mga ito na may gusto siya rito.Pati sina Bea at Sara lang din ang nakakaalam.Pinagmasdan siya ng dalawa ng malisosyong titig at tahimik na tumawa.Saka nagsalita si Dirk .

“Ah papa Chase,pasok muna kami sa loob.Kukuha lang kami ng maiinom ha?” paalam nito sa kanilang dalawa.

“Sige Ate,Kuya Chase.Maiwan muna namin kayo” sabi naman ng kaniyang kapatid na si Karen.

Pinandilatan niya ang mga ito,pero nginitian lang siya ng dalawa at tuluyang lumayo.Tiningnan niya ang mga ito ng matalim na para bang ..

`Hoy!Bumalik kayo dito` pero sinarili nalang niya iyon at napalunok ng sunod-sunod.Tumingin siya dito.Mabuti na lang at sa city lights ito nakamasid.

Nakatukod ang kanilang mga kamay sa grass habang naka-upo.Medyo naiilang na siya sa nakakabinging katahimikan nang hindi pa rin ito nagsasalita.Tumingin na lang rin siya doon nang maramdaman ang mainit na bagay na nakapatong sa kamay niya.Tiningnan niya yun at kinabahan nang makita ang palad nitong nakadantay sa kamay niya.Itinaas niya ang paningin niya dito at kitang-kita niya ang mga matang nakangiti.Then she smiled sheepishly.Natawa ito.

“Ang pangit mo namang ngumiti” tatawa-tawa nitong wika.

Inirapan ito ni Anika pero bahagya ring ngumiti.Kinikilig talaga siya sa mga sandaling yun.Mariin muna siya nitong tinitigan bago ulit nagsalita.

“May boyfriend ka ba?” seryosong tanong nito.
Totoong napamulagat siya sa tanong nito.

Alanganin siyang sumagot “W-wala,bakit?” balik niyang tanong dito.

Nagkibit-balikat lang ito at humiga sa carabao grass.Medyo nadismaya siya sa ginawi nito.Akala pa naman niya kung ano na ang kahihinatnan nito.Pinahiga rin siya nito at nag-star gazing habang hawak hawak pa rin ang kamay niya.

Ilang saglit pa ay muli silang nagkatitigan .Parang may paru-parong nagliliparan sa kanyang tiyan ng pisilin nito ang kamay niya.Kung panaginip man iyon parang ayaw na niyang magising pa.

“Masama bang magtanong?” tanong nito kapagdaka.Ang tinutukoy nito ay ang tanong niya kung bakit nagtanong ito kung meron siyang nobyo.

Wala siyang maapuhap na sagot nang biglang nag-ring ang cellphone niya.Bumalikwas siya ng bangon at kinuha sa bulsa ng uniform ang cp.Sinagot niya agad iyon.

“Hello?O ma!A-ah opo,s-sige” Nagpaalam na siya rito at tiningnan ang relo.Pinapauwi na sila ni Karen dahil malalim na daw ang gabi.Alas nuwebe na nga ang oras,ayaw man niyang magpaalam dito ay talagang mapipilitan siya.

"Ah Chase,k-kasi,ang mama ko tumawag.Pinapauwi na kami eh" nasa tinig niya ang nagpa-paumanhin.

Napalis ang ngiting kanina pa sana nakapaskil sa mapupula nitong labi at napabuntung-hininga.

"S-sige" ang tanging nasabi nito.Tumayo na siya at iniwan na ito.Siya rin naman ay nalulungkot na matapos ang gabing yun.

`Kung bakit ba kasi tumawag si Mama eh.hmp`

HANGGANG nakauwi na sila ng bahay ay ito pa rin ang iniisip niya.

"Ate Anika" untag sa kanya ng kapatid.Magkatabi sila nito sa kama.Ungol lang ang lumabas sa bibig niya.

"Anong nangyari kanina?" tanong nito.

Sinabi naman niya lahat.Ganoon sila ka-close nito.Lahat ng sekreto ay sinasabi nila isa`t isa.Tinatanong siya nito kung papasa ba ang mga manliligaw nito sa panlasa niya.Ganoon rin siya dito.At nang malaman nito na may gusto siya kay Chase ay botong-boto ito sa binata.

"Talaga?Woah,kakakilig naman" bulalas nito ng marinig nito lahat mula sa kanya ang nangyari sa party ni Bea.

"Sa tingin mo Karen?May gusto kaya siya sakin?" humarap na siya dito sa pagkakahiga.

Humarap din ito sa kanya nang sumagot "Siguro,kasi bakit naman niya gagawin yun kung hindi diba?"

Somehow,nakakita si Anika ng pag-asa.Sana nga ay may gusto ito sa kanya.Parang nararamdaman niyang mahal na niya ito kahit pa nga bago pa lang silang magkakilala.


Hindi siya sigurado kung ano ang tunay na nararamdaman kapag umiibig ang isang tao.Oo,nagka-boyfriend na siya,pero hindi niya gaanong naramdaman ang kilig nang maka-relasyon niya ang mga ito.Walang thrill sa feelings niya.

Pero pag kay Chase na.Ayaw niya itong mawala sa paningin niya,gusto niya lagi itong kasama,kinakabahan siya pag malapit ito sa kanya.Basta ba ay puro excitement ang nararamdaman niya pag nasa tabi niya ang binata.Yes she is just a 15 year old girl,nene pa.Pero hindi ba yun masasabing `love` kahit pa nga masyado pa siyang bata para maramdaman yun?

Nakatulugan nalang niya ang pag-iisip.Nalimutan nito na kinakausap pa siya ng kapatid.

“Hay naku!Tinulugan na naman ako” pagkasabi non ay umayos na ito ng higa at natulog na rin.

No comments:

Post a Comment