Saturday, March 7, 2009

MUSIC FOR LOVE CH 4

MUSIC FOR LOVE CH 4

MANGHANG-MANGHA si Greg sa kapapanood sa dalaga habang nagmamaneho.Lalo kasi itong naging maganda sa paningin niya habang nililipad ang mahaba nitong buhok at dinadama ang malakas na hangin na humahampas sa mukha nito.Enjoy na enjoy pa nitong kinakaway ang kamay sa ere.

“Woohoo!Sarap ng hangin.May pa sports car ka pang nalalaman huh?” nakangiti nitong sabi sa kanya habang patuloy ang ginagawa at panaka-nakang tumitingin sa kanya.Ngiti lang ang iginanti niya dito.Kinilit naman siya nito sa tagiliran.
“Mabuti naman at marunong ka palang ngumiti,sana ganyan ka na lang palagi,mas lalo ka pang gumugwapo” tukso nito.Ngumiti siya ulit pero may halong lungkot sa mga mata.

“WE`RE here!” sabi nito sa dalaga habang nakatingin sa mansyon na tinutukoy.Namangha naman ito sa kalakihan ng bahay na yon` na napipinturahan ng puti at chocolate brown.
Pinagbuksan sila ng isang katulong saka nito pinausad ang kotse paloob.May lumapit sa kanilang babae na sa tingin niya ay nasa edad 50 pataas.

“Nana Selya,maghanda po kayo ng maraming pagkain dito po kakain si Annie” bilin ni Greg dito.

Siniko ni Annie ang binata dahil sa narinig. “Wag na no!Nakakahiya,saka sa bahay na ako maghahapunan pagka-uwi ko” sabi niya sa dalawa at nahihiyang nakangiti.

“Sus,Greg,ano ba tong nobya mo at nahihiya pa,dito ka na kumain Iha!” ganting ngiti rin nito.

”Mabuti naman at umibig na ulit itong si Greg” nakangiti pa rin itong habang nagsasalita.

“Ay di po kami mag-nobyo,magiging palang ho” di niya mapigilang ilabas ang kakulitan.Inakbayan niya ang lalake at pa-fake naman itong umirap na siyang dahilan ng pagtawa ng dalawang babae.Ang totoo meron na talaga siyang boyfriend,pero di niya masasabing mahal niya ito,siguro gusto,oo,pero hindi niya maramdaman dito ang sinasabi ng mga taong dapat mong maramdaman kapag umiibig.Pero kahit papaano ay nasasaktan din siya sa di nito pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanya.Parang nanlalamig na kasi ito sa dalaga sa mga nagdaang araw.

Napabuntung-hininga nalang siya.

“Pasok na tayo “ yaya sa kanya ni Greg patungo sa loob ng mansyon.Nauna siya at ito naman ay nakasunod sa kanya.Patungo sila sa carpetted na hagdanan ng mansyon.

Nang nasa ika-pitong baitang na siya ay nawalan siya ng balanse,buti na lang at nakasunod sa kanya ang binata kung hindi,basag na ang bungo niya ngayon.Napatitig ito sa kanya at ganun rin naman siya dito.Parang tumigil ang inog ng mundo.Nakakapanghina ng tuhod ang mga titig nito.Kumakabog ang dibdib niya at para may kung anong nabuhay sa kanyang kalamnan na hindi niya maintindihan.Bago lang iyon sa kanyang pakiramdam.Panay ang lunok ni Greg ng laway.Ngayon lang ulit siya nakaramdam ng ganito,pero mas matindi itong ngayon.Parang kay sarap nitong halikan.

Pag-ibig na ba ito?Ipinilig niya ang ulo.Sukat sa naisip ay saka niya ito binitawan ng masiguradong maayos na ito sa kinatatayuan.

“Mag-ingat ka kasi,paano kung wala ako sa likod mo?!” para itong boyfriend na pinapagalitan ang battered girlfriend,feeling niya tuloy para siyang si Rihanna.

Inayos naman kaagad ni Annie ang sarili at pinagpatuloy nito ang pag-akyat sa hagdan nang di umiimik sa binata.Sumunod na lang ito at itinuro sa kanya ang study room.

Pumasok sila sa isang kwartong nasa hulihan.Hinagod niya ng tingin ang kwarto na nakukulayan ng puti na bumagay rin sa mga bagay na nasa loob na nakukulayan ng brown,may mga blinds naman ang babasaging bintana,air conditioned kasi iyon.Napapalibutan ito ng mga librong nasa book shelves at sa gitna ay isang rectangular na mesa,sa gilid naman ay may isang cabinet na hanggang bewang niya ang taas at may mga picture frame sa ibabaw.

“Mommy at Daddy mo?” turo niya sa isang frame na may larawan ng lalake at babae na sa tingin niya ay nasa edad nitong mga 50 pataas,alam na niya kung asan nito nakuha ang magaganda nitong features.Tumango lang ito sa kanyang tanong.

“So where are they?Di ko ata sila nakikita ah?”Tanong niya ulit dito,dahil napapansin niyang di naman ito nakukulitan sa kanya.

“Oh,they`re on a business trip” sagot nito at umupo sa silyang malapit sa mesa.

“Ikaw toh?” tanong ulit ng may makitang cute at chubby na bata.Tumayo naman ulit ito at dagling inagaw sa kanya ang frame na may larawan nito.

“Akin na nga yan?!” galit-galitan nito para maitago ang pagkapahiya.Alam na ng dalaga kung sino yun base sa naging reaksiyon nito.

“Hus,nahiya pa daw,ang kyut kaya!Hmm,wala bang picture ng mga kapatid mo?” Napansin kasi ng dalagang walang ibang larawan na nandoon kundi sa mga magulang nito at ng binata.

“No,I don`t have a brother or a sister,only child ako” sagot nito habang ibinabalik ang larawan nito sa ibabaw ng cabinet.

“Talaga?Pareho pala tayo,eh di ka ba nalulungkot na ikaw lang mag-isa?” tanong niya at paupo na sa silya malapit sa mesa at inilabas ang manila paper at marker.Sumunod naman ito sa pag-upo.

“Hmm,hindi naman,siguro sanay na,pero andyan naman mga kaibigan ko eh,para narin kaming magkapatid ng mga yun” Tango ang kanyang itinugon

“Sige na,tapusin na natin toh” ang report nila ang tinutukoy ng dalaga.

ILANG minuto rin ang ginugol nila para matapos iyon,medyo mahaba kasi.Lumabas si Greg ng kwartong yon pagkatapos para pumunta sa sariling kwarto nito.Tutal tapos naman sila kaya sinundan niya ito,naka tip-toe pa kuno siya at pa-fake na humawak ng baril,para tuloy siyang isang spy.Nang malapit na ito sa pintuan ng sariling kwarto ay dun na siya sumulpot.

“BANG!” gulat niya sa binata na sa tingin niya ay parang mamamatay sa sakit sa puso.Panay ang tawa niya at nakahawak pa sa sikmura.

“Aray!Hahaha,ikaw ha?May tinatago ka pala sakin,lumabas ka na sa closet mo sister!” at ipinagpatuloy ang paghalakhak sa binata na nakahawak pa sa dibdib nito.

“Ano kaba?!Papatayin mo ba ako? And for your info,i`m not gay!” asik nito sa dalaga.
“Weh? Di daw eh halata naman eh!” pinakita pa niya ang mukha ng di pagsang-ayon.

“Ah ganun” tiningnan siya nito na parang nagbabanta pagkatapos ay hinila papasok sa kwarto at sinarhan ang pinto non.Inilapat nito ang kanyang likod sa pintuan at dahan-dahan nitong inilapit sa kanya ang mukha nito.Ni hindi niya namalayang hinhalikan na siya nito.

Annie felt an intense wave of pleasure na dumadaloy sa kanyang katawan.Ang halik na iyon ay gentle sa umpisa hanggang unti-unting naging mas passionate.Parang may nabuhay na kung ano sa kanyang kalamnan.

He is a good kisser.Kaya hindi niya mapigilang tumugon dito.Ang mga kamay niya ay kusang tumaas sa batok nito at gumapang sa likod ng binata.Ang mga kamay naman nito ay banayad na humahaplos sa magkabila niyang braso.The feeling was so intense,she felt dizzy.

.Ngayon lang siya nakadama ng ganoon.Nakaka-excite.Very Gentle ang mga halik nito. Ibang-iba ito sa mga halik ni Jay.

Bigla siyang natigilan,meron na pala siyang nobyo.Sukat sa naisip ay bigla niya itong itinulak sa dibdib.Nagulat naman ito at tumingin sa kanya na parang humihingi ng paumanhin.Pero inayos niya ang sarili para di itong masyadong ma-tense.

She cleared her throat before speaking. “It’s okay Greg,I know you just want to prove that your not gay” saka tumawa para hindi nito mahalata na feeling niya ay para na siyang nauupos na kandila.

Yumuko naman ito at namumula.Ang cute nito tingnan kapag nahihiya,para bang bata.Nilapitan niya ito saka iniangat ang tingin nito,at ininat ang mamula-mula nitong pisngi.
“Ang kyut mo naman pag nahihiya!” at ipinakita niya rito na para siyang nakikipag-usap sa isang bata.

Inalis nito ang kanyang kamay na nasa pisngi nito at ikinunot ang noo. “Tsk,tigilan mo nga ako” pero halata naman pinipigilan nito ang pagtawa.

Tumawa siya.Para itong batang inagawan ng lollipop.Hindi nila namalayan na pumasok pala si Nana Selya at niyaya na silang maghapunan.
Tumalima naman sila.

BAGAMA`T nahihiya ay pilit siyang pina-fi-feel at home ni Greg.May itinatago naman pala itong kabaitan.Pinasabay pa nga nito ang mga katulong roon,wala rin naman itong ibang kasalo dahil wala ang mga magulang nito at wala ring kapatid.

Si Greg pa ang naglagay ng mga pagkain sa plato niya.Tinolang manok,adobo,ginataang hipon,pineapple juice at siyempre di mawawala ang kanin ang nakalapag sa pang-waluhang mesa na rectangular.Nasasapinan ng puting mantel at alam niya na mamahalin yon base na rin sa disenyo at klase ng telang ginamit.

“Ano ka ba,di ko mauubos toh no?” itinuro niya ang platong nasa harapan na ang daming laman.Oo,gutom siya pero di niya makakain yun lahat.Mahilig siyang kumain pero pinapanatili rin niyang maganda ang pigura.

“Sige lang,kung di mo maubos,iwanan mo lang diyan” at tahimik ulit itong kumain.Ang sigla-sigla nitong nginunguya ang mga pagkaing nakalagay sa plato nito.

Napairap siya saglit sa sinabi nito na iwanan niya lang ang pagkain pag di niya naubos.Ganun lang?Aba,para sa kanila ay parang pang-isang araw na ang pinahanda nito ngayon.Pinalaki siyang praktikal kaya marunong siyang bumadyet sa mga bagay-bagay lalo pa`t global crisis ngayon.Napa-iling na lang siya at itinuloy ang pagkain.


Inihatid siya ni Greg sa kanilang bahay at inalalayan siya sa pagbaba ng sasakyan nito.Nagpaalam na siya rito at nakatalikod na sana nang bigla siya nitong pinaharap dito at niyakap.

Nagtaka man ay binalewala nalang niya yun.`Friendly hug lang ito sa isip niya.
Saka ito nagpaalam.Bago siya pumasok sa loob ay tiningnan muna niya ang papalayong kotse ni Greg saka pumanhik at isinara ang puting bakal nilang gate.

No comments:

Post a Comment