Monday, May 11, 2009

KO NO OCHIRU CH 3

KOI NO OCHIRU CHAPTER 3

SINUNDAN ni Ken ang papalayong babae. Naabutan niya itong umiiyak sa gilid ng kanyang kotse. Nilapitan niya ito at inabutan ng panyo. Nag-angat ito ng mukha at tila napahiya pa ito dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya. Siya na mismo ang nag-abot niyon sa kamay nito nang hindi man lang ito kumilos.

“A-arigatou” mahinhin nitong pasalamat.

“Doo-itashi-mashite” nakangiti namang ganti ni Ken.

“What happened?” dugtong niya.

Hindi siya sumagot bagkus ay sinipat muna niya ang kabuuan nito. She`s right. He`s one hell of a hunk at matangkad nga. And then she cleared her throat.

“I don`t talk to strangers” simpleng tugon niya.

Tiningnan siya nito na parang hindi makapaniwala. “Oh,I see. You don`t talk to strangers but you just kiss,right?” pinakita pa nito ang nakakalokong ngiti. Nag-init ang pisngi ng dalaga. Pinatatamaan siya nito. Naisahan siya dun ah?

Tumingin siya sa ibang direksyon. Naramdaman niya ang init ng katawan nito ng tabihan siya. Bahagya pa siyang napa-kislot. Hm, matindi ang dala nitong epekto sa sistema niya. Hindi niya maipaliwanag. Maybe because he`s something?

“Daijobu ?” tanong ulit nito.

“Shirimasen”

“Anong hindi mo alam?” usisa ulit nito.

“Basta. Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon” sabay pahid ulit sa mga luha niya.

Umungol lang ang binata. Bumuga ito ng hangin na siyang nagpalingon ng dalaga dito. Nakatingin ito sa kawalan. Mukhang tama siyang may lungkot din itong nadarama.

“He don`t love you?” mahinang tanong ng binata at isinandal ang likod sa gilid ng kotse.

Nangunot ang noo ni Hazel. Mukhang nabasa nito ang iniisip niya. Kahit hindi sila magkakakilala ay magaan ang loob niya sa estranghero. Gusto niyang mahingahan ng sama ng loob at ito lang ang kasama niya. Wala naman sigurong problema doon. Marahil ay narinig nito ang lahat ng pinag-usapan nila kanina ni Jeff.

Tumango siya at malungkot na ngumiti “Hindi ba ako maganda?” wala sa sariling naitanong iyon dito.

“Bulag lang ang magsasabing hindi. Wala sa`yo ang problema,nasa kanya. Marami ka pang makikitang mas karapat-dapat sa kanya. Huwag mo nang aksayahin ang oras sa isang katulad niya” pangongonsola nito.

“Alam mo, parehong pareho kayo ng bestfriend ko. Eh, ikaw? Napansin ko rin na malungkot ka ah?”

Napabuntung-hininga ito ng malalim “Uh-huh. Ikinasal na iyong taong mahal ko sa bestfriend ko”

“Oh!” bulalas ni Hazel.

“It`s hard I know. Eh di sana kinalimutan mo nalang siya. Ang lakas ng loob mong mag-advice sakin na maghanap na ng iba,eh ni ikaw nga hindi maibaling ang pagtingin sa iba” natatawa niyang sabi.

Bahagya rin itong napangiti sa sinabi niya. Oo,nga naman. Tama ang sinabi ni Hazel. Bakit sa mga kaibigan at kakilala niya`y nakakapag-advice siya, pero ang sarili niya`y hindi niya naaasikaso? Hindi lang talaga madaling kalimutan si Annie. Isa itong napaka-espesyal na babae.

“May point ka diyan!” si Ken.

Natawa ulit ang dalaga at natigil lang nang may naalala “T-teka. Ngayon ko lang napansin na nagtatalog ka ah?!” nanlaki ang mata nito.

Tumawa lang din ito.

“Wow, you`re so fluent” mangha nitong wika.

“Yeah. Dito kasi ako lumaki sa Pilipinas kaya ayun” amin niya.

“Oh, suteki!” napa-hapon ang dalaga dahil sa mangha.

Naputol lang ang tawanan nila nang mag-ring ang cellphone ng huli.

“What?! O-okay. I`m coming!” taranta nitong wika sa kabilang linya. Pagkatapos nitong magpaalam sa kausap ay hinarap siya.

“Uhm, I gotta go. I enjoyed your company. Thanks” nakangiti nitong wika.

Mabilis ang naging paghakbang ni Hazel palayo sa binata at nag-abang ng taxi. Naging mabilis din ang pagsakay nito sa sasakyan. Ni hindi na nga nito napansin ang pagkaway niya dahil sa pagmamadali nito.

PAUWI na siya ng may maalala. Umingit tuloy ang gulong ng kanyang Mercedes Benz dahil sa pabiglang diin niya sa preno. Naitampal niya ang sariling noo. Nawala sa isip niyang itanong doon sa babae ang pangalan nito.

Ang ipinagtataka lang niya`y hindi naman siya ganoon. Sa tuwing may makikitang babae,kahit gaano pa kaganda ay kung minsan hindi naman siya nag-aabalang magtanong pa. Sabagay,ang mga babae naman ang lumalapit sa kanya. And if they introduce themselves or,he don`t care that much.

Oo nga,ang babaeng iyon ang lumapit sa kanya pero sadyang nabighani siya dito kung kaya`t siguro`y ang pangalan nito ay nalimutan niyang itanong. Damn! He need to get to know that beautiful stranger.

“POP,are you okay now?” malambing na tanong ni Hazel sa ama. Nakaupo siya sa gilid ng kama nito at magkahawak-kamay. Tarantang-taranta talaga siya nang tumawag ang mama niya na inatake ito sa puso.

He nodded smiling. “Your pop is so much fine now,Iha. Look! I`m strong” nakatawa pa nitong wika. Nag-posing pa itong parang isang body-builder.

She laughed. Pero hindi pa rin maalis-alis sa kanya ang pag-aalala. Mild heart attack lang daw iyon sabi ng kanilang family doctor nang makausap niya ito kanina. But that couldn`t stop her from being paranoid,well in a good way. Baka kasi maulit na naman iyon at ayaw niyang mangyari iyon.

“Yup,I know pop. But you need to be more stronger. Ayaw mo niyon? Mag-exercise ka kasi,tapos panay pa ang kain niyo ng matataba. Ayan tuloy. Ha? You could do jogging outside every morning para na rin maarawan ka. Hindi ka na lumalabas ng bahay eh” si Hazel.

“Labas ng bahay. Bakit pa? I just go outside when I have my work” malungkot nitong wika. Ilang araw na itong nananatili sa bahay. Nalugi ang kompanya nila kaya nagging matamlay na rin ito. Simula pa kasing hindi pa siya napanganak ay doon na ito nagtatrabaho. Pamana pa ito ng kanyang grandparents niya kaya ganoon na lang ang panghihinayang nito . Sinisisi nito ang sarili dahil doon na sa tingin naman niya`y hindi dapat. His father loves his work. He puts dedication on it everytime.

Naapektuhan lang talaga ang kompanya nila at naisara ito nang ganun ganun lang dahil sa global recession. Hindi nakayanan pa ng magulang niya ang pagpapatakbo sa negosyo nila na nag-eexport ng furnitures patungo sa iba`t ibang panig ng kontinente. Sa China,Singapore,Korea,Japan at iba pa. Pero nag-back out ang mga dealers at buyers nang magsimula ang recession. Lumipat na rin sila sa mas maliit na bahay.

Kung kaya`t ngayon ay nahihiya na itong lumabas ng bahay. Hindi ito makapaniwalang nagging pabaya ito sa negosyo nila. Pero taliwas iyon sa iniisi niya. Kilala niya ang ama at hindi nito ugali ang ganoon.

“Work” si Hazel at pina-ikot ang eyeballs. “Pop,you don`t have a work now but it doesn`t mean that you have to stay here. Dito sa apat na sulok ng bahay. Dito sa loob ng kwarto. Your life doesn`t end here. We can put up a small business and i`m trying to find work. So don`t worry okay?” pangungumbinsi niya.

Umiling ito. Ibig sabihin lang ay tutol ito sa pagtatrabaho niya. Kung maari ay hindi siya nito papayagan. Mahal na mahal kasi siya nito at nasanay na rin siyang mamuhay nang maginhawa, walang iniisip na problema,kung baga buhay prinsesa.

She sighed. Kahit naman happy go lucky siya ay open minded naman siya. Kung ganito na ang pamumuhay nila`y kailangan niyang magsikap. Hindi habambuhay na aasa siya sa iba. Sa mga magulang. Noon pa man ay gusto na rin niyang maging independent pero ang papa lang niya ang hadlang. Gusto nitong manatili lang siya sa bahay. Walang inaatupag na trabaho. Dahil nga daw sa meron namang trabaho ang papa niya. Eh ano ngayon? Kaya hindi pwedeng tatanga siya at sitting pretty lang. Kailangan niyang kumilos.

“Oo nga naman Ben. Imbes na magmukmok ay kumilos ka. Mas ngayon natin kailangang magsikap lalo pa`t wala na ang kompanya natin” sita ng kanyang mama pagpasok nito sa kwarto. Dala dala nito ang isang mangkok na may lamang umuusok pang sopas. Umupo rin ito sa kabilang gilid ng kama.

Natigil saglit si Ben at malalim ang naging paghinga. “Well, I guess your right” ang nasabi nalang nito.

Napaisip si Hazel. Bukas na bukas din ay maghahanap na siya ng trabaho. Nae-excite rin siya sa gagawin. Sana naman ay suwertehin siya dahil kating-kati na siyang may ginagawa. Kahit pa tutol ang kanyang ama, siya ang masusunod this time.

No comments:

Post a Comment