Sunday, March 8, 2009

MUSIC FOR LOVE CH 5

MUSIC FOR LOVE CH 5

ISANG umaga,papunta na si Greg sa eskwelahan.Nang ipaparada na sana niya ang sasakyan ay may nahagip ang kanyang mata sa plaza na kaharap lang ng kanilang skul.Pamilyar ito sa kanya,nakatalikod nga lang at nakaupo sa isa mga bench doon.Sigurado siya si Annie yon kaya sa halip na iparada niya ang minamaneho sa harap ng skul ay itinigil niya yon malapit sa plaza at nilapitan ang dalaga.

Lumapit siya dito nang di man lang ito tinitignan.As usual,he let his arrogant side show.
“Hoy,ano bang ginagawa mo?May klase pa tayo ah?” malamig ang tinig na tanong niya sa dalaga.
Inangat ni Annie ang mukha at ang nakita niya ay si Greg.Hindi niya pinuna ang tanong nito bagkus ay umiyak lalo.
“Tumigil ka nga sa kaiiyak mo diyan,ang daming taong nakatingin oh?” turo nito sa paligid at tiningnan na ang dalaga.Pero patuloy pa rin ito sa paghikbi.

Wala nang magawa si Greg,di naman niya alam kung paano ito patatahimikin.Kaya kinarga niya ito at isinablay sa kanyang balikat.

Muntikan na siyang mapahiyaw dahil feeling niya ay bumaliktad ang mundo,yun pala kinakarga na siya ni Greg patungo sa sasakyan ng binata.
“Hoy,don`t you dare fart!Ibaba mo nga ako!” at isinuntok ang dalawang kamao sa matipunong likod nito.
Isinalampak siya ni Greg sa upuan ng sasakyan.Tiningnan siya nito na puno ng pag-aalala.Iniwas niya ang tingin dito,ayaw niyang makipag-titigan sa mapanuri nitong mata.

“Oi.What`s your problem?Para kang baka na umaatungal” umikot ito sa patungo sa driver`s side at saka umupo at hinarap ulit siya.
Tila nayayamot na ito sa kakahintay ng kanyang sasabihin.Pakialam ba nito sa problema niya no.

“C`mon speak up!” di na nito mapigilang magsalita nang di siya sumagot.

Ibinuka na niya ang bibig. “W-wala na kami ni Jay”
Imbes na malungkot para dito ay para pang na-relief ang binata.Last week lang niya nalaman na may nobyo na pala ito pero hindi na ngayon.

“Buti naman” wala sa sariling nasabi niya yon.

Tumingin sa kanya ang dalaga na nagtatanong ang mga mata. “What did you say?”

Nabigla naman siya sa sarili kung bakit niya sinabi yon.Gusto niya tuloy batukan ang sarili. “Bingi ka bah?!Ang sabi ko ang pangit mong umiyak!” palusot niya at tumingin sa ibang direksyon.

May naisip si Greg,dadalhin niya ito sa isang lugar na kahit saglit ay malimutan nito ang sakit na nararamdaman ng dalaga.
“Gusto mo absent nalang tayo?Unwind lang.” tanong niya dito na hindi pa rin tumitingin.
Saglit munang nag-isip ang dalaga. “S-sige,wala rin naman akong ganang pumasok eh,but where are we going?” umusod siya papalapit dito habang itinatanong iyon.
Hindi napapansin ni Annie na umuusod din ito papalayo sa kanya.Naiilang ata.

“Basta” dadalhin niya ito sa lugar na pinakagusto niya,sa katunayan ito lang ang kauna-unahang may dadalhin siya sa lugar na iyon.Special kasi yon sa kanya at doon siya pumupunta pag meron siyang problema at kung gusto niyang mapag-isa.Ibig sabihin ay special rin ito sa kanya?Well oo,aaminin niya na may nadarama na siya para sa dalaga at binubuksan na niya ulit ang puso para umibig ulit dahil lang dito.

“WOW!ang ganda naman dito!” bulalas ni Annie.Paano,eh namangha talaga siya sa buong kapaligiran.Nasa taas sila ng hill,sa ibaba ay makikita ang siyudad at sa kabilang bahagi ay ang isang napakaganda at beach at sobrang linaw pa ng tubig.Ang sarap ng simoy ng hangin,napaka-refreshing,nakakapawi ng stress.Tama itong dinalahan sa kanya ni Greg,makakalimutan mo ang problema mo pag pumupunta ka sa mga ganitong lugar.

Napangiti naman si Greg,alam niya na magugustuhan talaga ito ng dalaga.
“I discovered this place when..” bigla siyang natigilan,huli na dahil napansin yun ni Annie.
Nagtaka naman ito kung bakit siya tumigil. “What Greg?C`mon tell me” kinulit niya ito para magsalita,iniyugyog niya ang braso nito.Ikinuwento naman nito ang nakaraan kung bakit niya nadiskubre ang lugar,nung mga panahon na hiwalay na sila ni Yasmien.

“So,okay ka na?Naka-move on ka na?” sunod sunod na tanong niya.Kaya pala naging suplado ito,dahil pala sa natatakot na itong masaktan ulit.

“Yup,at may mahal na akong iba” makahulugang sabi nito sa kanya.
Natahimik naman siya saglit,sabi na nga ba niya eh,wa appeal ang ganda niya dito.



Natahimik naman siya saglit,sabi na nga ba niya eh,wa appeal ang ganda niya dito.Dismayado siya sa narining,pero at the same time ay masaya siya dahil nakapag-move on na ito.

Inilabas ni Greg sa bag niya ang i-pod saka inabot sa dalaga. “Here,listen to it and you will feel more relaxed”

Napangiti siya at kinuha ang ipod nito.Sana ay tuloy-tuloy na nga ang pag-bait nito.Sana di na ito ulit masaktan para di na bumalik ang pagiging suplado ni Greg.

Pinatugtog niya ang `Girl Of My Dreams` ng The Moffatts.

“Greg,share nalang tayo” sabi niya na sinang-ayunan naman nito.

Habang nakikinig ng music ay di niya mapigilan na hindi ito titigan.Komportable siyang gawin yun dahil nakapikit naman ito.Maigi nitong pinakikinggan ang kantang yon,tinapik-tapik pa ni Greg ang hita niya na sinasabayan pa ang beat non.

`Hayy,sana nga ako na lang ang girl of his dreams` wika niya sa sarili.
Masaya na siya kahit titigan lang ito at kahit pa siguro buong araw.
Ang ganda ng buhok nito na sumasabay pa sa sayaw ng hangin,at lalo pa itong naging gwapo tingnan dahil sa buhok nitong may red streaks.

`Wow ,ang cool niya` sabi ni Annie sa sarili.
Pinagpatuloy niya ang paghagod ng tingin dito mula sa deep set eyes na may mahahabang pilik-mata,sa ilong nitong matangos,sa labing nag-aanyaya ng halik,and his jaw that brings the aura of strength.Over all,the man is ruggedly attractive.




Umandar na naman ang kanyang pagkakulit at nakaisip ng kalokohan.Kinuha niya ang dalawang pantali ng buhok sa kanyang bag at lumapit sa likod nito.She grabbed the chance while his eyes are still close.Dali-dali niyang tinalian ang buhok nito ng pa-jinky.Naramdaman naman nito na parang may nangingialam sa buhok nito kaya bahagya itong dumilat.Pero huli na ito dahil tapos na siya ginagawa at kinuha ng dalaga ang camera phone sa bulsa ng binata.

Dagli niyang pinik-tyuran si Greg.Na ipinagtaka nito saka nagsalita.
“Hoy!Anong ginagawa mo?And what`s with my hair?” Tumingin ito sa gilid na parang sinisipat ang mata kahit di nito makita at dinama ang sariling buhok.

His eyes grew with horror nang mapagtantong naka-jinky pala iyon.Tumawa lang si Annie at piniktyuran pa nito ang binata.
“Teka,Greg,say cheese!” CLICK! “Oh tayo namang dalawa” lumapit ito sa binata at agad ding piniktyuran silang dalawa kahit pa nga nakasimangot si Greg.

“Lagot ka sakin!” naiinis na natatawa nitong wika.

“Behlat” Inilabas ang dila habang ang dalawang kamay ay itinapat sa sintido nito.Tumakbo na si Annie at hinabol naman siya ni Greg.Paikot-ikot sila sa sasakyan,feeling nila na bumalik sila sa pagkabata.Walang humpay ang kanilang tawanan habang pinalipas ang oras sa pag-ikot-ikot doon.

SA wakas ay nahuli din siya ni Greg at bigla siyang niyakap hudyat na nahuli na nga siya nito.Ilang sandali din sila sa ganoong ayos at nagkatitigan silang dalawa.

`Heto na naman po tayo` ika ni Annie sa sarili.Parang naulit na naman ang pangyayari doon sa hagdanan sa bahay ng mga Anceslao.Kita niya sa mata nito ang puno ng sinseridad.

Bumalik lang ang pag-ikot ng oras ng halikan siya nito sa pisngi na ikinabalik ng kanyang huwisyo.Saka siya nito kiniliti sa kili-kili.Siyempre pa ay tawang-tawa siya pero nahihirapan,malapit na siyang maubusan ng hininga.

“Hoy,tama na!Maiihi na ako o?” biro niyang wika.
Tinigil naman nito ang pagkiliti pero hindi nito inalis ang kamay na nasa kili-kili niya.

“Tanggalin mo na yang kamay mo,nakikiliti pa rin ako” she chuckled after saying that.

“Paano ko tatanggalin eh,iniipit mo nga eh” papilosopo pa nitong sagot.

“Ano ba!” and their laughter echoed over the hill.

GABI na sila nakauwi dahil ilang oras din silang umistambay sa hill at pagkatapos ay kumain pa sa labas.
“Greg,salamat sa paghatid ha?Nag-enjoy ako,and sa totoo lang,na-realize ko na hindi ko naman pala minahal si Jay,siguro I just liked him,yun lang.I think I am just afraid that someone left me like my father did,because he died of a..you know serious illness” Nakatingin siya dito at hawak-hawak ang shoulder bag malapit sa kanyang hita.

“No it`s okay,tsaka ako naman nag-aya sayo kaya dapat lang ako din ang maghahatid sa`yo diba?Napaka-ungentleman naman kung di ko yon gagawin.I`m sorry about what happened to your father” wika nito na nakapamulsa sa likod ng pantalon ang kamay.

“Okay lang,matagal na yun.Sige na,uwi ka na kasi gabi na o,may pasok pa tayo bukas.Baka ako pa maging dahilan kapag napuyat kita.” Sincere na sabi ng dalaga.Concern naman talaga siya dito kahit pa nga may naging kasalanan ito sa kanya,pero matagal na niyang nakalimutan iyon.Sa ngayon,ay gusto nitong makilala at maging kaibigan ang binata.

Nagpaalam na ang ito sa kanya at pumasok na sa loob ng bahay.Ang saya ng buong araw niya.Hindi niya yon makakalimutan.

NANG makauwi na si Gee ay pumanhik agad siya sa kanyang kwarto.Nakabihis na siya ng pantulog at sumandal muna sa headboard ng kama.Kinuha niya ang cellphone na nakapatong sa maliit na mesa malapit doon.Tiningnan niya ang litratong kuha ni Annie.
Hindi niya maalis-alis ang kanina pa naka-plaster na ngiti.


`Ang pilya talaga nung babaeng yun!` Naka-jinky na nga siya ay nakasimangot pa dahil sa inis sa dalaga ng mga oras na yun.Ito naman ay naka-blowfish at naka-peace sign.Masayang-masaya talaga siya na makasama ito,lalo pa`t mahal na nga niya si Annie.

No comments:

Post a Comment